Leise's POV
Nasa school na ako. Kasalukuyan namang may nagtuturo sa harap. It's our AP class.
Nagsusulat ako ng notes at nakikinig ng mabuti sa teacher ng mapalingon ako sa katabi ko.
Nakapangalumbaba na si Jessica habang bored na nakatingin sa harap. She's tapping her fingers on the desk. Si Sedrick naman ay nakayuko. Nakaharap siya sa gawi ko kaya kitang kita ko ang nakanganga niyang bibig. Tulog na. Katulad ko ay maigi namang nakikinig si Nicky. Ang kaibahan nga lang, pasimple siyang dumudukot ng chips sa loob ng bag niyang nakalagay sa kandungan niya.
Gusto kong senyasan si Nicky para makahingi kaso anlayo ng agwat namin. Gutom na tuloy ako.
Napatingin ako kay Cristopher na poker face nakatingin sa harap. Nakakrus ang mga braso sa dibdib at nakadekwatrong mga binti.
Bahagyang nakayuko si Nicky kasi tinatagi niya yung kamay niyang nadukot sa bag niya kaya kitang-kita ko si Cristopher na nakaupo ng matuwid. Diretso akong nakatingin sa kanya. Napansin kong nagusot ng konti yung noo niya kaya binalik ko na ang tingin ko sa harapan at mabilis na nagsulat.
Sa paraang ko ng pagsusulat, kung papaanong sinulat sa board, ganun din ang kinokopya ko. Hindi ko alam kung may kwenta yun sa iba pero para sakin, mabilis kong naiintindihan yung itinuturo. Kapag nagre-review ako, maguulit lang yung mga salitang narinig ko mula sa guro ko o mga nabasa kong libro at ayun, naaalala ko na ulit. Kahit anong subject, basta nakikinig at nagsusulat ako. Kapag hindi ako nakinig, nganga ako sa notes ko. Kapag hindi ko nasulat, edi stock knowledge. Pag wala pareho, bagsak.
Weird pero legit.
Kaya ayoko makipagdaldalan sa oras ng klase. Kaya ko naman pero iba pa rin kapag tutok kang makinig. Madalas lagi akong kinukulit ni Jessica at magkekwento kung gaano siya napepeste ni Sedrick. Nasasanay na din ako sa kanya.
Kapag AP time, tahimik ang klase. Why? Kasi mga tulog na. Lutang na ang mga isip. Kahit pala talaga higher section, nabobored sa subject na ganito.
Students, pfft.
Unconsciously, napalingon ako sa mga katabi ko. And to my suprise, nakatingin sakin si Cristopher. Natigilan siya pero ako itong eksaheradang mag-react at nanlalaki ang mata ko. Ganun pa rin ang pwesto niya pero ang ulo niya, nakaharap sakin.
Umiwas siya ng tingin at tumingin nalang sa haral habang bahagya siyang bumaba sa pagkakaupo niya. Para siyang nalusaw. Namumula din yung tenga niya.
Iniwas ko nalang din yung tingin ko at yumuko. Halos isubsob ko na yung mukha ko sa notebook habang nagsusulat ako. Nagaangat nalang ako ng tingin para makita yung board.
Bigla akong nahiya sa nangyari. Bakit siya nakatingin? May dumi ba ako sa mukha? Wala sa sariling napahawak ako sa pisngi ko. Napabuntong-hininga nalang ako sa iniisip ko. Baka napalingin lang talaga. Pwede ring nakatingin siya sa labas. Tama, tama. Napatango-tango ako.
Nag-angat ako ng tingin.
HALA!
Ang dami ng nasulat sa board! Hala wala akong narinig! Wala akong naintindihan!
Dali-dali kong kinopya yung nakalagay sa board. Nung nakita kong kinuha na ng teacher ko ang eraser, wala sa sariling inilabas ko yung dila ko at kinagat para manatili. Focus na ko sa lagay na to. Hindi ako natingin sa notebook ko at nanatili yung mata ko sa board. Ang bilis ng kamay ko sa pagsusulat. Okay lang kahit magulo, ipagdadasal ko nalang na sana maintindihan ko.
Nung kalahati na yung nabubura sa board, ay mabigat kong inilapag yung ballpen ko sa mesa dahilan kung bakit napapitlag ang mga katabi ko.
"What the heck?!"
YOU ARE READING
Muted
Teen FictionI don't wanna talk. I don't wanna say anything. I'm tired of speaking. No one ever listened. No one ever believed. Now I chose to be silent, Now I chose not to make any sound, Does it make anything different? Now that I'm muted, will there be someo...