Chapter 17

4 0 0
                                    

Leise's POV

Nasa sala kami, kanya kanya kaming pwesto sa sahig. Hindi kasi kami kasyang lima sa mahabang sofa kaya sa sahig nalang kami nagsiupo. Inilipat na lang namin yung center table malapit sa paanan ng tv para maluwag ang sahig. May carpet naman itong sala nila eh kaya okay lang umupo.

Katabi ko si Cristopher sa kanan na nakataas ang isang binti habang ang isa ay nakatuwid. Sa kaliwa ko, si Nicky na kaparehas kong nakatupi ang mga tuhod katabi si Jessica na naka-indian seat. Si Sedrickang nasa dulo habang nakatuwid ang mga binti. Nakasandal kaming lahat sa sofa.

Kaming tatlong babae ang may hawak ng bowl na may popcorn. Si Nicky ang may naguumapaw na popcorn sa bowl. Solo niya na yun habang hati naman kami ni Jessica sa mga katabi namin. Nasa center table naman nakapatong ang juice namin at reserbang popcorn. Swerteng iced tea ang juice namin hehe.

Pinaghanda kami kanina ng mga katulong bago sila pinagpahinga ng mga kapatid.

Pagkatapos kaming tuksuhin kanina ng tatlo ay bumaba na kami dito. Pinagtabi pa nila kaming dalawa na may kakaibang ngisi sa kanilang labi.

Sa kasamaang palad, napagdesisyunan nilang manood ng horror movie.

The nun.

Napapapitlag ako pag sumisigaw yung tatlo kong katabi sa kaliwa. Oo, tatlo. Kasama si Sedrick. Halos mapayakap na nga siya kay Jessica na takot din sa palabas. Hindi ako nanonood, pero bukas ang tenga ko. Nakahawak sa braso ko Nicky, humihigpit yun pag intense yung palabas. Titig na titig sila sa tv habang nanlalaki ang mga mata.

Kain lang ako ng kain. Tutok ang mata ko sa bowl na nakapatong lang sa tuhod ko. Hindi ako nag-aangat ng tingin sa tv. Baka mapasigaw din ako ng wala sa oras.

Napatingin ako sa katabi kong nakangiti.

Siraulo.

Natatawa siya sa horror?

Ako hindi ako natatawa kahit katawa-tawa yung tatlo. Natatakot din ako 'no. Ang lakas kaya ng sounds ng movie. Malakas pa yung bass kaya manginginig at magugulat ka talaga kapag biglang may suspense sa movie.

Kinurot ko siya sa tagiliran. Napatingin siya sakin at halos matawa na siya nung nilingon niya ako.

'Anong nakakatawa?' tinaasan ko siya ng kilay when I mouthed him that. Umiling lang siya sakin bago natatawang tumingin sa tv.

Sumimangot lang ako at nagpatuloy sa pagkain ng popcorn. Mas lalong bumilis ang pagkain ko ng nagkaroon na naman ng intense na tugtog.  Humihigpit naman ang hawak sakin ni Nicky. Kagat labi akong nagtitiis sa sakit. Pinipigilan kong mapaaray.

"BOBO KA! WAG KA PUMASOK!" sigaw ni Sedrick.

"ANG TANGA NITO!" gatong ni Jessica.

"RUN BITCH! 'WAG MONG BUKSAN YAN! TANGA!" sigaw ng katabi ko.

Hindi ko alam ang nangyayari pero the sound is getting more suspense.

Napatingin naman ako sa katabi kong halos maluha na sa pagpipigil ng tawa. Siniko ko siya ng malakas. Parang tanga.

"What?" tatawa tawa niyang tanong. Sinamaan ko lang siya ng tingin. May tinuro siya kaya tiningnan ko agad yun at 'di ko na napigilan.

"AAAAAAAAAAAAAAAA!!!!"

"TANGINA!!!!"

Biglang lumabas ang nakakatakot na mukha. Sakto siya sa paglingon ko. Nasaboy ko yung popcorn at nabitawan yung bowl sa gulat ko. Kasabay kong nagsitilian yung tatlo.

Oo, napatili din ako.

Ang bilis ng puso ko sa takot.

Tangina.

MutedWhere stories live. Discover now