Leise's POV
Nagising ako na may ngiti sa labi. Bumungad sakin ang magandang sinag ng araw mula sa labas ng bintana. Makikita mo agad na maganda ang panahon ngayong araw.
Nasa hospital pa rin ako. Halos isang linggo na ako dito pero mamaya magpapa-discharge na rin ako. Sobrang boring. Feeling ko nalalabi na lang ang oras ko dito sa hospital kasi parang ang gloomy ng aura tsaka amoy gamot talaga kahit nasa loob lang ako ng kwarto ko. Tapos pakiramdam ko may mga kasama akong hindi ko nakikita.
Napangiwi ako sa iniisip ko. Nakakakilabot naman yung imahinasyon ko. Umagang umaga iniisip ko ang mga multo na yan.
Maayos na ang pakiramdam ko. Alagang alaga ako ng Laut Stars nitong mga nakaraang araw. Lalo na kay Christopher.
Kapag uwian nila, dumidiretso na agad sila papunta dito sa hospital para alagaan ako. Tapos uuwi sila ng alas syete ng gabi. Pero madalas nagpapaiwan yung kambal. Gusto daw nila akong alagaan.
Yung mga yun talaga. . .
Saturday ngayon. Wala pa sila dito kasi halos hatinggabi na kanina nagsiuwian yung mga yon. Ayaw pa nga umuwi eh kasi gusto daw nila mag overnight kaso ako na nagpilit kay Christopher na umuwi na sila. Nakailang palihim na senyas ako sa kanya bago ko mapasunod si Christopher eh. Ayun. Mukhang napuyat pa ata sila.
Hindi ko makausap palagi si Christopher kasi laging naiiwan si Nicky. Laging kakaiba yung tingin niya samin ni Christopher lalo na kapag magkalapit kami. Loka talaga yung babaeng yon. Medyo naiilang tuloy ako minsan sa tingin niya kaya pinapaalis ko sa tabi ko si Christopher. Ito namang isa hindi niya pinapansin yung pagpapaalis ko sa kanya.
Hay nako.
Alas diyes palang ng tanghali. Eto ako nakatunganga. Nanonood sa smart tv ng youtube.
Napapatawa ako ng mahina habang nanonood ng mga funny moments ng fave kong group sa kpop. Kahit paulit-ulit yung vid, hindi ko pa rin maiwasang matawa.
Halos isang oras din ako nanoon ng mga funny moments at mga vines ni Lele Pons. Nasa kalagitnaan ako ng pagtawa ng bigla kong narinig yung pagtunog ng pinto. Agad kong sinara yung bibig ko at ngumiti na lang habang hindi mapakali yung mata ko habang inaabangan kung sino ang papasok sa pinto.
Bumukas ang pintuan. Sinalubong ko ang mata ni Jessica.
Tiningnan niya ako na may pagtataka. "May kasama ka ba?" tanong nito. Lalong naglikot ang mga mata ko. Hindi ko alam kung saan ako titingin.
"What?"
"May kasama si Leise?"
Tinulak nila papasok si Jessica. Napaaray naman si Jessica pero hindi siya pinansin nung mga nanulak sa kanya, inuna nilang ilibot ang paningin nila sa buong kwarto. Nangunguna sa pagpasok si Christopher.
"Grabe kung makatulak! Sipain ko kaya kayo palabas?" reklamo ni Jessica habang hinahawakan ang likuran niya.
"Wala namang tao ah. Anong may kasama si Leise?" tanong ni Sedrick.
Binatukan ni Jessica si Sedrick. "Kaya nga nagtatanong eh!"
"Sorry na!" kinamot ni Sedrick yung parteng binatukan ni Jessica.
"Bakit mo ba tinanong si Leise? Wala namang ibang tao dito." tanong ni Nicky habang nag-aayos ng gamit niya sa may couch at sa maliit na table doon.
"Kakaiba kasi yung tingin ni Leise. Pati yung ngiti." sa sinabing yon ni Jessica. Napatingin yung tatlo sa mukha ko at pinagmasdan ako. Naiilang ako kaya ngumiti ako ng pilit sa kanila habang nakalabas ang mga ngipin ko.
YOU ARE READING
Muted
Teen FictionI don't wanna talk. I don't wanna say anything. I'm tired of speaking. No one ever listened. No one ever believed. Now I chose to be silent, Now I chose not to make any sound, Does it make anything different? Now that I'm muted, will there be someo...