Sixth Rose: PART I
Nightmare
++++++++++++++++
[Maica’s POV]
Maulan nung pumasok ako ng school. Makulimlim ang panahon at tahimik ang buong klase namin buong araw. Malungkot ang lahat sa nangyari kay Ronan. Yung iba naman ay natatakot , iniisip nilang sinumpa ang klase namin. Hindi pa kasi natatapos ang isang buwan ay dalawang kaklase na namin ang namatay. Si Cecil at ngayon si Ronan.
“You can go home early today.” anang proffesor namin sa Math.
Nagligpit ako ng gamit ko at sandaling pinagmasdan ang silya ni Ronan.
“Sir! May balita na ba tungkol sa pagkamatay ni Ronan?” one of my classmates asked hastily.
Nabigla kaming lahat sa tanong niya at si prof din ay napatigil sa paglabas ng classroom at humaarap sa kanya. Naging tahimik ang lahat at inabangan ang sagot ni professor .
“Not yet. Wala pa ring nakukuhang balita ang school sa mga pulisya” Iling niya. “You should go straight home today” aniya at lumabas na ng room. Hindi rin maiwasan ang mga bulung bulungan sa buong room habang nagliligpit ang lahat.
Nagbuntong hiniga na lang ako, but then I heard…
“All I know is that nung gabing yun, after nung namatay yung ilaw ay nakita ko si Ronan sa may stage. He was acting weird and he looked scared. At tsaka parang may tinitingnan siya pero hindi ko alam kung sino. At pagkatapos nun ay nakita ko siyang tumakbo pababa ng stage.” she explained.
Nabalot ng pagtataka ang buong klase sa sinabi niya.
Nanindig naman ang balahibo ko sa narinig dahil alam ko kung sino ang nakita niya nung gabing yun.
~~Flashback~~
“Ronan!” sigaw ko. I saw him running down from the stage.
Sinubukan kong habulin siya pero hindi ako nakaalis sa dami ng tao. Kinuha ko yung phone ko at dagling tawagan siya.
“Trrrr…trrrr….”
Ronan sagutin mo!
“Maica?” boses ni Ronan. Napansin ko na agad ang panginginig ng boses niya.
“Ronan asan ka?” pagaalala ko.
“Maica, nandito siya! nandito siya!”
Lalo na akong kinabahan sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
18 Roses [On Hold]
HorreurSYNOPSIS 18th Birthday, na kung tawagin sa atin ay Debut ng isang babae. Mainly the age of maturity. This is a celebration of the debutant where she gets to have: "18 Items" as rites "18 Candles" where she is mostly given best wishes by her female f...