Leise's POV
Pasukan na ulit. Back to school na naman ang peg ko.
Napabuntong-hininga ako habang naglalakad papuntang school.
Kagabi binasa ko lahat ng mga notes na binigay sakin nina Nicky. Nag advance reading pa nga ko sa lahat ng subject.
Kaya eto, medyo masakit yung ulo ko. Aba! Isang buong gabi ka ba naman mag aral ng isang bagsakan! Hindi ako robot no!
Napailing na lang ako. Medyo wala ako sa mood kasi kulang ako sa tulog. Plus ang daming umiikot sa utak ko. Lahat ata ng naaral ko, gumawa ng sariling circulatory system sa nervous system ko which is sa brain.
Omg. Science iniisip ko meaning nag aral nga ako.
Myghad! Nababaliw na ko.
Ganto talaga pag kulang sa tulog. Mema kausap ka nalang sa sarili eh hanggang sa mabaliw ka.
Sakto lang ang dating ko sa school. Madami akong kasabayan na mga naglalakad papasok tapos meron ding pumapasok na nakasasakyan pa. Mga rich kid kumbaga.
Dumiretso na kong room. Hindi ko naman nakasalubong sina Nicky. Baka nasa room na sila. Madalas kasi akong pumasok ng maaga. Simula nung sinasamahan na nila ako, palagi na din silang maagang pumasok para masabayan ako.
Tsaka, mag-isa lang ako sa room palagi. Laging naka-earphones tas magbabasa ng notes or gagawa ng assignment. Minsan naman kumakain ng breakfast na binibili ko pa sa canteen. Tas minsan din, nakaub-ob lang ako sa lamesa ko.
Pero ngayon, simula ng naging malapit na ko sa kanila, yung pagiging mag-isa ko sa classroom tuwing umaga, naging maingay na at masaya. Parang nadagdagan nga ng kulay yung room eh simula nung nakasama ko sila.
Napangiti ako sa mga pinag-iisip ko.
Inlove na ba ko sa mga baliw na yon?
Napatawa ako ng mahina.
Nasa tapat na ko ng room at kitang kita ko yung Laut Stars mula sa pintuan. Nag-uusap sila ng masaya. Bukod kay Christopher. As usual, bored look yung peg niya pero halatang nakikinig sa pinag-uusapan nung tatlo.
Nakita kong napatingin si Sedrick sa direksyon ko.
"Oh! Andiyan na pala si Leise!"
Napalingon din sakin yung tatlo pa kaya ngumiti ako sa kanila at kumaway.
"Waaahh! Leise!" sigaw ni Jessica bago tumakbo palapit sakin.
"Akala namin di ka papasok! Huwaa!" sigaw pa niya.
Napatawa ako ng mahina. Nang makalapit sakin si Jessica, hinawakan niya ko sa braso atsaka hinila papunta sa table namin.
"Our class is just about to start. Akala namin di ka makakapasok kaya we're kinda worried lalo na't you just came from an accident." litanya ni Nicky.
Agad ko namang nilabas yung sketchbook ko atsaka nagsulat.
'Sorry. Napuyat lang.' ^__^V
"Napuyat saan?" takang tanong ni Jessica.
'Advance reading?' ^__^"
"Sipag naman pala ng Leise natin eh! Syempre tropa natin yan eh! Noh Cris?" siniko ni Sedrick si Cristopher. Napatingin naman ako sa kanya. Nakatingin siya sakin pero agad ding umiwas ng tingin nung nahuli ko siya.
"Y-yeah."
Ngumiti ako habang nakatingin sa kanya. Napansin ko ding sumulyap siya sakin tsaka umiwas ulit ng tingin. Pansin ko ding namula yung tenga niya tas parang naging smug look ulit yung aura niya pero this time, para siyang naka-pout.
YOU ARE READING
Muted
Teen FictionI don't wanna talk. I don't wanna say anything. I'm tired of speaking. No one ever listened. No one ever believed. Now I chose to be silent, Now I chose not to make any sound, Does it make anything different? Now that I'm muted, will there be someo...