Seventh Rose: PART I (Disquiet)

727 11 2
                                    

Seventh Rose: PART I


Disquiet


++++++++++++++++


[Maica's POV]


The Dean's Office


"Miss Maica Santos... You were doing fine before with your grades but it's strange na bumaba ito lately. Is there something wrong?" tanong ng Dean.


Hindi ako sumagot. I was just setting there kasama si mama.


"I'm sorry po Mr. Ocampo... It's just she's not been sleeping well lately." Mom butted in. Napatango naman yung Dean.


"Everyone knows what happened to your classmates. Lahat tayo ay may truma sa nangyari sa kanila and I'm sorry." Paliwanag niya. "And because of those events I say lahat ng mga nakikita mo is all just in your mind.... You should stop thinking about those." He said calmly.

 

Naikuyom ko ang mga kamay ko ng mahigpit. Hindi nila alam kung anong nangyayari.


"You know I'm expecting a lot from you. You're one of the best students here at school. There's a bright future for you kaya wag mong sayangin ang pagkakataong ito. Wag mong hayaang maapektohan ang pagaaral mo dahil dito."


Nakatungo lang ako.  "Sorry po sir..." mahina kong sagot.


Napabuntong hininga ito ng malalim. "Anyway... Naiintindihan ko ang sitwasyon mo pero ayoko lang sanang maulit pa ang nangyari kanina."


Tumango si mama. Mas pinili kong maging tahimik na lang sa mga oras na iyon. Hindi rin naman sila maniniwala kapag sinabi ko sa kanila ang totoo.



~~@~~



Sa paglabas namin ni mama ng Dean's office ay pinauwi niya na agad ako para makapagpahinga. Wala naman akong nagawa kundi sumunod. Hindi ko na naabutan si Jocy. Sigurado akong nagulat siya sa nangyari. Nagaalala ako para sa kanya.  Sana naman nakauwi siya ng maayos.


Nadatnan ko si Terrence na nagaantay sa labas ng building ng department namin. Napansin niya agad ang paglabas ko at dagli siyang lumapit sa akin ng nakangiti. Hinawi niya ang buhok ko at pinagmasdan and bandage sa noo ko.


 

"Let's go..." he declared at hinawakan ang kamay ko. Naglakad kami papunta sa kutse niya at umalis na rin kami ng school para ihatid ako sa bahay.


Pinagmasdan ko siya habang nag da-drive. Seryoso na naman ang mukha niya.



~Flashback~

 

The Infirmary

18 Roses [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon