Chapter 8

17 0 0
                                    

Leise POV

"I will assign your reports now for your assigned groups. Your group would be the your seatmates. So in one group, there would be five members. The one who is sitting on the first row, please stand up and come to the front."

"Yes! Buti tayo yung magkakagrupo!" tuwang tuwang sabi ni Jessica.

"Yeah, Jessica and Nicky would be the one to report for our group." Sedrick teased.

"What?! No!" Jessica and Nicky exclaimed.

"Hahahahaha! Ang epic ng mukha niyo! Hahahaha!"

Napailing na lang ako sa kanila samantalang si Christopher naman ay parang walang pakialam.

Tumayo na ako at ako ang pumunta sa harap since ako naman ang nakaupo sa first row.

"Okay so bumunot kayo ng papel and there would be the topic of your report and the date of your reporting. Don't worry, the first one who'll be reporting has an easy report. So walang hassle ang paggawa at research ng report niyo. But the thing is, kapag kayo ang huling magrereport it's not gonna be easy. Because you have plenty of time to do that. I'm expecting for good results." kinuha ni Ma'am Liezel na teacher namin sa science ang mga nakatuping papel sa table at inilahad samin. "Pick one."

Mabilis na nagsikuhanan ang mga kaklase ko ng papel at mabilis na binuksan. Hinayaan ko muna silang kumuha hanggang sa may natirang isa.

Kinuha ko yun at dahan dahang binuksan.

Tiningnan ko si Ma'am and there I found her smiling at me. She silently whisper 'Goodluck' before saying "You may go back to your seats."

Bumalik na ako sa upuan ko ng nakatulala.

"Class dismissed."

And then she walked out of the room followed by some students taking their way home.

"Eh? What's with the face Leise?" pagkatanong ni Jessica non, nagsitinginan na rin yung tatlong kasalikuyang nag-aayos na ng gamit.

Umiling lang ako bilang sagot.

"By the way, anong report natin?"

Napakamot ako ng ulo at kahit nagdadalawang isip, inabot ko sa kanya yung papel.

Pinakatitigan nila yung papel ng matagal at sabay-sabay silang tumingin sakin.

Napayuko na lang ako.

"Huli tayo?" naisabi na lang ni Sedrick.

"Ay hindi nabasa? All capslock pa ngang nakalagay dito sa tabi ng date na 'LAST REPORTER' hindi nabasa? Ano bulag ka na ganon?" binatukan naman ni Sedrick si Jessica.

"Sira! Di ba pwedeng hindi ako makapaniwala bago mabulag?"

"Ewan ko sayo! Bulag!"

"Aba't—!"

Habang naghahabulan sila lumapit sakin si Nicky. "Are you feeling guilty?" dahan dahan akong tumango at sinalubong yung mga mata niya. Tinapik niya yung balikat ko. "It's okay. Knowing na magkakagrupo tayo, I know we can do it." She smiled at me and I smiled back. She's so sweet.

"So kelan natin sisimulan tong mga theory na to?" Sedrick asked to Nicky. Tapos na pala sila magbangayan ni Jessica.

"This Saturday."

• • •

Time passed and it's already Saturday.

Nandito ako sa tapat ng school namin. Sa may guardpost. Mainit kasi ngayon. Tanghaling tapat pa.

MutedWhere stories live. Discover now