Gaano ba katagal ang pagtitiwala sa isang tao? Paano ba umiwas sa mga taong alam mong doon mauubos ang pasensya mo? Mahirap ba umiwas napapadalas kasi ang mga yun sa taong alam mong importante sayo.
Alam mong kailangan mong magpasensya, magtiwala,magpahalaga ng tao,pero nauubos ang mga yun pero natatakot ka naman na mawala siya.
Ang tawag doon katangahan ata hahaha.
Ang baliw diba.
Pero yun talaga e.
Kailangan para manatili kayo.
Manatiling kayo.
Kayo ng taong mahal mo.
Hahayaan ko na lang ba o kailangan ko ng magsalita.
Nakakainis na kasi e.
Hindi na inis galit na ang nararamdaman ko.
Ang bait ko naman din kasi.
"Dhayne okay ka lang ba?"
"Oo naman mukha bang hindi" tanggi ko.
"Wag nga ako dhayne nakakainis ka!"
"Hahaha bahala ka sa buhay mo" tinalikuran ko na lang siya, alam kong magtatanong at magtatanong lang yun at pipilitin na hindi ako okay.
Hahaha alam ko naman yun, hindi talaga ako okay, pinipilit ko lang maging okay, ayaw kong masira ang araw ko, nang dahil lang doon.
"Dhayne!" Napalingon ako ng may tumawag saakin.
Sana pala hindi na ako lumingon.
"Dhayne nakita na din kita" si Bryan.
"Ano problema mo?" Pagsusungit ko dito.
"Ikaw, ikaw ang problema ko, hindi mo ko tinawagan kagabi, ang aga mo pala umuwi, hindi moko sinabihan" paglalambing neto saakin, pero hindi ko pinansin, nakatalikod lang ako sa kanya.
Nagulat ako ng yakapin niya ako sa likod at doon ako nilambing ng nilambing, alam niyang yun ang kahinaan ko ang lambingan ako nv ganoon ang posisyon na ginagawa niya, siraulo talaga.
"Sorry na talaga please~" pagpapaami niya saakin, hindi moko madadaan diyan, sira ka.
"Umayos kanga, Bryan, parang wala ka sa eskwelahan ha" pagsuway ko dito.
"Aayos ako kapag pinatawad mona ako"nakangusong pagaamo saakin.
"Hindi kaba aayos" suway ko ulit.
"No"
"Umayos kanga!" Mahinang sigaw ko dito.
"No"pagpupumilit niya
"Isa!, Umayos ka!" Paglakas ng sigaw ko.
"No, hindi ako susunod"nanggigigil na ako sa mga ginagawa niya.
"Dalawa! Bryan susunod kaba?! Sisigaw talaga ako kapag hindi kapa umayos" inaalis ko ang mga kamay niya sa bewang ko, pero ang loko lalo niyang hinigpitan, talagang ginigigil niya ako.
"Tatlo!, Bryan ano ba!" Sigaw ko, nagulat siya ng lumakas ang sigaw ko, napatingin tuloy ang mga estudyante na dumadaan sa gilid namin.
"Sorry"
Nagulat ako ng dampian niya ng halik ang aking labi, napalaki ang mga mata ko sa ginawa niya, unang beses ko yun, talagang gulat na gulat ako.
Hindi ko namalayan nagsipag ungulan na ang mga estudyanteng dumadaan sa gilid namin dahil sa ginawa ni Bryan.
"Sira ulo ka talaga!" Sigaw ko, tumakbo ako pero nahabol niya ako.
"Hahaha.. ikaw talaga!, namiss kita dhayne, wag kang magaalala hinding hindi ko na uulitin ang mga yun, sinabihan ko na si Sandra sa mga ginawa niya, hindi ko din alam kung bakit niya ginagawa ang mga yun, masyado siyang desperada para saakin, ewan ko ba doon at baliw na baliw saakin, pagod na akong mag explain na tapos na kami, matagal na" mahaba niyang explanation saakin.
"Hindi ko kailangan ng explanation mo, Bryan" pagsusungit ko dito.
"Sige na pumasok kana, papasok na din ako, mamaya na lang ulit" sabi niya.
Hindi ko na pala namalayan na nandito na ako sa tapat ng classroom ko. Kainis to ah, hindi ko alam, sira talaga.
Maraming na kaming ginagawa ngayong palapit na ng palapit ang aming pagtatapos ng pagaaral ng high school. Sa dinami dami ko ng naranasan sa buhay bilang high school student, ngayon lang ako nakaramdam ng saya at tuwa dahil nandiyan sila, nandiyan yung mga totoong kaibigan mo, na alam mong hindi ka pababayaan, nandiyankapag malungkot ka, nandiyan para mapasaya ka, hindi ka nila iniwan kahit sobrang drama mona, hahaha nakakatuwa dahil hindi nila ako pinabayaan, napakatagal na naming magkakaibigan napagkasya namin ang 10 months bilang isang magkaklase at magkakaibigan lalo na parang magkakapatid, nakakatuwang isipin.
