Leise POV
"Hey Leise! Sama ka samin sa cafeteria!" yaya sakin ni Sedrick.
Lunch break na kasi ngayon. Break time o lunch time, sa library ako didiretso. Nakasanayan na rin.
Humarap ako sa kanya at iwinagayway ko yung dalawang kamay ko bilang senyas na hindi ako sasama.
"As expected. Oh Jessica! Do your job!" itinulak ni Sedrick si Jessica papunta sa kinatatayuan ko. Sinamaan ito ng tingin ng huli at nag-peace sign lang si Sedrick dito.
Ibinaling sakin ni Jessica yung tingin niya. "Leise sama ka na kasi! 'Wag ka munang tumambay sa library. Sumabay ka muna samin mag-lunch!" po-protesta pa sana ako pero hinila niya na ako kaya hinablot ko yung bag ko na nakapatong lang sa lamesa.
Sumunod naman samin ni Jessica yung tatlo.
Nagpahila na lang ako kay Jessica. Nakayuko lang ako at nakatingin lang sa sahig habang hinihila niya ako.
Kanina pagdating namin sa room, wala pa si Ma'am Cruz na first subject namin. Lahat sila napatigil sa ginagawa at napatingin sakin pero napatingin din sa likuran ko.
Kasunod ang mga Laut Stars.
Iba-iba yung reaksyon ng mga kaklase ko. May mga namangha at nagkikislapang mga mata, may mga nagulat at syempre yung mga kaklase kong na babae pamatay yung mga tingin sakin. Pero hindi lahat ng mga kaklase ko na babae ay ganoon ang reaksyon.
Ngayong kasama ko na naman sila, mas dumami yung mga nakakamatay na tingin ng mga kaklase ko.
Kaya ako tumatanggi sa kanila dahil dito eh. Magkakaroon pa ako ng issue dahil sa pagsama sa kanila.
Sa buong week, palagi nila akong inaaya na sumabay ng lunch sa kanila which is palagi kong tinatanggihan. Ngayon lang talaga nila ko nahila ng ganto.
Nakarating na kami sa cafeteria. Tumahimik yung paligid nung pumasok kami.
Kasama ko yung Laut Stars eh.
Hindi pinansin ni Jessica yung reaksyon ng mga estudyante at dumiretso sa lamesang malapit sa counter. Pinaupo niya ako doon.
Pang-limahang tao ang bilog na lamesa na yon. May nakadikit pa na sticker sa lamesa at sa mga sandalan ng upuan nito na 'RESERVED'.
Ganito pala ang treatment nila sa school. Hindi ko kasi sila pinagtutuunan ng pansin kahit nakikita at nakakasalubong ko sila sa corridor. Nagbabasa lang ako sa library at nagsusunog ng kilay.
"Sed, ikaw na mag-order." utos ni Jessica dito. Poprotesta sana ito pero kinausap ako ni Jessica. "Leise anong gusto mo?"
Kinuha ko yung biscuit ko sa bag at pinakita sa kanya. Nagkatinginan silang magkakaibigan na parang nag-uusap sila sa pamamagitan ng tingin.
"Leise hindi ka mabubusog sa biscuit. Anong gusto mong lunch?" tiningnan ko yung counter ng cafeteria. Naghanap ako ng pinakamurang pagkain. Hinarap ko si Nicky na nagtanong sa akin atsaka tinuro ang chocolate cake at yung iced tea para sa inumin.
"Oh! Sed pumila ka na! Same food parin kami. Bilisan mo!" pinagtutulak ni Jessica si Sedrick papuntang counter.
"O-oo na! Wag mo kong itulak! Naku!" inis na wika nito.
Bago pa makalayo si Sedrick ay inabot ko sa kanya ang wallet ko.
Nagtataka niya akong tiningnan. Kinuha ko yung 100 pesos ko atsaka inabot sa kanya. Tila naintindihan nito ang ginagawa ko.
"No! Don't bother. Treat ko." sabi nito sakin at ibinalik nito sa wallet ko yung pera. Ngumiti ito sakin at kumindat bago pumunta sa counter para umorder.
YOU ARE READING
Muted
Teen FictionI don't wanna talk. I don't wanna say anything. I'm tired of speaking. No one ever listened. No one ever believed. Now I chose to be silent, Now I chose not to make any sound, Does it make anything different? Now that I'm muted, will there be someo...