Chapter 39: Tears
Lahat tayo akala natin masaya na pero hindi pa pala may bumabalot paring sakit sa ating puso..
Yun ang gusto kong malaman niya bakit hindi niya kayang ipagtapat na hindi niya ako mahal....
Habang nagkatinginan kaming dalawa ng matandang babaeng nasa harapan ko hindi ko magawang makalapit sa kanya...
"Ah... Maam ano pa po ba ang kailangan niyo?" Tanong kong muli sakanya dahil kanina pa kami nagkakatinginan
"A-anak... 😢" Nagulat ako ng banggitin niya ang salitang anak
Hindi ko na alam ang gagawin ko kung maniniwala ba ako o hindi
"A-ahh... Maam baka po nagkakamali kayo baka hindi niyo po ako anak nagtanong-tanong na po kayo sa mga pulis baka nagkakamali lang kayo" sabi ko pero gusto ng puso kong maniwala sa kanya
Gustong tumulo ang mga luhang nagbabadyang tumulo lahat tayo hangad nating magkaroon ng isang masayang pamilya pero ako ni isa hindi ko alam kung nasan sila...
"T-tanong ko lang ang tita mo ba'y.. s-si Mariel?" Sino ba siya para malaman niya ang pangalan ng tita ko ..
"Opo siya nga po ang Tiyahin ko sino po ba kayo?" Hindi ko na alam ang gagawin ko kung isa batong magnanakaw o manghuhula..
"Ikaw nga ikaw ang iniwan ko sa kanya ang batang iniwan ko ng 20 taon" ngayon ko na gustong umiyak totoo ba to hindi bato isang biro..
Gustong gusto kong maniwala sa kanya pero yung puso ko natatakot na baka isa lang tong palabas ng mga taong kayang bilugin ang ulo ng mga tao...
"Kung ano man yang nasa isip mo, hindi yan totoo hindi ka man maniwala pero ako to ako ang totoong Nanay mo..." sinungaling siya mga manloloko sila hindi totoo yan...
Ilang taon na akong naghihirap sa kaiisip na sana makita ko na siya pero ganito lang simpleng bagay lang na ganito magpapakita siya, hindi ito isang kalokohan na kaya niya akong bilugin sa mga sinasabi niya, hindi ako tangang magpapaloko sa kanya...
"Alam niyo po ginagalang ko kayo eh.. pero sa mga sinasabi niyo hindi niyo ko mapapaniwala sa mga pinagsasabi niyo!" Hindi ko na kaya ang sakit na malaman na nandito siya para sabihin saakin ang mga bagay na yan bat sa simula pa lang hindi na niya ginawa, kung matinong babae siya ginawa na niya ang tama...
Pagkatapos kong sabihin iyon pumasok ako sa loob at isinara ang gate pero.. may sinabi siyang ako'y napatigil sa aking ginagawa ...
"March 28, 1998 hindi bat yun ang araw ng iyong kaarawan" sabi niya pero baka nakita niya lang sa social media kaya hindi ako nagpatinag at naglakad na ako papasok pero hindi din siya nagpatinag...
[Played Awit kay Inay by mikee quintos]
"Anak alam kong marami akong pagkukulang sayo *sup* alam kong sa haba ng taon kong sinayang hindi kita sinamahan sa paglaki mo *sup* alam mo bang kahit malayo ka saakin nasa puso't isip kita!! *sup* lahat ng nanay gusto makita ang anak na masayang lumalaki sa piling nila gusto kong makita kang nakangiti sa tabi ko pero napanghinaan ako ng loob lahat gusto kong sabihin sayo yung mga salitang 'kumain ka na ba?' 'gising na baka malate ka sa school' 'musta ang araw mo masaya ba' *sup* alam mo bang araw araw kong gustong sabihin sayo yun pero anong ginagawa ko lihim kitang sinusundan sa pagpasok mo at paguwi alam mo yun na lang ang ginagawa ko para lang makita kita, nung araw na nabully ka gusto kong saktan ang mga taong yun *sup* pero natatakot ako takot akong makita kitang nanghihina at nahihirapan sa mga bagay na malaman mo lahat, lahat ng Ina gusto maging masaya ang kanilang anak pero ako baka huling buhay na lang kita mahahagkan *sup* kasi alam kong lalayuan mo din ako pero alam mo gusto kong sabihin sayo ang katagang 'I love anak' pero wala akong magawa kundi sabihin na lang sa diyos na pinapasabi ko Anak sana mapatawad mo ko kaya kong maghintay ng matagal para lang marinig kong sinasabi mo na pinapatawad na kita maghihintay ako sayo mahal kita anak ko"
Naiyak na ako sa mga sinabi niyang yun ako mismo naawa sa kanya naawa ako na baka ako ang dahilan ng pagluha niya pero ako din nasasaktan..
Masakit ang sakit isipin na ang sama ko palang anak ang sama ko kasi hindi ko siya kayang patawarin ngayon kasi sobrang sakit sa tagal ng panahon ang nakalilipas ngayon lang siya magpapakita
"Ako din naman... Ako din nasasaktan... Ang sakit kasing isipin na akala ko pinabayaan niyo na ako *sup* lagi kong sinasabi sa sarili ko na masaya ako pero ang hirap dahil ang taonv gusto kong mahagkan ang taong gustong yakapin hindi ko magawang gawin dahil wala siya sa tabi ko *sup* tabi ko na kailangan ko siya yung araw na gusto kong sabi sayo na MAHAL KITA pero nasan ka? *sup* Nasan ang taong gustong makita hanggang sa pag graduate ko ng highschool wala at lagi ko na lang nakakasama ang tita ko ang titang magpalaki saakin na parang totoong anak *sup* minsan nga naiisip ko na sana hindi na lang kita naging Ina pero ano paba ang magagawa ko ikaw ang naging Ina ko pero alam niyo ang bumabalot dito sa Puso ko yung salitang MAHAL KO YUNG NANAY KO, MAHAL KO SIYA HIGIT PA SA MGA TAONG NAKAKASALAMUHA KO ARAW ARAW DAHIL SIYA LANG NAMAN ANG TAONG KAYA AKONG PATAHANIN SA ARAW NA UMIIYAK AKO SIYA YUNG TAONG KAYA AKONG PATAWANIN SA ARAW NA NALULUNGKOT AKO SIYA YUNG TAONG KAHIT WALA KAMING KAYA SA BUHAY KASAMA KO LANG SIYA ISA NA YUN SA MGA YAMAN KO SA BUHAY MAYAMAN NA AKO EH.. MAYAMAN SA PAGMAMAHAL NA HINANGAHAD KO' pero mukhang hindi mangyayari ang gustong mangyari dahil wala ka? Wala ka sa tabi ko wala ka sa araw na kinakailangan kita!!"
Napaluhod na ako sa sobrang kaiiyak hindi ko na alam hindi ko na alam kung anong mangyayari saakin matapos ang araw na to sana isa na lang tong panaginip na gusto kong pumikit sa sakit na aking nararamdaman...
Patawarin mo ko baka hindi pa eto ang tamang panahon para pumasok ka dito sa puso ko Ina baka sa tamang panahon at Araw na kita kayang patawarin patawad....
BINABASA MO ANG
LOVE ME,CO'Z I NEED YOU
Teen FictionLove is unconditional Yes... Alam natin yan pero kaya naman diba kaya nating lumaban kahit alam mong pagod kana Pagod nang lumaban sa isang laban na alam mong ikaw lang ang lumalaban sakit non sis... Paano kung may isang tao na dumating sayo na aka...