Leise POV
Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama ko. Nakakapagod. Gusto kong matulog.
Kakauwi ko lang galing eskwelahan. Puro pagpapakilala ang ginawa kanina at introduction ng mga guro ko sa bawat subject na hawak nila. Discussion kung paano ang grading system sa kanila.
Kapag ako na ang magpapakilala si Jessica o di kaya'y si Nicky ang nagsasalita para sakin. Naiintindihan ng mga guro ang kalagayan ko kung kaya't hindi na sila nagpumilit pa. Marahil alam din nila ang nangyari nung mga nakaraang taon.
Pero itong Laut Stars...
Kapag napansin nilang ako na ang susunod na magpapakilala o tinawag, kahit kapag nakalimutan ako ng guro at hindi tinawag o natawag, ipapakilala pa rin nila ako.
Kahit papaano ay nagpapasalamat ako sa kanila. Dahil sa kanila hindi na ako kinakabahan at natatakot dahil alam kong nandyan sila.
Pero ayaw kong maging dependent sa kanila. I need to be independent. I need to stand on my own.
But I'm still thankful for them.
Tumayo ako sa kama at hinubad ang sapatos at uniporme ko. Kinuha ko ang tuwalya at naligo.
Pagtapos kong maligo, kumuha ako ng damit sa cabinet ko at nagsimulang magbihis. Pagtapos ay pumunta ako sa tapat ng electric fan. Binuksan ko iyon at pinatuyo ang buhok ko.
Mabuti na lamang at nakapaglinis ako ng bahay kahapon kaya pwede na akong makapagpahinga ngayon.
Ulila na kasi ako.
Ulila nga ba ako?
Ah basta.
May nakapulot kasi sakin. Or should I say nakita sa tapat ng bahay noong sanggol pa ako na tinutuluyan ko ngayon. Kinupkop nila ako at inalagaan ng mag-asawa.
Si Tatay Rene at Nanay Lina.
Mag-asawa sila at hindi nabiyayaan ng kahit isang anak. Gusto man nilang mag-ampon ay tila hindi sila pinagpapalaan ng mga batang gusto silang maging magulang. Kaya noong dumating ako, hindi na nila ako pinakawalan pa. Namatay sila noong pitong taong gulang pa lamang ako.
Namatay ba sila o pinatay?
Noong panahon na yon. May umakyat na magnanakaw sa bahay namin. Nasa sala ako ng mga panahon na yon, nanonood ng palabas. Si Nanay nasa kusina, nagluluto ng hapunan. Si Tatay, nasa itaas, nagpapahinga. Kakauwi lang kasi nito sa trabaho at pagod na pagod.
Nakita ko ang mga magnanakaw na naglalakad sa labas. Nakita ko ang anino nila sa labas ng bintana. Bilog ang buwan ngayon kaya kita ko nang malinaw ang anino nila. Alerto ako sa bawat galaw nila.
Tila may pinag-aagawan ang mga ito. At nakita kong isa iyong baril. Nanlaki ang mata ko at napatakbo ako sa kusina para sabihan si Nanay.
"Nay!" napalingon ito sakin na may ngiti sa mga labi.
"Bakit anak?" wika nito at bumalik na sa pagluluto. Hinila ko ang laylayan ng t-shirt nito dahilan para mapatingin ito sakin.
Napansin nitong balisa ako at natatakot. "Bakit? Anong meron? May masakit ba sayo? Sabihin mo anak." nag-aalalang wika nito.
"Nay may magnanakaw po sa labas. Gisingin niyo po si Tatay. Hihingi po ako ng tulong sa nga kapitbahay. May baril po silang dala Nanay. Mag-ingat po kayo. Babalik din po ako agad pagkatapos kong humingi ng tulong." mukhang naintindihan ng ginang ang sinasabi nito kaya pinatay nito ang kalan at dumiretso sa kwarto ng mister niya. Ako naman, tumakbo ako palabas sa munti naming bahay.
YOU ARE READING
Muted
Teen FictionI don't wanna talk. I don't wanna say anything. I'm tired of speaking. No one ever listened. No one ever believed. Now I chose to be silent, Now I chose not to make any sound, Does it make anything different? Now that I'm muted, will there be someo...