Chapter 30: Confession
School
Pumasok ako ng maaga sa room para hindi ako mabully ng mga istudyante sa school kumalat ang litrato namin ni Claire at ako na sinampal ko siya hindi ko naman yun sinasadya dumilim lang ang paningin ko sa kanya...
"Hai dhayne " si Claire
"Ayoko ng away ngayon Claire " sabi ko at nagheadset
"Wag mo nga akong ganyanin di porket na kaligtas ka kahapon makakaligtas ka ngayon"
"I'm sorry hindi ko ginusto yun nagulat lang din ako" sabi ko
"Sorry?walang sorry saakin pagbabayarin mo ang ginawa mo saakin" sabi niya at may kinuha sa bulsa niya sabay paamoy saakin
Nahihilo ako ano yun anong pabango yun?
Bryan's POV
Nakita ko ang bag ni dhayne sa upuan niya pero wala siya nasan naman yun naggala nanaman siguro?
"Hey!... Good morning everyone" si Mark ang sigla nanaman niya ha
"Hai guyss ... Oh... Si dhayne nasan? " si Gail
"Hindi ko nga alam ehh" sabi ko
"Baka nasa CR lang " si Jhon
"Sige puntahan ko lang" si Gail kasama niya si mich magkadikit na silang tatlo ha akala ko sila lang dalawa talaga ang magkaibigan
"Wait nakita niyo ba yun yung kumakalat na picture kahapon? " si justine
"Huh? Anong picture ?" Sabi ko at nagbukas ng file sa school
"Ano to? Diba si Dhayne to? " si michael
"Oo nga nohh diba kahapon pa to? may kumuha pala ng litrato habang nagaaway si dhayne at Claire" si Nath
"Sinong nag picture neto?! " sigaw ko sa buong room
"Si martha " sabi ng kaklase naming babae
"Si dhayne ang puntirya nila ngayon noon si Mich ngayon siya, pero mas lalaki ang gulong to dahil transfery si dhayne" sabi ni kenneth
"Wala naman sa Cr ha" si mich kararating lang
"Hawak ngayon ni Claire si dhayne" si krisha kapapasok lang ng room
"Nasan sila? " sabi ko at lumapit sa kanya
"Nandoon sa auditorium dinala ni Claire" sabi ni Xandra kaibigan ni krisha
"Puntahan natin! " sigaw ni Mich
Nagtakbuhan na kami papunta sa auditorium malalagot talaga saakin yan si Claire..
Dhayne POV
"Gising dhayne" narinig kong sabi ng babae, hindi pa ako namumulat pero kilala ko kung sino yun
"Dhayne gising na! " sigaw ulit niya
Minulat ko na ang mga mata ko nandito kami sa auditorium bat kami nandito..
"Anong ginagawa niyo ha? " sabi ko
Nakatali ako masyadong mahigpit ang pagkakatali nila saakin
"Gising kana, alam mo hindi ko to ginusto ehh napagutusan lang ako" sabi ni Claire
"Alam mo pala ehh dapat hindi mo sinunod kung hindi mo ginusto" sabi ko
"Alam ko pero syempre may kapalit nohh, hindi ako tanga na hindi ako humihingi ng kapalit" sabi niya "Martha buksan mo yung camera gusto niya makita yung ginagawa ko"
Baliw na siya hindi niya alam ang ginagawa niya...
Nagulat akong may kinuha siyang gunting sa lamesa anong gagawin niya dyan..
"Anong gagawin mo? " tanong ko sa kanya
"Tinatanong pa ba yan malamang guguntingin ko yang uniform mo" sabi niya at pinag gugupit ang mga uniform ko
"Itigil mo yan!! Claire!!" sigaw ko pero hindi siya huminto tinuloy niya lang eto
"Claire knock out ang boys!! " sigaw ni martha
"Ano!! Paanong! " si Claire
At sinampal ako sa mukha sabay gupit sa balikat ko pero hindi lang damit ang nagupit pati ang balat ko nahiwaan niya...
"Dhayne!! " si Gail at niyakap ako
"Dhayne ayos ka lang m-may sugat ka" si mich
Buti nandito na sila..
Clinic
Dinala nila ako sa clinic pagkatapos ng nangyari saakin kanina..
"Dhayne ok ka na wala naba masakit sayo pwera jan sa sugat mo sa balikat at sa sampal sayo" si Gail
"Wala na ok na ako pede na akong pumasok sa susunod na subject" sabi ko tatayo sana pero hiniga ulit ako ni Gail
"Hindi dito kana lang magpahinga ka may excuse kana sa lahat ng subject natin papaiwan ko dito si bryan para may magbantay sayo habang nagpapahinga ka" sabi ni Gail
Ano! Si bryan maiiwan bat siya pa?
"Ako?" Si bryan
"May angal bry" si Gail
"Wala sabi ko nga ako" sabi ni bryan
Umalis na sila at naiwan na nga si bryan tahimik lang kaming dalawa walang nagsasalita nakakabingi yung katahimikan
"Sorry/Sorry" sabay naming sabi ni Bryan
"Ikaw muna" sabi niya
"Sorry kasi hindi kita pinansin ng tatlong linggo alam kong hindi naman dapat ganun ang ginawa ko sayo alam ko naman na girlfriend mo siya alam kong walang dahilan para hindi ka pansinin" sabi ko
"Ok lang yun pero tama yung ginawa mo alam ko na kung anong meron sating dalawa akala ko kaibigan lang kita akala ko hanggang doon lang tayo pero hindi" sabi niya
Lumapit siya sakin at umupo sa gilid ng kama ng clinic..
"Sorry kasi hindi kita napagtanggol sa mga nambully sayo si ms. Avery na ang bahala kay Claire at martha alam mo may bagay na hindi kita kayang matiis akala ko simpleng kaibigan lang kita pero yung araw na hindi mo ako pinansin at hindi mo ako kinausap doon ko na laman na may halaga ka saakin dhayne" si Bryan
"Akala ko kasi manhid ka kaya sumuko ako, akala ko kasi wala nanaman mag mamahal saakin katulad ng pagmamahal ng isang magulang ulila ako sa magulang pero anjan si tita para alagaan ako pero ng makilala kita may naramdaman na ako sayo sabi ko sa isip ko wala lang yun pero ng makita kong nakikipaghalikan ka kay sandra nakaramdam ako ng galit at tampo sayo pati sa kanya kaya hindi kita pinansin"sabi ko habang umiiyak
"Alam mo dhayne sayo ko lang naramdaman na may babae palang hindi materialistic sa mga bagay yung simple lang walang arte sa katawan" sabi niya
Niyakap ko siya hindi ko alam kung bakit pero gumaan ang pakiramdam ko ng yakapin ko siya parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan
"I love you dhayne " narining kong sabi ni Bryan kaya lalo kong niyakap siya
"I love you too bryan "
Sana hindi na to matapos sana ganito na lang tayo sana walang dumating na pagsubok..
Hai guyss... Thank you po sa mga sumoport sa aking 1st making story sa wattpad sana wag po kayong bibitiw saaking mga susunod na eksena nila Bryan at Dhayne sana suportahan niyo pa rin sila mahal ko kayo.. Don't forget to vote, comment, follow me on wattpad thankkkk youuu sooo muchhhh
BINABASA MO ANG
LOVE ME,CO'Z I NEED YOU
Teen FictionLove is unconditional Yes... Alam natin yan pero kaya naman diba kaya nating lumaban kahit alam mong pagod kana Pagod nang lumaban sa isang laban na alam mong ikaw lang ang lumalaban sakit non sis... Paano kung may isang tao na dumating sayo na aka...