Leise POV
Napatigil sila saglit sa ginagawa nila at tumahimik nang tuluyan kong nabuksan ang pintuan dahilan para humarap sila sa direksyon ko. Nginitian ko sila. May ilang ngumiti rin pabalik, may mga tumaray sakin at ang iba naman ay parang walang pakialam o reaksyon bago bumalik sa kung anumang ginagawa nila.
Huminga ako ng malalim bago naglakad at umupo sa bakanteng upuan dito sa dulo katabi ang bintana.
Marami ang magbabago ngayong taon dahil nandito na ako sa Section 4-A.
Marami kasing nagsasabi na ang mga nasa Section A ay mga pinagsama-samang spoiled brat o lumaki na may gintong mga kubyertos sa bibig. Ilan lang naman daw sa Section A ay ganoon.
Noong first year ako ay Section C pa ako. Sa second at third naman ay Section B. Ngayong fourth year lang ako nalipat sa Section A.
Sana lang ay maganda ang pakikitungo nila sakin dahil wala akong ni isang kakilala mula sa kanila na naging kaklase ko noong mga nakaraang taon.
Tiningnan ko ang mga bakanteng silya sa tabi ko. Apat pa ang bakanteng upuan.
Sana lang ay makasundo ko sila na mukhang imposible sakin.
Sana lang din mababait sila.
Maingay ang loob ng silid-aralan. Marahil ay kakilala nila ang isa't-isa. Ako lang ata ang walang kakilala dito.
Napangiti ako sa iniisip ko.
Ano naman kung may kakilala ako? Kakausapin niya ba ako palagi? Kakausapin ko ba sila palagi?
Nakakatawang isipin na naghahanap ako ng kakilala pero hindi ko man lang sila kakausapin.
Tumahimik ang loob ng room. Napatingin ako sa unahan at nandoon na ang guro. Nakatayo sa tabi ng mesang nasa unahan.
Base sa itsura nito ay tila bagong graduate pa lamang ito dahil sa mala-bata nitong itsura.
Naka-pencil skirt ito at blusang kulay puti at may burdang rosas sa bandang kanang dibdib nito. Nakasuot din ito ng simpleng doll shoes.
Napatahimik ang mga kaklase ko, mas lalo na ang mga kalalakihan. Nakakabighani ang ganda ni Ma'am.
Ngumiti ito sa amin na tila natutuwa sa reaksyon naming lahat. "Magandang umaga sa inyong lahat. I'm Mrs. Michelle Cruz. You can call me Mrs. Cruz or Ma'am Cruz. But I prefer the latter." nalaglag ang mga panga, mata at balikat ng mga kalalakihan habang mas lalong nabigla ang ekspresyon namin sa mukha na siyang ikinatawa nito. Misis na si Ma'am? Hindi halata!
"Marahil ay nagtataka kayo kung bakit misis na ako. 27 years old na ako. Marami na ring nagsabi sa akin na mukha akong teenager na kahit ilang beses ko nang itinanggi ay paulit-ulit na lamang ang nagiging reaksyon niyo sa tuwing malalaman ng mga naging estudyante ko na misis na ako." ngumiti ito ng matamis sa akin. "Ako nga pala ang magiging adviser niyo for the whole year at ang magiging Filipino teacher niyo. Now let's start introducing yourselves to me and everyone." tinuro niya ang estudyanteng nakaupo sa harapan at nagsimula na ang pagpapakilala nila.
Habang papalapit na sa pwesto ko ang mga nagpapakilala kong mga kaklase, ay humihigpit ang hawak ko sa kwaderno kong nakalapag sa mesa ko. Nakatingin lang ako ng diretso sa mga nagpapakilala sa harap at nakikinig pero hindi ko maiwasang kabahan.
Nasa panglimang row ako kung saan ay nasa dulo ng room. By five kasi ang seating arrangement at may isa pang grupo sa kabilang bahagi ng room. Bale nasa 50 students kami dito sa room.
Pa-'S' kasi yung pagkakasunod ng mga magpapakilala. Nasa kabilang bahagi na ang nagpapakilala. Dahil wala akong mga katabi, ako na ang susunod na ang magpapakilala sa harap.
YOU ARE READING
Muted
Teen FictionI don't wanna talk. I don't wanna say anything. I'm tired of speaking. No one ever listened. No one ever believed. Now I chose to be silent, Now I chose not to make any sound, Does it make anything different? Now that I'm muted, will there be someo...