Leise's POV
Nang marating namin ang sasakyan ni Cristopher, pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat. Mabilis naman siyang umikot at sumakay din sa driver's seat. Ini-start niya yung engine at lumingon sakin.
Himala pinagbuksan niya ko.
"So.. Uhm.. D-do you wanna eat first?"
"Bakit? Gutom ka na ba?" inosenteng tanong ko. Bahagya pang tumabingi ang ulo ko habang nakatingin sa kanya.
"A-ahh, no. I mean, I'm just wondering if you wanna eat first before I—"
"Pwede naman hehe. Dinner ba or meryenda lang gusto mo?" nakangiting tanong ko.
"Dinner, i-if that's fine with you.." may pag-aalinlangang sagot niya.
"Okay lang hehe."
Tumango-tango siya. Dumapo ang tingin niya sa upuan ko.
"Put your seatbelt on." kunot-noong umiwas siya ng tingin sakin.
Agad naman akong napahawak sa seatbelt at sinubukang ikabit. "U-uhm.."
Ilang minuto ang nagtagal pero hindi ko pa rin siya nakakabit. Ipapasok lang naman diba? Tapos magla-lock na? Eh bakit niluluwa pa rin? Mali ba yung pinagsusuotan ko?
Narinig ko siyang bumuntong-hininga bago muling humarap sakin at yumuko para ayusin yung seatbelt ko.
Nakatingin lang ako sa ginagawa niya.
Ang swabe niya gawin. Parang napakadali. Bakit sakin, ayaw?
Lumayo siya sakin at umupo ng maayos.
"Salamat." ngumiti ako sa kanya.
Tumango lang siya at pinaandar na ang sasakyan. Tahimik lang kami habang nasa biyahe. Nakakarinig din ako nang mga bahagyang pagtikhim ni Cristopher habang nakatingin lang ako sa labas ng bintana at nakangiti.
Mahigit sampung minuto lang ang lumipas nang marating namin yung pagkakainan namin. Medyo malapit lang sa school, pwede ko lakarin na sa tingin ko ay aabot ng kalahating oras bago ko marating.
Hininto niya yung sasakyan sa tapat ng... restaurant?!
Gulat akong napaharap sa kanya.
"Dito tayo kakain?!" pasigaw kong tanong sa pagkabigla.
Taka naman siyang tumingin sakin sa naging reaksyon ko. "Uhh yes..? Why?" napanganga ako.
"A-akala ko sa fastfood lang tayo!" kumunot yung noo niya.
"Fastfood? No. We're gonna eat here." seryosong usal niya na may bakas pa ring pagtataka. "Why? Don't you want to eat here?" lumagpas sakin yung tingin niya. Tiningnan niya yung restaurant na puno ng pagtataka bago muling ibaling sakin yung tingin.
"H-hindi naman.. Mahal kasi sa restaurant eh.." parang napapahiya ko pang sagot.
Mahal naman talaga sa restaurant ah? Tsaka wala akong pambayad no!
Napapikit ako nang maalala kong tatlong daan lang yung dala kong pera ngayon.
Aish!
"It's my treat. You don't have to worry."
Gulat ulit akong napatingin sa kanya. "A-ano? T-treat mo? Naku! Wag na! Sa fastfood nalang tayo mas mura don!" nagsalubong lang yung kilay niya kaya tinaas ko yung kanang kamay ko at sinalubong yung tingin niya. "Promise! Mura lang talaga don!"
Umiling siya bago bumuntong-hininga. "No, look. Just let me treat you here. Besides, it's the first time that I'll do this to you. We're just gonna eat. You don't have to do anything. I'm gonna pay for the food so don't bother to think nor talk about it. Just seat there, eat your food and talk to me. Is that clear?" nakatingin sa mata ko'ng sagot niya.
YOU ARE READING
Muted
Teen FictionI don't wanna talk. I don't wanna say anything. I'm tired of speaking. No one ever listened. No one ever believed. Now I chose to be silent, Now I chose not to make any sound, Does it make anything different? Now that I'm muted, will there be someo...