Leise's POV
11:48 pm.
Yup. It's almost midnight pero gising pa rin ako. Wanna know why? Because gumagawa ako ng report namin.
Masyado kasi kaming advance mag-isip na magkakaibigan kaya ang aga naming gumawa ng report.
Nandito pa rin ako sa bahay nina Nicky. Umuwi na sina Sedrick at Jessica. May schedule daw kasi bukas ng umaga si Christopher while si Jessica naman, may family dinner sila kanina.
Pinagamit sakin ni Nicky yung Mac Book niya kasi wala naman akong laptop. Isa din yon sa mga rason kaya pinag-stay na nila ako dito at magpalipas ng gabi.
Nasa kalagitnaan naman na ako ng report. Wala namang masyadong hassle. Baka ang maging trabaho ko in the future ay maging writer or office works.
Sabagay. Masasanay naman na ako.
Naka-earphones ako at nakikinig ng music para hindi ako makatulog. But I think it's the other way around.
Unfortunately, nakakaramdam ako ng antok. Which is normal naman para sakin kasi maaga akong natutulog. Naninibago lang siguro ako.
By the way, nasa isa nila akong guest room dito sa second floor. Katabi ng kwarto ko ay yung kwarto ni Nicky na nasa kanan at kaliwa naman ay yung hagdan. Sa harap ng kwarto ko ay yung room ni Christopher. Sa tabi ng kwarto ni Christopher at katabi ng hagdan ay ang terrace na nakita ko kaninang tanghali pagdating namin ni Chritopher. Tapos sa dulo ng hallway, I think ay bedroom ng parents nila.
Speaking of parents, hindi pa dumadating yung magulang nila. Ang sabi ni Nicky, busy daw talaga ang parents nila sa work. Ang dami kasi nilang businesses kaya ayun. Halos hindi na magkitaan sa bahay dahil sa sobrang busy ng magulang nila.
I feel sad for them but nah. I shouldn't be.
Itong guest room, dirty white ang pader. A large bed that can fit 2-3 persons. I don't know what it's called tho.
A study table, two doors I think for the closet and for the rest room.
Such a simple but lovely room.
Yung pwesto ng study table ay nakatapat sa bintana kaya kitang-kita ko yung mga bituwin sa labas.
Tumigil muna ako sa pagta-type at tiningnan yung mga bituwin.
Sana lahat.
Sana lahat kayang lumiwanag sa gitna ng dilim.
I sighed and closed my eyes. Nakapangalumbaba ako sa mesa habang pinapakinggan ang english cover ng isang kanta ng k-pop.
I'm feeling just fine fine fine
I don't want to be sad anymore
I want to see the sunshine, shine, shine
Cuz I'm just fine, just fineBut literally, I'm screaming silently, 'save me'.
And with that position, I slept on the desk with an open laptop and some copies of the reports.
The next day, nagising akong masakit yung batok ko. Probably sa ngalay.
But something's different.
May nakabalot saking kumot at yung mga gamit na iniwanan ko sa lamesa, ay naka-organize na halatang inayos.
Plus the fact na nakayuko ako sa table. Ang tanda ko nakapangalumbaba lang ako nung nakatulog ako.
Nag-sleepwalk kaya ako para ayusin tong mga lamesa at kumuha ng kumot bago matulog? Edi sana sa kama nalang ako natulog diba.
Kung oo, sana meron ditong camera para makita ko kung pano ako mag-sleepwalk.
Umagang-umaga, kabaliwan na naman iniisip ko.
YOU ARE READING
Muted
Teen FictionI don't wanna talk. I don't wanna say anything. I'm tired of speaking. No one ever listened. No one ever believed. Now I chose to be silent, Now I chose not to make any sound, Does it make anything different? Now that I'm muted, will there be someo...