Leise POV
"Grabe gutom na ako!" hinimas ni Jessica ang tiyan niya.
"Sinabi mo pa! Na-drain ang energy ko dahil sa P.E. class natin." dagdag ni Nicky.
Napailing na lang ako sa kanila. Monday ngayon at kakatapos lang ng P.E. class namin. Pinatakbo kami ni Sir Francis ng 10 laps sa loob ng gymnasium. Malawak ang gymnasium at talagang mapapagod ka talagang takbuhin kahit nakakaisang lap ka pa lang.
Nandito kami ngayon sa locker room. Yup. May locker room kami dito sa school. Sabi sa inyo kumpleto ang facilitites dito. Parang nasa ibang bansa lang ang school namin.
Ang P.E. uniform naming babae ay jogging pants na pula. Sa boys ay jogging pants na blue. Ang t-shirt naming may tatak ng logo ng school. Kulay pula ang tatak ng t-shirt ng mga babae at blue naman sa boys. Uniformed din ang mga sapatos namin. Pare-prehas na kulay puting running shoes.
Pero huwag kayo, binabayaran to sa school. Buti na lang at nakakaipon ako bago magpasukan kaya nababayaran ko ito. Tuwing enrollment kami nagbabayad sa supply room at kami na ang naglalagay sa kanya-kanya naming locker yung mga gamit. Ang ganda talaga ng school na 'to.
"Tara na. Punta na tayong cafeteria." yaya sa amin ni Jessica.
"Pa'no yung boys?" Nicky asked.
"Hayaan mo sila! Gutom na ako! Diretso na tayong cafeteria. Huwag na natin silang hintayin!"
"Hintayin na nat-- Hey!" hindi na natuloy ang sasabihin ni Nicky kasi hinila na kami ni Jessica. Oo, kasama ako.
"Hay nako! Wala akong pake sa mga kupal na yun! Gutom ako! Wala silang magagawa don." inis na wika nito na ikinatawa lang ni Nicky. Nagmadali naman si Jessica na hilain kami papunta sa reserved seat namin dito sa cafeteria at umorder ng pagkain niya.
Pagkain niya lang.
"Wow. Thanks for dragging us here." sarkastikong sabi ni Nicky nang makitang kakaunti lang ang laman ng tray na dala ni Jessica.
"You're welcome." nagsimula na itong lamutakin ang pagkain niya. Napairap naman sa kawalan si Nicky.
Kinuha ko ang kwaderno ko at nagsulat gamit ang marker ko at ipinakita kay Nicky.
'AKO NA ANG MAGOORDER. WHAT DO YOU WANNA EAT?'
Napangiti si Nicky sakin. "Thanks. Buti ka pa, di katulad ng ISA DIYAN." pagpaparinig nito kay Jessica. Nagthumbs-up lang si Jessica kay Nicky pero hindi ito tinapunan ng tingin. Napasimangot naman si Nicky dahil don. "Anyways, dalawang large cheese fries, isang cheeseburger at isang large coke." tumango ako sa kanya. Nilapag ko yung kwaderno ko sa lamesa at pumunta sa counter. Balak kong ilibre si Nicky ngayon. Nang makabayad naman ako sa kanila.
Nakapila na ako at susunod na sa pag-order nang bigla may bigla akong naalala.
"Anong order niyo Ma'am?" tanong sakin ng nakangiting cashier.
Napakamot ako sa batok. Paano ko ba sasabihin sa kanya yung order ko?
Magsisimula na sana akong magturo ng order namin ni Nicky nang may sumulpot at nagsalita sa gilid ko.
"2 large fries, 2 cheeseburger, 2 large fries." tumingin sakin si Christopher. "Same order pa rin ba sayo?" tumango ako sa kanya bago siya muling tumingin sa cashier. "1 sliced chocolate cake and 1 large iced tea." wika nito at nagbigay ng bayad.
Bahagya akong napayuko. Siya kasi yung nagbayad. Nakakahiya! Siya pa tuloy nagbayad ng pagkain namin. Dapat libre ko 'to sa kanila eh.
Tumango samin ang cashier bago umalis at ibigay ang order namin sa loob ng kusina.
YOU ARE READING
Muted
Teen FictionI don't wanna talk. I don't wanna say anything. I'm tired of speaking. No one ever listened. No one ever believed. Now I chose to be silent, Now I chose not to make any sound, Does it make anything different? Now that I'm muted, will there be someo...