Leise's POV
"Ate Leise! Table number three!" sigaw ni Kim sa akin habang nagmamadaling kinuha yung order na hinanda ko kanina.
Nagmamadali din naman akong maglagay ng pagkain sa mga plato at agad nilalagay sa serving station. Yep. Serving station para susyal.
Puno ang karenderya ngayon kasi tanghali. Halos lahat ng customer namin ay mga construction worker. May ginagawa kasing building malapit lang dito. Malalakas din kumain yung mga trabahador kaya ito, madami-dami na ding naseserve.
Kasama ko si Manang dito sa loob. Taga-luto siya. Ako ang naghahanda ng pagkain, naghuhugas ng plato at natulong na din sa pagluluto. Yung dalawang magkapatid, sila ang kumukuha at nagseserve ng order. Sila na din ang naglilinis ng table bawat alis ng customer.
"Simula noong nakaraang linggo, tuwing tanghali, lagi kaming abala," biglang pagsasalita ni Manang habang naghihiwa ng sibuyas. Napatigil naman ako saglit sa paghuhugas ng pinggan at tiningnan siya. "May itinatayong bagong hotel diyan sa malapit." inginuso niya pa yung direksyon na parang nakikita talaga namin mula dito yung hotel.
Napailing ako. "Okay na din po ito Manang. Mabuti na lang at nandito ako para tumulong." pinagpatuloy ko ang paghugas ng plato.
"Ano ba kasing nangyari, iha?" hindi ako sumagot sa kaniya at pinagpatuloy ko na lang ang gawain. Hindi rin naman siya nagpumilit at naging abala na lang rin sa pagluluto.
Nagulat sila kahapon ng dumating ako sa bahay nila nang gabi. Hindi ko sinabi sa kanila yung dahilan kahit tinatanong nila ako lalo na yung dalawang bata. Nag-aalala. Sabi din nila na manatili na lang ako sa bahay nila hanggang sa gusto ko kahit yun naman talaga ang plano ko.
Nagtaka pa nga sila nang hindi ako pumasok ngayong araw. Nagpresinta pa akong tumulong sa karenderya. Alam kasi nilang tuwing may libreng oras lang ako tumutulong sa kanila. Hindi ako nakakapunta sa kanila noong nakaraan sa dami ng gawain sa school. Naiintindihan naman nila yon at alam na ang ibig sabihin kapag hindi ako nakakapunta. It's unusual for them na pumunta ako sa kanila lalo na't alam nila na may pasok ako. Hindi rin naman sila nangulit pa pero alam kong nag-aalala sila. Naninibago sila sa akin.
"Ate Leise! Palit tayo!"
Napatigil ako sa pagbabanlaw ng mga pinggan nang bigla itong agawin sa akin ni May.
"Ikaw na muna doon Ate! Kakapagod eh hehe." tumawa na lang ako at ginulo ko yung buhok niya. Mabilis kong kinuha sa bulsa ng apron niya yung notepad, ballpen, spray bottle at pamunas niya. Nilipat ko ito sa bulsa ng apron ko. Mabilis naman akong lumabas ng kusina.
"Miss!"
Agad akong lumapit sa tumawag sa akin na construction worker at nilabas ang notepad mula sa bulsa ng apron ko. Nakasuot pa ito ng safety gear. Helmet lang ang wala siya at gloves na nakapatong lang sa kandungan niya.
"Yes sir?" nakangiting tanong ko dito.
"Tatlong adobo, isang sinigang tapos isang dinuguan. Lahat may extra rice." nakangiti din nitong pagsasalita.
"Bale, limang order po lahat?", nakangiti itong tumango. "Okay po sir. Pahintay na lang po." nakangiti akong umalis sa table nila at dumiretso sa serving station. Pinunit ko yung notepad at isinipit sa lubid.
Nagsasalita ako kapag ako ang nakatoka sa labas. Kapag napapagod talaga ang magkapatid, substitute talaga ako atsaka si Manang. Bihira lang naman mangyari yung pagpapalit namin kapag sobra na talagang dami ng customer. Nagsisiksikan na kasi itong mga construction worker sa isang mahabang upuan na gawa sa kahoy. Apat lang talaga ang kasya doon pero sa kanila, nagiging anim. May mga monoblock din kaming nakareserba na nakalagay sa gilid pero wala ng natira doon. Dalawang puwet sa isang upuan. Tig-isang pisngi kada tao.
YOU ARE READING
Muted
Teen FictionI don't wanna talk. I don't wanna say anything. I'm tired of speaking. No one ever listened. No one ever believed. Now I chose to be silent, Now I chose not to make any sound, Does it make anything different? Now that I'm muted, will there be someo...