Leise's POV
Nagising ako sa pamilyar na lugar. Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Anong ginagawa ko dito?
Ang alam ko, ito ang kwartong pinagamit sakin nina Nicky noong gumawa kami ng report and I slept in this room for a night.
Tumayo ako mula sa malambot na kama. Napansin kong nakalagay din ang bag ko sa isang side table. Naka-uniform pa din ako. Naglakad ako sa may pinto at lumabas. Nasaan na ba yung magkapatid na yon?
Nasa hagdan na ko ng marinig ko ang mga boses ng apat na nag-uusap. Galit ang mga boses. Dahan-dahan akong bumaba at nagtago sa may pader para di nila ako makita. Nakita ko silang nakaupo sa mahabang sofa na matatagpuan sa sala.
"Sobra naman kasi!" iritadong sabi ni Nicky.
"Kapag nakita ko yung mga hinayupak na yon, tatanggalan ko sila ng buhok!" gigil na sabi ni Jessica.
"Saang part?- A-aray!" napanguso nalang si Sedrick nang batukan siya ni Jessica.
Napatingin ako kay Cristopher na galit ang itsura habang nag-iisang nanatiling nakatayo. Napatingin ako sa kamao niyang nakakuyom.
"Should we tell her?" alalang tanong ni Nicky.
"No." sagot ni Cristopher.
"Karapatan niya ding malaman yun, Kuya."
"I said NO." madiin nitong saad.
Napayuko na lang si Nicky at hinawakan ang sariling kamay.
I sighed before walking out where I'm hiding. I walk casually towards them. Nagulat sila ng makita nila ako. Saglit silang nataranta bago umayos ng upo.
"A-ah Leise, k-kanina ka pa diyan?" tanong sakin ni Sedrick na bahagyang tumawa. Umiling ako bilang sagot.
"Gutom ka ba? Gusto mo bang kumain?" napatingin ako sa malaking orasan na nasa dingding at nakitang maga-alas otso na ng gabi. Tumango ako kay Nicky.
Tumayo siya agad at lumapit sakin para hawakan ako sa braso at nagmamadaling hinila ako papunta sa dining room. Tumingin ako sa likod at tiningnan si Cristopher na diretsong nakatingin sakin. Siningkitan ko yung mata ko habang nakatingin sa kanya bago ibinalik ang tingin kay Nicky na hila pa rin ako.
Pinakain ako ni Nicky ng dinner. Madami nga siyang nilagay na pagkain sa plato ko. Sa tingin ko hindi ko mauubos agad ito. Siya lang naman nakakakain ng ganito karami.
"Balik muna ako sa kanila, Leise." hindi na niya hinintay ang sagot at mabilis na umalis sa kusina. Nakatingin na lang ako sa likod niya hanggang sa mawala siya sa paningin ko.
I sighed before eating all the food in my plate. Halos hindi na ko makahinga sa punong tiyan ko. Pakiramdam ko puputok na yung tiyan ko kaya tumayo ako at huminga ng malalim.
Grabe naman 'tong si Nicky, para sa kanya ata yung pinakain niya sakin.
Naglakad na ako papunta sa sala at nakita ko silang seryoso ang pagmumukha. Mabibigat ang mga paang naglakad ako palapit sa kanila. Nagsilingunan sila sa direksyon ko dahil sa ginawa ko.
Kating-kati na ko magtanong. Gusto ko nang ibuka yung bibig ko para magsalita. Kinagat ko yung labi ko habang nagdadalawang isip sa gagawin ko. Nilipat ko ang tingin ko kay Cristopher na nakaupo na sa single sofa. Seryoso ko siyang tiningnan at ganun din siya sakin.
"Hala. Nagtitigan na. Wala na 'to." rinig kong sabi ni Sedrick kaya naputol ang pakikipagtitigan kay Cristopher at nalipat kay Sedrick na umiiling iling pa. Nakangisi naman yung dalawang babae habang nakahalukipkip.
YOU ARE READING
Muted
Teen FictionI don't wanna talk. I don't wanna say anything. I'm tired of speaking. No one ever listened. No one ever believed. Now I chose to be silent, Now I chose not to make any sound, Does it make anything different? Now that I'm muted, will there be someo...