Sa tagal non doon ko nakilala si Bryan, nakakabakiw isipin ang mga bagay na napakatagal na.
Nakakalungkot pala kapag palapit na ng palapit ang graduation niyo dahil hindi niyo na alam kung saan kayo dadalhin ng tadhana.
At yun na nga Test dito, summative test doon, long quiz, Short quiz, long test, ang pinakahinihintay ng lahat ang NCAE dahil doon mababase saamin ang kursong makukuha mo.
Ang dami ng gawain higit na umaabot na ako ng gabi para magbasa ng libro, aral, aral, aral, naku mababaliw na ata ako, may thesis pa, may reporting pa para mahabol ang ibang lesson, hindi naman ako late sa lesson, lagi pa nga advance dahil nagbabasa ako ng libro kapag minsan na may oras.
Sa mga dumaang araw lalo akong nalulunod sa pagaaral, pagkauwi ko galing school, pumupunta agad ako ng kwarto at nagbabasa ng libro, lagi akong nahahatiran ng pagkain ni tita sa kwarto, lagi na akong napupuyat kakaaral.
"Anak, tama na muna yan kumain kana, sobra na ang pagod ng mga matang yan matulog ka muna ng maaga please lang wag masyadong stress hindi naman bumababa ang grade mo para magpakapuyat ka diyan." Si tita may dalang pagkain para saakin dahil pagkauwi ko dumeretso na ako dito at nagbukas ng laptop para magresearch sa mga reportings at thesis.
"Sige po tita, kakain na po ako, thank you po" nakangiti kong sambit sa kanya, alam kong nagaalala lang suya para saakin at sa kalusugan ko.
"Sige kumain ka lang at may mga sasabihin ako sayo anak" sabi ni Tita, pinabayaan ko lang siyang magsalita at nakikinig naman ako.
"Anak may pinapatayo kasi akong isang coffee shop sa marikina at kailangan ko ng maghahandle doon dahil minsan wala ako para naman yun saatin tama" nagulat ako sa mga sinabi niya.
Coffee shop?
"Dhyane gusto ko ikaw ang humandle non, dahil ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko, anak sayo ko ibibigay yun kapag nagtapos ka ng pagaaral mo sa high school"
"Pero magaaral ako ng college tita, baka hindi ko kaya, mahihirapan lang kayo saakin kapag ako" pagtatanggi ko dahil totoo naman na mahihirap kami, kapag ako ang naghandle, mahirap na.
"Oo alam ko naman yun, nak, pero ikaw lang kapamilya ko at malaput saakin, tutulungan naman kita doon, hindi ka mahihirapan maghandle kasama mo kami" masayang sabi ni tita.
Kami? Akala ko ba ako lang ang kapamilya niya? Parang may iba pa?
"Sinong kami? Tita?" Tanong ko dito.
"Sino pa? Edi ang mama mo!, Ikaw talaga, di porket galit ka sa kanya ay, galit na din ako, hindi dahil mahalaga din siya saakin, tumutulong pa nga siya saakin, ngayon e" may halong saya ang mga sinasambit saakin ni tiya pero hindi ko maramdaman yun baliw na nga ako.
"Pwede ko bang pagisapan yan tita, alam niyo naman po, Marami po akong gawain ngayon, hihihi" natawa na lang ako sa kagaguhan ko.
Matapos ang usapang yun, nagtuloy tuloy ang pagod ko sa pagaaral, hindi ko naman nalimutan si Bryan.
Ayun naglalambing pa din saakin baliw e.
Hanggang sa umabot na ng isang buwan na ang nakalipas at eto na ang buwang hinihintay ng lahat ang buwan na malapit na kaming tumalon sa bagong buhay bilang isang kolehiyala.
Nararamdaman ko na ang totoong estudyante, ang mahirap na pagsasakripisyo para makakuha ng UNO at hindi maging TRES nakakatakot, eto na ang saya na may halong takot sa buhay bilang estudyante, Bilang isang magaaral na alam mo kailangan mo ng magsikap na magaral ng magaral.
BINABASA MO ANG
LOVE ME,CO'Z I NEED YOU
Teen FictionLove is unconditional Yes... Alam natin yan pero kaya naman diba kaya nating lumaban kahit alam mong pagod kana Pagod nang lumaban sa isang laban na alam mong ikaw lang ang lumalaban sakit non sis... Paano kung may isang tao na dumating sayo na aka...