Nakaka inis siya akala ko talaga limot niya. Pero infernes ang pogi niya ngayong araw ha. Nakahawak siya saaking kamay ng humarap siya saakin. Bumitaw ako at humarap sa kanya. Nakapamewang na ako na nagseseryosong mukha.
"Kamusta ka naman Mr.Lacson?" Pagbabati ko. Baka sakaling maalala niya ako. Nakakalimot e.
Natawa lang ang kupal.
"I'm sorry may ginawa lang ako, 'di ko limot ang araw na'to dahil malapit na ang Graduation natin ako paba. Kaibigan ko kaya si Nath." Pagmamayabang neto. Sa harapan ko!
"Ewan ko sayo! Bryan!!" Tinalikuran ko lang siya at uupo na sana ako ng hawakan niya ako sa braso.
"Hindi pa ako tapos magsalita. Ayaw mona agad" naglambing pa ang putsa. Ang kapal talaga!.
"Maghanap ka ng kausap mo" inirapan ko lang 'to at hindi ko man lang siya tinignan.
Lumapit ito saakin at lumuhod saaking paanan. At humarap ng nakanguso. Halikan ko'to.
"Eto naman.. nagagalit na agad.. sorry na please.. alam ko na magagalit ka pero para saatin to." Pagpapaliwanag niya.
Natawa na lang ako. Matapang ako pero sa mga sinasabi niya na para saamin yun natutuwa na ako.
Nakakabaliw pero unti unti na talaga akong nahuhulog sa lalaking 'to pero hindi pa sa ngayon kailangan ko pang tapusin ang dapat tapusin. Dahil pagkatapos non. Siya na ang prayoridad ko. Habang 'di pa ako tapos hanggang dito muna kami. Dahil aasahan kong hihigit pa dito ang aking ipapakitang pagmamahal.
"Hey.." pagtawag saakin ng lalaking kanina kong nabangga, nakalimutan ko siya.
"Sino siya?" Kunot noong tanong ni Bryan.
"Nabangga ko siya kanina, muntik na kasi ako masubsob sa floor kaya nasalo niya ako." Pagpapaliwanag ko. Mukha siyang tukmol ngayon dahil talagang nakakunot ang kanyang noo
Selos.
"Ipapaalam ko sana siya sayo kung pwede ko ba siyang maisayaw sandali." Mahinahon niyang sambit sa harap ng aking Jowa.
"Paano kung ayaw ko." Pamimilosopo niya sa lalaki.
"Umm.. wait sorry hindi pa ako nagpapakilala." Napakamot siya sa batok niya ng sabihin iyon.
"Ako nga pala si Dean, Nice to meet you, gusto ko sana ipaalam si Dhayne sayo. Pwede ba?" Pahina ng pahina ang kanyang boses. Di ka naman ata takot niyan.
"Hindi ako pumapayag, kaya alis!" Pagsusungit neto. Aba'y walang awa. Ang kupal.
"Wait! Umiinit ang lugar, sorry ha kung ganun siya, ganyan talaga siya pero mabait naman yan, ako tanungin moko kung gusto ko?" Nilapit ko ng kaunti ang aking mukha sa kanya.
Ganun na lang ang gulat ko ng hawakan ni Bryan ang buong mukha ko.Aba'y matindi!! Ginaganon na lang ako ANG TAPANG NAMAN PALA.
"Sorry baka magaway pa kayo, sorry Bry, sorry dhayne, sige una na 'ko." Nakakaawa siya, hindi man lang kami magsayaw. Sayang..
Pagtingin ko sa katabi ko. Nanlaki mata ko ng sa sobrang sama ng tingin niya ay.. mamamatay ako sa sobrang talim. Masakit yun.
"Ano?" Tanong ko sa itsura niya.
"Ano?" Pagagagaya niya. Hala anyare dito?.
"Naawa ka?" Tanong niya.
"Oo, parang tuloy na busted siya." Naaawa ako. Alam mo yung nakokonsensya ka. Yun kasi ang nararamdaman ko.
"Puntahan mo." Sambit niya.
"Huh? Ba't ko pupuntahan?" Tanong ko.
"Naaawa ka di'ba?"
"Oo, pero 'di ibig sabihin, pupuntahan ko siya para sumayaw dahil naaawa ako." Nililinaw ko lang sa harap niya. Iba ang iniisip neto.
