Fifth Rose: PART I
Condolence
++++++++++++++++
Ilang gusali na rin ang dinaanan namin at seryoso pa rin siya sa pagmamaneho. Napagmasdan ko rin ang mga punong tinatangay ng malakas na hangin at nagbabadyang uulan ngayong gabi.
Paulit ulit sa isip ko ang sinabi ni Terrence. Ibig bang sabihin, nagpapakita na rin sa kanya si Cecil? She’s after me pero bakit kailangan niyang idamay si Terrence? Napailing ako sa loob loob ko.
“I’m not sure but think I saw her there last night. Ewan, namamalikmata lang yata ako” aniya at bahagyang napangisi.
Napasandal ako sa upuan. Nakikita ko sa mukha niya na naguguluhan siya sa sinabi niya. I know he’s confused dahil ako rin ay hindi naniwala noon nong nagpakita sa akin si Cecil and even now she’s still haunting me.
Nagalinlangan akong sagutin siya. Hindi ako sigurado kung sasabihin ko sa kanya ang totoo. Naikwento ko na sa kanya dati ang pagmumulto sa akin ni Cecil at ayoko kong magalala na naman siya, ayoko ko ring idamay pa siya sa pagitan namin ni Cecil. Natatakot akong baka may mangyaring masama sa kanya.
Seryoso siyang tumingin sa akin. Tumikhim ako. Gosh! Do I really have to tell him the truth? Hindi ko siya matingnan ng maayos. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin dahil hindi ko rin kasi naiintindihan ang mga nangyayari.
“uh…” naputol ang sasabihin niya nong tumunog yong phone ko.
“Kriiiiiiiiiiiiiiing!!!”
Dinukot ko ito sa loob ng handbag ko dahilan para hindi ko masagot si Terrence. Sinagot ko naman agad yong tawag habang sumusulyap sa kanya na nakatoon pa rin sa pagda-drive. Mukhang hindi naman siya seryoso sa mga sinabi niya. Napabuntong hininga ako.
“Kumusta girl? I just wanna check up on you kung okay ka lang.” boses ni Jocy na nasa kabilang linya.
“I’m fine” nakangiti kong sabi.
Ilang minuto rin kaming nagusap ni Jocy hanggang sa nakarating na kami ni Terrence sa bahay nila David.
“We’re here” aniya.
Tahimik ang paligid pagkalabas namin ng kotse at naramdaman ko agad ang malamig na gabi. Napansin namin ang mga taong naka itim na damit na nasa labas ng pintuan nila. Tumikhim ako. Unti unti namang bumibigat ang pakiramsam ko habang papalapit sa kanilang pinto. Parang ayoko ko nang tumuloy. Hindi ko ata kayang harapin sila. Napailing ako. Humugot ako ng lakas at bumuntong hininga.
BINABASA MO ANG
18 Roses [On Hold]
HorrorSYNOPSIS 18th Birthday, na kung tawagin sa atin ay Debut ng isang babae. Mainly the age of maturity. This is a celebration of the debutant where she gets to have: "18 Items" as rites "18 Candles" where she is mostly given best wishes by her female f...