Fourth Rose: PART II (The Party)

1.1K 17 5
                                    

Fourth Rose: PART II 

The Party

++++++++++++++++

Agad silang natigil sa ginawa ko at napatingin sa akin.

“Maica?” tawag ni Jocy.

“Is something wrong, Maica?” tanong ni Ronan.

Ilang sandali akong nakatayo sa harap nila hanggang sa na-realize kong si Jocy lang ang nakaupo sa sofa. Agad kong pinakalma ang sarili sa pagkatakot. Minamalik mata na naman ba ako?

“A-ah… w-wala” utal kong sabi. Hindi ko alam kung anong idadahilan ko. Nakikita ko kasi sa mga mukha nila ang pagtataka sa ginawa ko. Bakit nangyayari ulit ang lahat ng ito?

“Uhm… May daga ata…” pagsisinungaling ko at bigla ring napasigaw si Jocy pagkatapos ko iyong sabihin at mabilis na napaakyat sa may couch.

“Ahh! Asan? Maica, saan mo nakita? Nick! hanapin niyo dali… palabasin niyo bilis!”

Hindi ko na pinansin ang pagpa-panic ni Jocy at mabilis akong tumungo sa pinto.

“Sandali, bibili lang ako ng snacks niyo” sabi ko at agad na lumabas ng studio.

Akala ko okay na ang lahat  pero bakit ito nangyayari ulit sa akin. Sinubukan ko namang tanggapin ang lahat ng nangyari ka Cecil pero bakit nagpapakita na naman siya sa akin? Ano ang ibig sabihin ng mga iyon? Napailing ako sa sarili.

“Hindi. Ayokong nang isipin pa ang lahat ng mga nangayari” bulong ko sa sarili at bumuntong hininga.

Nagsimula akong maglakad papuntang canteen para bumili ng snack namin nang napansin ko sina Sir Arthur at Mateo na naguusap sa harap ng pinto ng isang classroom. Napansin kong mukhang okay na rin si Sir Arthur sa kabila ng lahat ng akusasyon sa kanya. I knew na wala talaga siyang kinalaman sa pagkamatay ni Elaine.

Nang nakalapit ako ay tapos na silang magusap at umalis na rin si Sir Arthur.

“Hey!” salubong ko kay Mateo.

“Oh, Hi Macia!”

Nagkasabay kami sa paglalakad.

“Are you heading to the canteen?” tanong ko.

“Ha-ah...?  Uhm…”

Napansin kong naiilang pa rin siyang kasama ako at alam kung tungkol ito sa nangyari kay Cecil. Kahit ako man ay naalala si Cecil kapag nakikita ko siya but I’m trying to move on with it. Kahit papaano ay gusto kong maging kumportable siya sa akin at least mapapanatag ako kung matanggap niya rin ang lahat.

18 Roses [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon