Chapter 48

3 0 0
                                    

Nagpapractice na kami ng graduation dahil malapit na, ilang linggo na lang at magtatapos na kami, hindi lang ako ang masaya sa mga araw na darating, lahat kami, lahat ng estudyante.

Ang mga huling araw at linggo namin.

Pagkatapos ng practice, nagbigay sila ng break para magsipag kain na kami pati ang ibang propessor.

Naglalakad kami ngayon ni Gail papuntang Cafeteria ng hilain ang kamay namin ni Gail at sinabing pumunta kami sa office.

Pumunta kami sa office ng SSG ang akala ko sa PO (Principal Office) or GO (Guidance Office) dito lang pala, ngayon na lang kami nagkita kita sa daming ginagawa ng lahat lalo na ni kuya Nath dahil siya ang anak ng may ari ng school at si Ate Avery siya ang president ng School at kailangan niya mapanatiling maayos at may disiplina ang mga students lalo na ang mga bastard student, sakit sa ulo ang mga yun, mauubos ang laway mo kasasaway sa kanila.

"HAI GUYS!!!" sigaw niya Ate Avery, ngayon ko na lang ulit siya nakita, namiss ko siya.

Yinakap ko ng mahigpit si Ate Avery at ang lahat syempre para hindi Unfair sa iba, nakakahiya naman, joke lang hahaha.

"Kamusta kayo?, Namiss ko kayong lahat!" Sigaw ulit ni Ate Avery.

"Hindi ka namin na miss!" Sigaw naman ni Mark.

"Hoy!!!, Baka gusto mong maguidance ng hindi ka makagraduate, ano?" Biro ni Ate Avery kay Mark.

"Sorry naman, eto masyadong galit, kalma ka lang, sige ka, mastress ka niyan hahaha" biro naman neto ni Mark.

"Sira ulo ka din noh" pagsuway neto.

"Hai guys"bati ni Kuya Nath saamin.

Nagtapikan lang sila ng mga katropa niya, at bumaling na eto kay Ate Avery at may binulong.

"Kamusta pagaaral Nath?" Tanong ni Kuya Michael sa kanya.

Habang naguusap ang iba, etong katabi ko hindi mapakali, ang sarap sampalin, para tumino, kalabit ng kalabit saakin.

"Ano nanaman ba?" Tanong ko ss kanya.

Ang kulit e, hindi mapakali, hindi marunong manahimik.

"Ayaw mo kong pansinin, sa kanila ka nakatingin hindi saakin" nakangusong sabi niya, Pabebe hahaha.

"Hoy, hindi bagay sayo yan, umayos ka nakikinig lang ako sa kanila" sabi ko.

"Sakin ka lang tumingin, magusap tayo"

"Naku, Bryan tumigil ka nga hindi magandang tignan, nakakainis lang" pagsinghal ko sa kanya.

"Bakit? Ayaw mo ba saakin? Ha?" Pangungulit niya.

"Sa tingin mo, sasagutin kita kung ayaw ko sayo? Sa tingin mo ba, ayaw ko sayo? Sa lapit natin yan! Ayaw ko sayo?" Tanong ko.

"Hindi, alam kong mahal mo ko hahaha" tawa siya sa mga kagaguhan niya, ang daming drama sa buhay.

Nakinig na lang ulit ako sa mga kabaliwan ng mga kasama namin yung iba naghaharutan na, hanggang sa dumating ang ipinadala na pagkain ni Kuya Nath saamin, ayun at naghaharutan pa rin hanggang sa napagalitan sila ni Ate Avery haha mga baliw e.

Andito yung mga naglalambingan, naglalaro, harutan, tawanan, tuksuhan, galit galitan, yung mga bagay na talagang tatatak sa isipan niyong lahat at yun ang bagay na talagang mamimiss ko sa kanila.

Andiyan si Bryan para patawanin kami at si Mark lagi silang tandem sa kabaliwan, mga hangal, hahaha..

Hangga't nagsimula ulit ang practice, andiyan yung may kasama kang lalaki na magmamartsa, speech ng sandali, prayer, church song, graduation song, performance, and long ceremony ipakikilala ang mga guest, mga gagawaran ng parangal.

LOVE ME,CO'Z I NEED YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon