Leise's POV
It's Monday.
Yep. May pasok na naman.
Ramdam ko pa rin yung pagod.
Kahapon kasi naghabulan ulit yung magkapatid ng halos isang oras. Muntik na ngang basagin ni Christopher yung phone ni Nicky sa sobrang inis niya eh. Loka talaga.
Natapos ko rin yung report habang naghahabulan sila. Nakakahilo kasi silang panoorin kaya tinapos ko na lang yung report. Hinayaan ko nalang silang maghabulan don.
Hinatid din ako ni Christopher pauwi ng bahay, mga tanghaling tapat na yon. Binigay sakin ni Nicky yung mga damit kong nakalagay sa paper bag, pero bago ako lumabas ng bahay nila, tinali ko sa likod yung t-shirt na suot ko at tinaas hanggang sa may bewang. Nagulat pa nga ako kasi nilagyan ni Christopher ng jacket yung bewang ko. Eto namang si Nicky nagpipigil ng ngisi habang pinapanood kami.
Lumabas kami ng bahay ni Christopher na parang ako yung punong-kahoy tapos siya yung tuko. Dikit na dikit sakin. Humiwalay lang siya nung nakasakay na ko sa kotse. Pero nung binaba niya ko sa bahay, natulala pa siya saglit nang makita yung bahay ko pero agad ding bumaba at dumikit ulit sakin hanggang makapasok ako ng bahay. Nagpaalam na rin siya pagkatapos.
Nagbihis lang ako saglit at umalis ulit para tumulong sa karenderia ni Manang Lusi. Halos hatinggabi na nga ako nakauwi kasi ang daming customer kahapon lalo na't linggo.
Eto ako ngayon, nasa classroom na habang nakayuko. Mag-isa pa lang ako dito. Maaga akong pumasok at dumiretso na dito para makaiglip ng kahit konti. Naka-earphones din ako pero mahina lang. Ballad din pinapatugtog ko para relaxing.
Nakaiglip ako at hindi namalayan yung oras pero pansin kong may mga tao na sa paligid ko.
"Gigisingin na ba natin yan?"
"At bakit? Hindi pa naman uwian ah."
"Tanga! Magsisimula na yung klase!"
"Oh. So?"
"Anong so ka diyan?! Gusto mo tadyakan kita?!"
"Sshh! Baka magising si Leise."
"Eto kasing si Sedrick! Tss!"
"Let her sleep. She looks tired."
"Mamaya pagalitan yan ng teachers eh."
"I can handle that."
Mahina lang kasi earphones ko kaya rinig ko sina Jessica na mag-usap.
Nanahimik sila pagkatapos magsalita ni Christopher.
Mukhang wala silang balak istorbohin ako sa pagtulog.
Inangat ko yung ulo ko habang dahan-dahang dumilat. Tiningnan ko yung Laut Stars. Para silang nagpipigil ng hininga habang nakatingin sakin.
Gusto kong matawa sa itsura nila. Para silang nakakita ng mabangis na hayop at hinihintay nilang malapa sila nito.
Iniwas ko naman sa kanila yung tingin ko at baka matawa ako nang di oras. Sakto namang pumasok ang First subject teacher namin. Tinanggal ko agad yung earphones ko sa tenga at baka mapagalitan pa ako. Nilagay ko ito sa bulsa ng palda ko.
Nasa kalagitnaan kami ng klase ng biglang may kumatok sa pinto.
Lumapit naman agad si Ma'am don para kausapin yung tao sa labas. Bumaling siya sa amin.
"Miss Kind, pinapatawag ka sa library." sabi ni Ma'am habang nakatingin sakin.
Taka ko siyang tiningnan at napatingin sa Laut Stars. Pero tulad ko nagtataka rin sila.
YOU ARE READING
Muted
Teen FictionI don't wanna talk. I don't wanna say anything. I'm tired of speaking. No one ever listened. No one ever believed. Now I chose to be silent, Now I chose not to make any sound, Does it make anything different? Now that I'm muted, will there be someo...