Second Rose: PART III (Knock Knock)

1.4K 23 3
                                    

Second Rose: PART III

Knock Knock!

++++++++++++++++

“Ano ba kasi ang nangyari sayo kagabi?”

Nainis na si Jocy sa kakatanong niya sa akin. Hindi ko pa kasi kinikwento sa kanya yung nangyari kagabi, at kahit si Terrence ay hindi pa rin alam ito.

Sa katunayan ay wala naman talagang nangyaring masama kagabi sa party. Nung pagdating ni Terrence ay buong gabi lang ako sa tabi niya. Hindi rin siya lumubay sakin hangang sa matapos na yung program. Hindi ko lang talaga kinaya ang nangyari but I tried to be strong dahil kasama ko si Terrence. Hindi rin kami nagtagal sa after party at inihatid na niya agad ako pauwi para makapagpahinga, pinayagan rin naman kami nina mama at papa kahit bakas sa mukha nila ang pag aalala. Mas lalo kasi akong natakot nung maalala ko ang sinabi sakin ni Ara. Natakot ako sa kung anong susunod na mangyayari sa pagaakalang magkakatotoo ‘yong sinabi niya. I took a deep sigh.

Mabuti na lang at mali ang mga prediksyon niya. Ba’t ba niya kasi sinabi iyon? Tinatakot niya lang ba ako o naiinggit lang siya sa ak—? Hindi ko na tinapos ‘yong iniisip ko, bagkos ay umiling iling na lang ako sa sarili at kinausap si Jocy.

“Sa Monday ko na lang ikekwento sayo” sabi ko sa kanya habang magkausap kami sa phone.

Ba’t ba kasi ang kulit niya. Eh hindi rin naman ako sigurado kung totoo ba ang mga nangyari kagabi. Baka nga haka haka ko lang ang mga iyon o nababaliw lang talaga ako. Nadala lang ata ako ng insomnia ko. But honestly, sa loob loob ko ay mukhang totoo ang mga nakita ko kagabi. Pero bakit ako lang ang nakakita? Baka kailangan ko na yatang magpa psychiatrist. Dahil sa lahat ng nanngyari ay nanaig pa rin sa isip ko na hindi totoo ang mga nakita ko kagabi. Pwera na lang ‘don sa aleng nakita ko.

“eeeee… ano ba kasi ang nangyari?” pagpupumilit pa rin nito. “I’m just worried okay?”

“Yes I know, pero mas mabuti kung ikwento ko na lang sayo ng harapan. Baka kasi hindi mo maintindihan” sagot ko sa kanya.

Bigla naman siyang natigilan. Napakamot naman ako sa ulo.

Hindi niya talaga maiintindihan. Ni ako man ay hindi ko maintindihan ang mga nangyari. Baka isipin pa niyang nasisiraan na ako ng ulo. To think that all of these things na nangyari sa akin ay dahil kay Cecil. But I know Cecil, she’s my best friend and she would never do that to me. Pero kailangan nang matapos ito. Yes, this has to end already. Kailangan ko nang gumising sa mga delusions ko.

“Okay” ani Jocy. “Just make sure na maaga ka sa Monday okay? Talaga bang okay ka lang dyan?”

“Oo, okay lang ako”

“Sure?”

“Oo nga kasi. I’m totally fine.”

“Okay sige, ingat ka ha? Love you, bye!”

“Love you too!”

18 Roses [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon