3

4 1 0
                                    

Tutok na ako ngayon sa pagstudy, medyo mahirap na kasi ang subject na kukunin namin ng test bukas kaya aja! Isantabi ko na muna si Jayse at magpokus.

"Musta?"

Napaub-ob na lang ako sa upuan. Hayst, sabi ko na ngang magpokus na ko eh! Ang kulit niya naman. Kanina, napapanis na ako sa pang-aasar ng dalawang best friends ko sa kanya, hindi ba siya naaawa sakin? Huhu. Tingnan mo ngayon, panibagong tukso na naman ang naisip nila para kulitin ako. Pinagtutulungan pa ako sa GC namin oh! Ba't ko pa kasi naikuwento sa kanila ang tungkol dito? Hays, stress is real.

"Heto, nagbabasa." Sagot ko at balik ulit sa pagbabasa. Kainis naman, di ko na naman mapigilan kamay ko sa pagta-type.

"Ay sorry... Kung tapos ka nang magbasa, tawag ulit tayo?" Nangingiti niyang suggest.

Hindi muna ako nagreply at tinapos ang ginagawa ko. Mabuti nga lang, napag-aralan ko naman to kanina kaya review lang talaga ang kailangan.

Ilang minuto lang ang nagdaan, natapos ko na rin basahin ang lahat na  sa palagay ko ay lalabas. At dahil wala rin ako sa katinuan, pinaalam ko sa kanya na tapos na ko.

"Alam mo ba, nakita kita nun sa Tuburan." Biglaang sambit niya na nagpalaki ng mata ko. Buti nga lang voice call lang kami ngayon kasi nagbabasa pa ako kaya hindi niya makikita kung gaano ako na-shock sa sinabi niya. Nandun pala siya?

"Talaga? Kelan?"

"Nung outing namin ng mga naglyre at saka drums. Ang kinanta mo pa nga nun ay... ano nga ulit yun? S-spark Flies?" Hula niya. Napatawa naman ako dun. Kaya Kahit alam ko, di ko pa rin sinabi. Sinakyan ko pa nga siya eh, haha! Kunwaring nakalimutan ko na rin.

"Ehh, mukhang alam mo naman yun kung ano eh! S-sparks Fly nga ba yun? Parang Sparks Fly talaga yun eh, ayaw mo lang sabihin." 

"Eh kung try mo kayang i-search?" Sarcastic kong sabi.

"Ay oo nga noh?" Mukhang natauhan naman siya sa suggestion ko at sinunod nga yun. Binasa niya yung lyrics at nagtanong kung yun nga ba yung kanta, imbis na sumagot, hindi ako umimik. At mukhang natugma niya na nga yun.

"Ang ganda kaya ng boses mo nun, Parang angel. Napatulala talaga ako habang kinakanta mo yun." Puri niya. Di pa rin ako sumasagot. Di ko naman alam kung anong isasagot ko, subalit napapangiti na lang ako na parang shunga.

"Alam mo ba yung kantang Sundo?" Pagbubukas niya. Napaisip naman ako.

"Pamilyar... Sino ang nagkanta?" Tanong ko at sinearch yun.

"Si Moira yun, try mong kantahin."

"Ha? 'Di ko alam tono niyan eh. Sige ba, sampolan mo nga ko." Natatawa kong tugon. Mabilis naman siyang napa-oo na siyang ikinabilib ko. Wow ha, di ata uso sa kanya ang salitang hiya noh?

Umpisa na siyang kumanta at shocks! Huhu, parang baliw na talaga ako dito na nag-iisang nagbubungisngis na walang kadahilanan. Gahd, nafi-feel ko na ang init na dumadaloy sa pisngi ko. Di ko keri tohh!

~Para hanapin, para hanapin ka🎶
Nilibot ang distrito ng iyong lumbay🎶
Pupulutin, pupulutin ka🎶

Parang sa mga oras na yun, parang pakiramdam ko ako yung kinakantahan niya. Para kasing nadadala ako sa boses niya na kahit hindi mo naman masasabing magaling talaga siyang kumanta, mararamdaman mo ito na galing talaga sa puso. Anuba! Nagiging korni na ako.

Sa sobrang absorb ko sa kanta, hindi ko na namamalayang kinakausap niya na pala ako! Shocks!

"Ha?" Nawiwindang sagot ko.

"Sabi ko, ikaw na. Alam mo naman diba yung tono?"

What the? Pakakantahin niya nga talaga ako! Dinahilan ko na lang na madami akong kasama kaya baka makakaistorbo pa ako sa kanila, pagalitan pa ako ni Miss Amelia, yung dorm mistress. Kaso pinipilit niya pa rin ako eh, sinasabi niyang wala rin naman yun tapos hinaan ko lang raw. Eh dito kapag magbulong ka nga lang, rinig na ng lahat eh! I know, ganun katahimik dito tuwing examination days.

Pero hayst... mapilit talaga siya kaya ayun, kumanta na lang ako. Di pa ako nakaabot sa kalagitnaan ng kanta, hindi ko na napigilang tumawa. Halata naman kasing todo pigil siya sa pagtatawa eh. Pero sa totoo niyan, mangingiyak-ngiyak na ako, dinaan ko lang sa pagtatawa. Ewan ko nga sa sarili ko! Nadala lang ata ako sa damdamin ko, lalo na nung kumanta siya. First time lang kasi ako kinantahan ng ganun eh—Ugh, baket ba ako nagkakaganto? Mabilis kong pinunasan yung namumuong luha sa mga mata ko.

"Sige Kly, tutulog na pala kami. Bukas naman ulit." Paalam niya, at in-end na yung call. Alam kong nakangiti siya nun habang sinasabi yun.

Hayyy... Ano na bang nangyayari saken? Sinampal-sampal ko yung sarili ko.

"Oy oy! Anong nangyari sa'yo, Kly? Ba't ang pula ng mata mo haaa?" Takang tanong ni Ate Cris, roommate ko. Kaagad naman ako napaharap sa likuran ko, kahit kelan ang ingay-ingay talaga ng bunganga ng babaeng to. 

"Wala." Tipid kong sagot.

"Sabihin mo na kasiiiii!" Pamimilit niya pa. Napabuntong hininga na lang ako. Halata namang ayaw neto ako tantanan pagdating sa mga ganto kaya ayun, kinwento ko na rin ang tungkol kay Jayse.

MY FIRSTS'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon