Fifth Rose: PART II
Intuition
++++++++++++++++
Terrence’s POV
“Ang init!” reklamo ni Michael.
Halos dalawang oras na kasi kaming naka bilad sa nakakapasong sikat ng araw sa loob ng soccer field at nagpa practice. Napailing na lang ako sa sarili. Kanina pa kasi ito reklamo ng reklamo palibhasa baguhan pa. Napatingin naman ako sa dalawa nitong kasamang sina Aldrin at Patrick na panay din ang reklamo habang naglalaro. Kakapasok pa lang nila sa team this school year at sa palagay ko ay hindi tatagal ang tatlong to. Hindi ko alam kung bakit nakapasa ang tatlong to sa tryouts. I don’t know what coach was thinking at ipinasok ang tatlong to sa team namin. I shook my head again.
Nasa akin na ngayon ang bola at mabilis ko naman itong pinagulong gulong at sinipa.
“Hey! Pass it to me!” sigaw ng Patrick.
Nagdalawang isip akong ipasa sa kanya ang bola, malapit na rin kasi ako sa goal at walang nakaharang. I stopped for a moment at kinalaaunan ay ipinasa din sa kanya ang bola na agad namang naagaw ng kalaban. Nasapok ko na lang ang noo ko at bumuntong hininga. I knew it.
“O lets take a break!” ani coach.
Natigil kaming lahat. Nakita kong lumapit si Patrick sa akin at pinatong ang kamay niya sa balikat ko habang naglalakad.
“Dude! Sana pinasa mo sa akin ng maaga yong bola. I could have make the goal.” Mayabang nitong sabi at ngumisi. Agad naman itong umalis at pinuntahan ang dalawa nitong kasama at nakipag appear.
Napairap ako sa sinabi niya. Ang yabang magsalita ng kumag na to ah, ni hindi nga niya masipa ng maayos ang bola. Naiirita ako pero sinubukan kong wag na lang pansinin iyon. Agad kong kinuha ang mineral water sa tabi ng backpak ko at inubos ang natitirang tubig sa loob nito. Ilang sandali rin kaming nagpahinga.
Napalinga ako sa paligid and I saw Miaca na nakaupo sa may bleachers at kasama si Jocy doon. She saw me kaya kinawayan ko siya. I saw her smile but I noticed it was not the usual smile she always do. Napansin ko siyang ganyan kagabi pa ng nakauwi kami galing sa burol ni David.
She was acting weird yesterday. I know there is something wrong with her and it bothers me.
“Terrence!” tawag ng kasama ko sa team.
Napalingon ako sa kanya. Napansin kong nasa gitna na sila ng field para simulan uli ang laro.
“Let’s go!” aniya at dumeretso sa ginta.
Agad akong sumunod sa kanya at saglit na nilingon si Maica ng napansin kong may kakaiba doon sa inuupoan nila. Napakunot ang noo ko sa pagtataka.
BINABASA MO ANG
18 Roses [On Hold]
TerrorSYNOPSIS 18th Birthday, na kung tawagin sa atin ay Debut ng isang babae. Mainly the age of maturity. This is a celebration of the debutant where she gets to have: "18 Items" as rites "18 Candles" where she is mostly given best wishes by her female f...