First Rose: PART I
Introduction
++++++++++++++++
7:00 am
Reporter:
"Dalawang linggo ang nakakaraan ng mangyari ang krimen sa pagpatay sa isang Mass Com student na si Cecil Lumaro at matapos ang isang linggo naman ng mapatay sa shoot out ang killer sa krimen pero hangang ngayon ay malaking usap usapan pa rin ito sa nakararami lalo na ang mga estudyante ng St. Alcuin University kung saan nag-aral ang biktima. Dalawang taong na ang nakakalipas ng magbukas ang school at ito ang kaunaunahang kaso na naganap sa natu…."
“Click” pinatay ni mama yung TV.
Emily, that’s my mom’s name and She’s a professor in our school.
“Tama na yan” aniya.
“Maica, today is your birthday and I want you to be happy for this day.” may pagaalala sa boses niya.
Ilang sagilt pa ay tumungo na siya sa kusina para sa almusal namin.
Hindi ko namang mapigilang malungkot. Napahiga na lang ako sa sofa at nagtago sa hood ng sweater ko. Malamig na rin kasi ngayon ang panahon. Tag ulan na.
Wala na si Cecil at hindi ko alam kung magiging masaya ang party ko na wala siya. Mag best friend na kaming dalawa simula pa ng mga bata, kahit nga sa Kurso ay parehas din kami ng kinuha. Madalas nga naming pinag-uusapan kung ano ang magiging theme ng debut namin, kung ano ang susuotin at marami pa, at staka nakatago pa nga sa akin ngayon yong dalawang candle na ginawa namin para gagamitin sana sa 18 candles sa debut namin. But now it’s no use, wala nang mag-aabot nito sa akin.
Napailing na lang ako sa sariili sa sobrang lungkot.
Napaisip naman ako. This should be a happy day for me and I know ito rin ang gusto ni Cecil para sa akin. Nagbuntong-hininga ko ng malalim.
“Clunk” the door opened.
“Andito na ako!” parinig ni ate Grace. Kapatid ko, she’s a nurse and she is the best sister in the whole world for me.
Bigla akong napatayo sa tuwa at agad na tumakbo sa pinto.
“Ate!” sigaw ko.
“Ate dala mo na ba?” excited na tanong ko nong nakaharap siya.
“Andito na!” tuwang-tuwa nyang sabi habang hawak hawak ang isang purple ball gown. It’s the gown I’ll be wearing tonight.
“Ahhh!” sabay kaming napasigaw sa saya.
BINABASA MO ANG
18 Roses [On Hold]
TerrorSYNOPSIS 18th Birthday, na kung tawagin sa atin ay Debut ng isang babae. Mainly the age of maturity. This is a celebration of the debutant where she gets to have: "18 Items" as rites "18 Candles" where she is mostly given best wishes by her female f...