Leise POV
Huminga ako ng malalim.
Unang araw na ulit ng pasukan para sa panibagong taon ko rito.
Nakatayo lang ako dito sa labas ng paaralang pinapasukan ko at pinagmamasdan ang mataas na gate nito.
Ang Laut Academy.
Mahahalata mo mula sa gate ng paaralang ito ang karangyaan ang nagmamay-ari nito. Ang gate nitong mapaghihinalaan mong tunay na ginto sa sobrang kintab lalo na sa kulay nitong pinaghalong silver at gold. Ang pangalan ng paaralan na nakalagay sa itaas na bahagi ng gate nito, sa parteng mayroong patusok para proteksyon sa mga magbabalak na umakyat at pumasok sa paaralan. Sapagkat wala pa kaming nababalitaan na ganoon dahil sa higpit ng seguridad dito ay naninigurado lamang ang paaralan sa kaligtasan ng mga estudyante rito.
Naglakad ako papasok sa eskwelahan. Kakaunti pa lamang ang mga estudyante sa kadahilanang mahigit kalahating oras pa bago magsimula ang klase.
Ang mga estudyante dito ay iba-iba. May mayaman, mahirap, may kaya, sikat man o hindi. Pero makakapasok ka lang sa eskwelahang ito kung nakapasa ka sa pre-examination kung saan malalaman mo kung maari kang makapasa o hindi dito.
Maraming may gustong mag-aral dito dahil bukod sa kumpleto ang facilities dito, ay talaga namang sikat ang paaralang ito sa bansa dahil sa magandang reputasyon nito. Laging nananalo sa mga pampaaralang paligsahan sa iba't ibang lugar. Maski ibang bansa ay kilala rin ang eskwelahang ito. Dahil na rin sa may-ari ng eskwelahan kaya ito ay kilala. Ang may-ari nito ay isa sa mga pinakamayamang businessman sa buong mundo.
Ang pamilyang Laut.
Dumiretso ako sa library. Bukod sa tahimik ito na lugar, ay mayroong aircon at mga librong pwedeng pag-aksayahan ng oras habang naghihintay na magsimula ang klase. Paborito ko itong tambayan dito sa loob ng paaralan.
Nilabas ko yung cellphone kong may basag na screen at earphone para makinig ng kanta galing sa isang sikat na grupo o K-pop group sa Korea. Kahit naman basag itong cellphone ko at mukhang luma na ay nagagamit pa naman ito ng maayos. Mahigit tatlong taon na rin 'to sa pangangalaga ko.
Nilabas ko rin ang librong maaaring pag-aralan ngayong pasukan.
Ako nga pala si Leise Kind. Ang pinakatahimik sa buong eskwelahan na ito. Kilalang kilala ako ng mga estudyante rito dahil na rin sa kaalamang hindi ako nagsasalita at pag-aakalang isa akong pipi. Ni minsan ay hindi nila ako narinig na nagsalita o gumawa ng ingay galing sa munti kong boses.
Naaalala ko noong unang taon ko dito sa Laut Academy, nagpakilala ako sa mga kaklase ko sa pamamagitan ng pagsusulat sa isang makapal at malaking drawing book. Nagtataka silang lahat, maski ang mga guro. Tinanong nila ako kung isa akong pipi pero ang sinulat ko sa drawing book ay isang malaking 'HINDI'. Mas nagtaka sila noon at balak pa magtanong ng marami subalit mabilis akong nagsulat sa kwaderno ng 'THAT'S ALL, THANK YOU' at umupo sa bakanteng upuan sa likod. Sinundan nila ako ng tingin na nakanganga at at nanlalaki ang mata. Kasama na ang gurong nakatayo sa harap na puno ang pagtataka ang mata.
Sa mga sumunod na araw ay ginugulat, binubully, iinisin at ginagalit nila ako para mapilit na magsalita pero ni isang beses ay walang lumabas na kahit anong tinig mula sakin. Tanging ekspresyon at reaksyon ko lang ang makikita doon pero walang narinig mula sa akin.
Isang beses ay nakita nila akong magalit dahil sa pagbasa nila ng mga gamit ko sa loob ng klase sa oras ng lunchbreak. Lalo na sa makapal kong drawing book na lagi kong dala para sulatan ng mga pwedeng sabihin sa kanila. Nakita nila ang ekspresyon kong dumilim at pagkuyom ng kamao. Natakot sila sa simpleng reaksyon ko na iyon pero mas natakot sila sa sunod kong ginawa. Sinuntok ko ng malakas ang pader pagkatapos ay tiningnan sila ng masama. Lahat ng mga kaklase ko ay nandoon dahil gusto nilang marinig akong magsalita. Hindi ko ininda ang sakit ng kamao ko at yumuko para pulutin ang mga gamit ko sa sahig na basa ng tubig. Maingat ko itong pinagpupulot at saka ibinagsak sa lamesa ko. Nakarinig ako ng tili ng mga kaklase kong babae dahil sa lakas ng tunog na ginawa nito. Huli kong kinuha ang drawing book na makapal atsaka ito tinitigan at saka ko inilipat ang atensyon ko sa mga kaklase kong takot. Pumatak ang luha ko galing sa dalawa kong mata habang nakatingin pa rin sa kanila ng masama.
