Chapter 4

15 1 0
                                    

Leise POV

Nandito ako sa library. Nakatambay ulit. Nagbabasa ako ng libro tungkol sa posible naming pag-aralan sa susunod. Advance reading kumbaga.

Maaga kasi talaga ako pumapasok. 30 mins or more than that ay nandito na ako sa school. Early bird akong estudyante. Diretso agad ako sa library pagdating ko sa school. Yun ang routine ko sa kahit pa noong mga nakaraang taon.

Natigil ako sa pagbabasa nang may umupo sa harap ko. Pa-rectangle kasi itong table na 'to. May dalawang mahabang upuan na mala-sofa pero kahoy at may foam na maaari mong upuan. Kasya sa upuan na ito ang tatlong tao. Bale sa table na to, anim na tao ang maaaring gumamit.

Tiningnan ko ang umupo sa harap ko at ibinalik ko ulit ang tingin sa binabasa ko. Pero napatingin ulit ako sa taong nakaupo sa harap ko na may nanlalaking mata.

"Oh. Hi? Naistorbo ba kita? Makikiupo lang kami ng kaibigan ko dito. Ah! Pwede bang makiupo kami? If you don't mind? Ayos lang naman kung ayaw mo." ngumiti si Jessica sakin. Yup si Jessica. Umiling ako sa kanya at kinuha ang bag ko na nasa tabi ko at ikinandong na lamang ito upang magbigay pa ng bakanteng upuan sa tabi ko.

Mukhang naintindihan naman nito ang ginawa ko at ngumiti ito ng matamis sakin and she mouthed 'thank you'. I just smiled back at her.

Mabuti na lamang at hindi ako nakasuot ng earphone ngayon. Kasi panigurado hindi ko siya maririnig ngayon. Full volume ata ang cellphone ko kapag nakikinig ako ng tugtog.

Ibinalik ko ang tingin ko sa librong binabasa ko. Sinubukan kong mag-focus pero hindi ko magawa.

Maya maya pa'y may naramdaman akong umupo sa tabi ko at sa tabi ni Jessica.

"Grabe Jess! Dito niyo pa talagang naisipang tumambay! Eh wala man lang kachix-chix-- Oh look what we have here." mahinang sabi nito. Nag-iba din ang boses nito na parang lumalandi lang sa isang bar. Katabi nito si Jessica kasi wala sa tabi ko yung nagbulong non. Pero hindi ko pa rin tinitingnan kung sino mang tumabi sakin.

"Tumigil ka Sed. Makakatikim ka ng sapak sakin." rinig kong wika ni Jessica. Pabulong lang din ito pero halata pa rin ang inis sa boses nito.

"Hey stop that. Nasa library tayo. Wala tayo sa Cafeteria para maggyera kayo diyan. Tsaka look. We're busy reading, right Leise?" napaangat ako ng tingin. Nakaupo si Nicky sa kanan ni Jessica. Sa kaliwa ni Jessica ay si Sedrick. Ibig sabihin...

Napatingin ako sa katabi ko. And there. I saw him reading some Nicholas Spark's stories.

Iniwas ko ang tingin sa kanya at tumango kay Nicky. Nakita ko namang nagkatinginan si Jessica at Sedrick at sabay na may sumilay na ngisi sa labi nila.

Hindi ko sila pinansin at nagbasa na lang ulit. Pero sadyang naririnig ko pa rin ang boses nilang dalawa.

"Naiisip mo ba ang iniisip ko B1?" wika ni Jessica.

"Oo naman G1." nakarinig ako ng parang paghampas at mahinang daing.

"Loko ka. B2 kasi! Wag mong ibahin!" inis na bulong ni Jessica.

"Sorry na." wika ni Sedrick.

Ibinaba ko ang libro ko sa lamesa kaya napatingin silang apat sa akin. Tapos sa libro ko at sa akin ulit.

Kunot-noo ko silang tiningnan. Nagkatinginan lang silang apat at sabay silang tumingin sa akin.

"A-ah hehe. May problema ba L-leise?" nauutal na tanong ni Jessica.

Hindi ako umiling o kahit tumango. Nakatingin lang ako sa kanila habang nakakunot-noo.

Tiningnan ko ang braso ng katabi ko. Nilapit ko ang mukha ko sa kamay nito.

MutedWhere stories live. Discover now