"Kaya nga naawa ka diba. So puntahan mo baka mawala yang awa mo." Tumingin na siya sa ibang direksyon. Ako naman nakatingin lang sa kanya.
"Anong nangyare sayo. Ako 'tong nahihiya sa lalaking yun dahil gusto lang naman niya ako isayaw tapos, ikaw magagalit ka at ganyan ang sasabihin mo, nagbago nanaman yang ugali mo Bry. Kadarating mo lang ganyan kana." Pag eemot ko baka sakaling madala.
"Hindi sa ganon, nandito na ako kaya walang ibang magsasayaw sayo kung hindi ako lang." Pagpapaliwanag niya.
"Alam mo ibang klase ka din no. Ang babaw pinapalake mo. Ano bang nakain mo at nagkaganyan ka." Unti unti nagiging maldita nanaman ako.
"Ngayon yun pero kanina sila lang ang nakapansin saakin kase wala ka, ngayon na nandito kana hindi nila alam yun." Pagpapaliwanag ko, baka lalong lumala ang pagkapraning niya.
Yumuko siya at hinawakan ang tungki ng kanyang ilong alam kong nababad trip siya dahil ugali niya yun.
"Sige papayagan kita na makasayaw mo siya pero siya na ang huli, wala ng iba pa." Ang sama ng tingin niya ng sabihin iyon saakin akala mo nakagawa ako ng masama.
Naglakad ako palapit sa lalaki kanina. Nakangiti kong nilahad ang aking kamay na kanina pa niyang hinihiling pero sa pagiging praning ng Boyfriend ko tumagal iyon.
Nagsayaw kami at minsan ay napapatawa niya ako masiyahin siya, hindi ka mababagot na kasama siya. 'di ko na napansin ang sandali ng mapalingon ako sa karelasyon ko ang talim talim na ng kanyang tingin unti na lang ang tingin niya kutsilyo na.
"Tama na. Masyadong matagal kayong dalawa." Panggigitna niya saaming dalawa ni Josh.
S'ya nga pala ang kaninang kasayaw ko siya si Josh class 4B nagpakilala siya habang nakikipagtawanan saakin.
"Ako naman na siguro" nakangiti niyang sambit.
"Pake ko?" Pamimilosopo ko.
"Dhayne?" Nagulantang siya.
"Dhayne?" Panggagaya ko sa kanya, ang maldito. Subukan natin yang pagiging maldito mo.
"Dhayne naman e!" Namumula niyang sinasabit ang aking katawan.
"Ikaw ang maldito mo! Hindi ka naging understanding kanina ang tagal mong dumating ngayon na may ibang tao na gusto ako makasama ng SANDALI ikaw naman 'tong nagmamadali." Hindi kasi tama ang kanyang pinapakita na ugali.
"Sorry na" nakayuko nanaman siya.
"Ibahin mo yang ugali mo ha" nagiibang ibayo na naman ang kanyang ugali.
"Sorry na please" nakanguso niyang sambit.
"Oo na baguhin mo yan" tinuro ko ang kanyang mukha. Para matuto ang maldito.
Hinawakan niya ang aking kamay at hinila ako papunta sa gitna nakangiti siyang nakikipag sayaw saakin niyayakap niya ako na para banv hibang na siya saakin. Lagi niya akong sinasabihan ng I LOVE YOU lagi ko naman din siyang sinasagot na I LOVE YOU TOO. Hindi pa nagtatapos ang mga yun parang kami lang dalawa ang nandoon hindi ko alam kung ano pa ang aming ginagawa pero eto ang pinaka masayang araw na nangyari saakin.
Ang hirap magpasalamat kay Lord dahil sobra na sobrang saya kona wala na akong hihilingin pa kundi rto at ang pamilyang pinangarap ko.
Pero hindi ako magsasawang magpasalamat dahil siya lang ang nakakaalam kung ano ang mangyayari in the future dahil inaalay ko ang buhay ko sa kanya dahil siya lang ang nakakaalam.
BINABASA MO ANG
LOVE ME,CO'Z I NEED YOU
Teen FictionLove is unconditional Yes... Alam natin yan pero kaya naman diba kaya nating lumaban kahit alam mong pagod kana Pagod nang lumaban sa isang laban na alam mong ikaw lang ang lumalaban sakit non sis... Paano kung may isang tao na dumating sayo na aka...