Galit ako. Hindi nila alam kung paano ang paghihirap ko para makabili ng makapal na drawing book na ito. Binili ko ito para makipag-usap sa kanila. Pero anong ginawa nila?!
Ilang sandali pa ay dumating ang guro namin. Nagtaka pa ito sa simula dahil naabutan niya ang mga estudyante niyang nakatingin sakin na may takot. Nabaling naman ang atensyon nito sa kamao ko at sa pader na may bahid ng dugo. Napasigaw pa siya noon dahil sa pagkabigla at pag-aalala at madali niya akong pinapunta sa clinic para ipagamot ang kamao ko.
Kinausap ng guro na iyon ang mga kaklase ko dahil sa nangyari. Pinaalam ng guro namin sa principal ang nangyari kaya nag-anunsyo ito sa buong school na huwag akong piliting magsalita. Pipi man daw ako o hindi, hindi pa rin daw tama na ipagpilitan ang mga bagay na ayaw at hindi pwede. Kinabukasan ng mga araw na iyon ay lahat ng kaklase ko ay humingi ng pasensya dahil sa ginawa nila. Maski ang ibang estudyante na galing sa ibang section na nang-bully rin sa akin. Binigyan din nila ako ng isang kartong naglalaman ng tatlumpung makakapal na drawing book at isang refillable marker at isang kartong may laman din ng mga ink.
Napaiyak ako at paulit-ulit na nag-bow sa kanila. Naiyak din ang mga ito maski ang mga lalaki at dinamba ako ng yakap o mas magandang sabihing group hug.
May special mention na ako sa principal, bumalik na sa tahimik at normal kong buhay, maayos na pakikitungo ng mga estudyante at mga ibang nagtatrabaho dito sa paaralan, may mga bago pa akong gamit matapos ng pangyayaring yon.
Nagsulat na ako kagabi sa kwaderno ko kung anong pwede kong sabihin para sa pagpapakilala na nagaganap tuwing unang araw ng pasukan. Kahit alam ko nung mga nakaraang taon ay hindi na nag-aabalang sabihan ako ng mga guro para magpakilala sa harap ng mga magiging kaklase ko. Kilala naman daw ako ng lahat. Pero kapag may transferee, ang guro o ang mga estudyanteng kilala na ako ang bahalang magpakilala sa mga ito.
Sa mga recitation, tanging oras lang ng matematika ako nagiging aktibo para magsagot ng mga problems sa board. Sa oras ng P.E. naman ay aktibo din ako sa mga aktibidad na ginagawa. Bukod sa madali ang mga isports na pinapagawa samin ay sanay at madali ko lang natututunan ang mga ito. Sa mga role play, ako palagi ang naaatasang gumawa ng script dahil magaling akong gumamit ng salita at mabilis magsulat. Lagi akong nasa anino pero pansin pa rin ng lahat dahil sa talento ko sa pagsulat ng script na talaga namang pinagtutuunan din ng pansin ng mga guro bukod sa pag-arte ng mga kaklase ko.
Napansin kong tumayo ang ilan sa mga tao na nandito sa library at lumabas. Tinanggal ko ang nakasukbit sa tenga ko at narinig ko ang malakas na tunog ng bell, hudyat na magsisimula na ang klase. Nilagay ko ang mga gamit ko sa backpack na dala ko at inilabas ang kwaderno ko at marker tsaka ako nagsimulang maglakad ng mabilis papunta sa room kung saan ako nararapat. Third floor ng building ng fourth year students. Doon ang lugar kung nasaan ang section ko.
Section 4-A. Ang kilalang Section Uno o 1 kung saan naroon ang mga matatalino, sikat mula sa pamilya ng mayayamang negosyante, sikat sa career, at anak ng mga politician.
Hinigpitan ko ang hawak ko sa kwaderno ko at dahan-dahang pinihit ang doorknob ng pinto.
7/30/18 - 9:51pm
YOU ARE READING
Muted
Teen FictionI don't wanna talk. I don't wanna say anything. I'm tired of speaking. No one ever listened. No one ever believed. Now I chose to be silent, Now I chose not to make any sound, Does it make anything different? Now that I'm muted, will there be someo...