2

18 1 0
                                    

December

"Maeriel, kilala mo ba 'to?" Tanong ko sa pinsan ko sabay pinakita yung screen kung saan merong nag-add na lalaki sakin na alam kong taga-school niya ayon sa nakalagay dun.

Napabaling naman si Maeriel sakin, "Oo! Hindi mo kilala si Jay-Jay? Jayse Cañe?" Napakunot yung noo ko. "Nagse-sepak yan. Ang cute niyan kaya."

Napatango na lang ako. Talaga lang huh.

Nasa may Training Center kami dito sa compound ng lola ko sa Balusbos. Bumisita lang kami kasi nandito yung mga pinsan ko galing Iloilo na kakauwi lang kahapon kaya bonding yung ipinunta namin dito. Besides, Christmas na bukas kaya di na naman ako mapakali netoo!

"So since kilala mo naman, i-aaccept ko na nga lang. Nagpapadami rin naman kasi ako ng friends, hehe." Sabi ko at pinindot yung confirm. Ilang oras ang nakalipas, may natanggap akong message galing sa Jayse na yun. Ay hala? Nag-chat?

"Hi"

"Morning"

Yun yung unang salitang nabasa ko galing sa kanya. Hindi ko naman gustong paghulaan akong snob kaya nireply-an ko ng: "Haha wrong send?"

Di naman raw. Oh, so ibig sabihin sinadya nya ngang kausapin ako.

"Kilala mo na ba ako?" Biglaan niyang tanong. Ha? Ano ba tong pinagsasabi niya? Eh dito ko nga lang siya napansin eh, kung siguro kapag hindi ko naitanong siya kay Maeriel malamang wala akong planong i-aacept siya.

Sinabi ko sa kanya na hindi pa. Nabanggit niyang nakita niya raw ako sa simbahan kaninang simba de gallo at sabi niya, ngumiti pa raw ako sa kanya kaya ginantihan niya rin ako ng ngiti. Huwaat?! Paano nangyari yun? Di ko pa nga siya nakikita sa personal eh!

Sinabi ko naman na hindi siya yung nginitian ko kundi yung kapatid kong nagse-serve sa oras ng paghalad. Masyado akong natawa nun sa itsura niya kaya di ko mapigilang mapangisi hanggang sa pagbalik sa pilahan. Yun yung unang akala ko.

"Ah so di pala ako yung nginitian mo? Aw... busted." Ang sabi niya. Agad ko namang binawi iyon hanggang sa nagpakilala na kami sa isa't isa. Sinabi ko namang nag-aaral ako sa Iloilo sa Assumption. Naibanggit niyang nagte-training sila para sa WVRAA at ang sinasalihan niya ay Sepak Takraw, saka dun din daw sa Iloilo sila maglalaro mag-February. Di na ako umasang magkikita pa kami dun dahil hello, ang laki ng Iloilo noh. Nagpaalam na rin siya kasi sinasabihan na sila ng kanilang coach na magpractice kaya ayun, nag-babye na rin ako kasi tinatawag na pala ako ni lola para kumain ng pananghalian.

January

Panibagong taon na at oras ko na para umuwi ng Iloilo. Nakakalungkot pero kinaya ko pa rin. Nung una, inakala kong masasawa rin si Jayse makipag-chat sakin ngunit hindi ko ine-expect na pati ba naman hanggang ngayon, patuloy pa rin niya akong kinakamusta. Syempre, di ko namang mapigilang mapangiti sa loob-looban.

Pinaalam niya sakin na pupunta silang Makato for 2 weeks para sa kanilang training. Ewan ko ba pero medyo may naramdaman akong kakaiba, siguro dahil walang chansa na makikita ko siya sa sunod na pag-uwi ko sa bahay. Pero di ko na lang pinansin yun dahil hindi naman dapat eh.

Merong long weekend kaya umuwi ako samen at inaya kami ni daddy pumuntang Boracay para icheck-up yung hotel. Gumagabi na yun at dun kami sa rooftop sa resto namin naghapunan. Kinukulit at inaasar ko pa si Jayse nun nang bigla na lang nag freeze yung keyboard at nalaman kong tumatawag siya! My gahd! Malapit ko pa nun mabitawan yung phone ko sa gulat. Sumulyap ako sa paligid at kumaripas nang takbo papuntang CR para sagutin yung tawag. Natatandaan ko pa ang isang pangyayari bago pa siya nun makapunta sa Makato.

Sa gabing yun, ako lang mag-isa sa Dorm habang magka-chat kami nang bigla ko na lang naaksidenteng napindot yung Video Call! Isa pa, timing at nag-hang pa yung phone ko nun kaya di ko dali-daling ma-end yung tawag. Ang desperado niya pa tingnan nun kasi in-accept niya naman kaagad! Narinig ko pa tuloy kung gaano kalalim yung boses niya nang magsalita siya ng "Hello" sa kabilang linya. Hinawakan ko yung dibdib ko nun at sheesh, ang bilis lang ng tibok ng puso ko. Buti nga lang naagapan ko at in-end yung tawag saka nagdahilan na napindot ko lang. Epic. Aha ha ha.

MY FIRSTS'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon