Lumipas ang ilang araw, kumunot yung noo ko nang bigla-bigla na lang sumulpot sa usapan na maliligo raw kami sa Tuburan Resort bukas habang lahat kami ay lumalamon ng mangga sa labas. Sa una, nabigla lang talaga kami nang pinangunahan yun ni Ate Ema ngunit wala namang may tumutol kaya ayun, todo handa na kami kaagad.
Kinagabihan, bigla ako nilapitan ni Ben at inutusan akong imbitahan raw si Jayse. Nalaman kong halos sila ni Rina, Maeriel at Ruby ang nag-aaya sa kanya na sumama ayon dun sa'ming GC pero hindi pa siya naka-oo. Kinonsensya pa tuloy ako ng pesteng kapatid ko na magtatampo raw talaga si Jayse kung hindi ko siya i-invite samantalang pinakain niya naman kami nung piyesta nun sa kanila. Sa totoo lang ah? Hindi ko naman talaga intensyon na wag siyang imbitahin dahil sa ayoko, inisip ko lang na baka kung aayain ko siya pero wala rin pala siyang planong sumama, edi mapapahiya lang ako kung ganun. Besides, sila na yung nag-yaya sa kanya ah, kaya bakit kelangang ako pa talaga?
Psh, bahala na nga.
"Oy, sama ka samin bukas sa Tuburan?" Chat ko sa kanya. Tinanong ko na rin kung may gagawin ba siya ng kung ano bukas pero wala naman daw.
Nakahanda na ang lahat ng gamit pero ako naman itong kanina pang hindi mapakali. Kainis kasi! Inutusan pa talaga ni mommy si Ben na papuntahin dito si Jayse sa bahay! Hindi maipaliwanag yung mukha ko sa mga oras na yun pero dinahilan naman ni mommy na nangangailangan lang kasi niya ng tulong kaya ayun, papunta na raw. Pakiramdam ko, napilitan lang talaga ang isang yun um-oo.
Patakbo akong lumabas nang masilayan ko siyang papasok na ng bahay. Hindi ko alam kung anong gagawin kaya pinapasok ko lang siya sa loob. Hanggang ngiti lang talaga ang kaya naming ibigay sa ngayon kasi ewan ko lang, nahihiya lang guro kami pareho. Lalo na kung ito yung unang beses niyang makapunta sa bahay.
*
Umuwi kami sa kanya-kanyang bahay na may mga dalang sakit. Marahil ay dahil ito sa lamig kung kaya halos kaming lahat ay sinipon na at inubo. Napaos pa nga ako eh.
Hindi ko lang alam kung anong pumasok sa kokote ni mommy kung ba't bigla na lang siya bumalik sa pagka-teenager. Chat na siya ng chat sa GC naming mag-grupo na pati si Jayse ay kasama rin dun. May sinend si mommy ng isang pic kung saan ay magkasama kaming dal'wa ni Ruby kaya reklamo ko ang unang natanggap niya.
"Ang ganda nila oh." Yun yung ni-comment ni Jayse. Magkakatabi lang talaga kami nakaupo ni mommy nun habang nagcha-chat HAHA. Todo tawa lang kami nang pinagtutulungan namin sa pangungulit si Jayse.
"Bebeh ko yan Jay, love mo ba?" -mommy. Napaismid ako, tss. Bebeh talaga? Medyo matagal pa bago siya ulit nakapagreply pero ang reply niyang yun ang nakapagtikom sa bibig ko nang tumambad sa harapan ko yung sagot na inaasam ko.
"Oo tita."
~
April 16, pinlano ni mommy na mamasyal sa tuktok ng bukid kung saan matatagpuan ang God the Father Shrine. Dun na rin kami nagkita-kita mismo sa may court dahil nagpasya pa kaming manood ng basketball.
~
POTEK! Parang gusto nang bumigay ng mga tuhod ko sa sobrang pagod huhu! Akalain mong mga 340 plus steps talaga ang dapat mong aakyatin bago ka pa makarating dun, jusko.
"Oh sige sige! Magpicture kayong dal'wa, dun kayo pumwesto!" -Rina at pinagtutulakan na kaming dal'wa ni Jayse. Kaagad naman akong umangal kasi ayokong magpa-picture kapag gan'to yung lagay ko noh!
"Bilisan mo na kasi Kly." Napaatras ako nang narinig ko si Jayse. At hindi ko lang alam kung bakit nakatayo na ako ngayon, katabi siya at pilit na ngumingiti habang nakatingin sa camera. Pero hay ewan, habang ni isa-isa kong tiningnan yung kinuhanan ni Rina, ni isa wala akong may nagustuhan. Puro epic yung mga itsura namin. Masilaw kasi sa mga oras na yun at malapit nang mag-sun down kaya puro kami nakapikit sa picture.
"Kly, kaya mo bang akyatin dun?" Biglang tanong ni Jayse sabay itinuro ang isang bangin na may napakagandang view. Bumaling ulit ako sa kanya at napansing tinatabunan ng buhok niya ang kanyang mga mata dahil sa malakas na ihip ng hangin. "Kaya mo naman diba?"
Tumango ako, ayokong ipakitang isa akong lampa.
"O-oy teka! Sigurado ka ba?" Ulit niya at pinigilan ako."Oo nga, malakas kaya to." Pag-aassure ko sa kanya at dahan-dahan nang umakyat pababa.
Shocks, ang hirap naman pala dito. Kinakabahan ako sa kung anong mangyari kasi pano na lang kaya kung madulas ka? Edi patay ka? Shemayyyy.
Nagulat na lang ako nang naramdaman kong may humihila sa backpack ko para alalayan ako. At sa pagkakataong yun, alam kong si Jayse yun. Pano ko nalaman? Eh kasi yung pesteng mga pinsan ko ay pinagtutulungan pa kaming dal'wa sa pang-aasar. Pinapanood pala kami. Pambihira, di naman kami TV noh. Ugh.
Hindi naman kami tumagal sa pagpapakahirap. Sa wakas ay naabot na rin namin ang dulo ng bangin at kaasar! Ang ganda ng view. Parang gusto ko na tuloy magpatayo kaagad ng bahay at dito na tumuloy, HAHA.
"Dwin! Picturan mo naman kami oh." Pabor ni Jayse kay Dwin na sumunod din pala samin. Nakailang shots na yung nakuha ni Dwin nang biglang sumigaw si Rina mula sa itaas, "Akbay nga diyan Jayse!"
Napahinto ako at tahimik na minura si Rina sa isip ko. Nanahimik ako rito eh!
Panandalian akong napasulyap kay Jayse at nahahalata kong naiilang din siya kagaya ko. Ngunit nabigla na lang ako nang lumingon siya sakin.
"Ayos lang ba sayo?"
Teka— ANO?
Nagpapaalam siyang akbayan ako?!
A-akala ko, di niya na to seseryosohin eh! Whooo, kalma lang Kly. Akbay lang naman sus! Maliit na bagay.
Huminga ako ng malalim at—
"Oh sige."
Pagkatapos ay naramdaman ko na yung bigat ng kanyang braso na dumapo sa likod ko.
*click!