Chapter 40: Date
Kahit mahaba haba ang tulog ko hindi ko makalimutan ang nangyari kahapon hindi naman ako yung taong pusong bato gusto ko lang maging handa... Handang tanggapin sa buhay ko alam kong hangad kong makita't makasama siya...
Sana mapatawad niya ako sa disisyon ko...
Habang malalim ang iniisip ko nabasag nito ang katahimikan ng mag ring ang cellphone ko...
Chimchim ko💜
Good morning Chimchim ko
[Good morning too Dubu ko]
Nagbreakfast kana?
[Hindi pa nga po eh.. ikaw Nagbreakfast kana? but parang malungkot ang dubu ko?]
Hindi pa din po, malungkot ako kasi wala sa tabi ko si chimchim ko...
[Naku baka magkasakit ang dubu ko dahil saakin]
Hindi naman po, chimchim ko pwede ba tayong magusap
[Oo naman po Dubu ko eto na naguusap na tayo]
Hindi yung magkasama tayong dalawa..
[Ikaw naman namimiss mo na talaga ako alam ko naman na gusto mo na akong mayakap syempre naman ikaw paba dapat nga ako ang naglalambing sayo alam mo bang miss na din kita Dubu ko]
Opo miss na din kita sa sobrang busy natin hindi na tayo naguusap ng magkasama miss na din kita ng sobra
[Sige po, punta ako jan maligo kana aalis tayong dalawa gusto kong makita ko yung girlfriend ko na maganda pero hindi na kailangan dahil simple lang naman yung kausap ko ngayon kahit walang make up sobra na siyang ganda..]
Baliw nanguuto kapa sige na po magaayos na ako para sa Boyfriend kong baliw... Baliw saakin hahahaha...
[Ahahaha ikaw naman minsan lang to na miss lang talaga kita sige na bye maghahanda lang ako para sa alis natin bye dubu ko!!]
Oumm.. sige bye chimchim ko see you later..
[See you later too bye I love you!! I love you!! I love you!!]
Ahahaha... I love you so much!!! 100x ahahaha bye ingat sa pag biyahe
[Bye opo magiingat po ako para sayo]
Bumangon na ako sa pagkakahiga... At maghilamos at nag toothbrush bumaba na ako at nakita kong naglilinis si Tita ng Sahig na miss ko siya
Nilapitan ko ang tita ko at binack hug ko siya alam kong may araw na iiwan ko na siya at pupunta na ako sa totoong dapat na nagpapalaki saakin mamimiss ko siya mamimiss ko yung bagay na parang totoo niya akong anak hindi niya ako tinignan na iba masarap siya maging isang Ina napaka perpekto niya I LOVE YOU TITA
"Ohh.. naku namiss na ako ng dalaga ko kumain kana baka nagugutom kana nagluto ako ng adobo at sinigang diba paborito mo yun sige na kain kana" Sabi ni Tita hindi ko na pigilang hindi umiyak.. umiyak na ako habang nakayakap siya nakatalikod hindi ko magawang hindi maiyak sana siya na lang ang naging nanay ko...
"Ohh... Bakit? Bakit ka umiiyak ha may problema ba?" Umiling ako ng tanungin niya ako wala akong problema may feelings lang ako na ayokong maalis sa piling niya siya na ang tinuring kong Tunay na Ina pero nagpakita na siya kaya may araw na siya na mismo ang kukuha saakin habang nasa puder ako ng aking napamahal na tiyahin...
"Tita ok lang ba sa inyo kung may araw na kukunin na ako ng totoo kong nanay?" Napatigil siya ng sabihin ko yan
"Bakit mo naman na sabi yan?" Tanong niya
"Wala po gusto ko po malaman kung ano po ang magiging reaksyon niyo na baka mawalay na ako sa inyo?" Nalulungkot kong sabi sa kanya pero nasa likod parin niya ako
"Alam mo Dhayne wala naman akong karapatan magalit sa mama mo dahil siya mismo nagsising iniwan ka niya yung mga araw na dapat siya ang kasama mo ako na ang gumawa nun ginawa ko yun dahil yun ang bilin niya" napa hikbi ako sa sinabi niya
"Tita wag niyo pong kalilimutan na minahal din po kita lahat ng ginagawa niyo saakin naaappreciate ko yun lahat ng bagay na gustong kong gawin nagagawa ko ng dahil sa inyo kung wala kayo wala akong mapupuntahan na kasing bait niyo" alam kong kahit nasa likod ako nararamdaman kong malungkot ang tita ko alam kong umiiyak na siya ngayon...
"Dhayne kung makita mo na ang mama mo wag kang maging pusong bato tanggapin mo siya na parang ako lang na tinanggap mo jan sa puso mo dhayne walang araw na hindi ka niya tinatanong saakin alam kong tinago ko yun sayo dahil sabi niya gusto niya na siya mismo ang magpakilala sayo, masakit para saakin sa haba ng panahon na nakasama kita wala akong ginawa kundi ibigay sayo ang buong pagmamahal ng nanay mo na dapat siya masakit saakin na kunin ka na niya saakin pero wala akong magagawa kundi tanggapin dahil minahal kita na parang totoo kong anak wag kang magalala hindi ako magagalit sayo o magtatampo kung ano ang disisyon mo tatanggapin ko dahil mahal kita kaya kung nakita mo na siya tanggapin mo na siya anak mahal na mahal ka nun" naiiyak na talaga ako sa mga sinasabi niya mahal na mahal ko din si tita pero gusto kong makasama ang tunay kong mga magulang salamat ta sa lahat lahat na ginawa mo...
Ginawa ko na lang niyakap siya ng mahigpit na mahigpit saka kumalas at sinama siya sa kusina para kumain...
Sabay kaming kumain na may ngiti hindi ko to malilimutan lahat ng alaala na nangyari saamin hindi ko buburahin sa puso't isip ko mahal ko ang tita ko..
Nang matapos kami sa pagkain ako na ang naghugas ng pinagkainan namin pagkatapos kong gawin iyon umakyat na ako sa taas at naligo pagkatapos kong maligo nagbihis na ako hindi ako magde-dress ngayon gusto ko simple lang kaming dalawa bago ako magbihis chinat ko siya..
Kung ano ang damit niya ngayon, naka white jacket siya ng Puma at black na Jeans naka shade ng Itim din at Black and white Puma's Shoes.. Mahilig siya sa Black at White minsan lang siya sa mga colorful na kulay...
Ako naka white T-shirt na Adidas, Black Jeans pero may hiwa siya sa tuhod, Black and white Puma's Shoes diba same pero sa damit lang naiiba ahahaa....
Hello Chinggus thank you for supporting my story please.... VOTE AND FOLLOW me #LightInSharlot thank you so so much 😘
BINABASA MO ANG
LOVE ME,CO'Z I NEED YOU
Teen FictionLove is unconditional Yes... Alam natin yan pero kaya naman diba kaya nating lumaban kahit alam mong pagod kana Pagod nang lumaban sa isang laban na alam mong ikaw lang ang lumalaban sakit non sis... Paano kung may isang tao na dumating sayo na aka...