Sa mga sumusunod na araw, parang ang bilis lang ng mga pangyayari. Masyadong magulo, hindi ko na nga rin maintindihan eh. Bakit ba kasi ang gulo-gulo ng mga lalaki? Ano? Pagkatapos niya akong niyaya nung Feb. 14 at nilibre ko siya ng fries, ni hindi lang man siya magpaparamdam? Walangya! Ugh!
Naubusan na talaga ako ng gana ngayong araw. Bihira na lang siya makapagsasagot sa message ko pero ang kapal niya talaga na umunang bumati. Isa pa, antagal niya magreply huh, samantalang ako palaging nag-oonline para lang abangan siya! Nakakainis lang, hindi ko tuloy maiwasang mag-assume na baka may iba pa siyang nakaka-chat, o baka boring lang talaga akong kausap kaya ganun. Psh! Ni isang beses, hindi talaga ako nagtangkang naunang nag-chat kasi baka isipin niya pang interesado na ako sa kanya kaya i-take advantage niya yun at paglalaruan niya pa ako ganun kaya bahala siya. Ang swerte niya lang ata kapag ako mauuna noh? Asa.
Umuwi ako sa sumunod na weekend dala-dala 'tong pakiramdam. Tumakas pa ako ng school at nilihim sa parents ko ang pag-uwi ko kasi alam kong di nila ako papayagan kasi absent na naman daw at importante yung attendance chu chu. Kaya nga nag-plano akong dun ko na sana mismo sasabihin pagnakarating na akong terminal para wala nang bawian. Alam ko, ang pasaway ko ngang bata pero wala na akong pake, lalo na sa Jayse na yun na paasa! Nagsinungaling pa ako pero nahuli ako ni daddy kaya ayun, as expected, napagalitan.
Nung gabi sa Balusbos, di ko na maiwasang itago pa tong bumabagabag sakin. Sinabi ko yung sitwasyon kay Ate Ema at nakatulong din siya kahit papano at napagaan niya rin yung loob ko. Ang tumatak lang talaga sa ulo kong pinayo niya sakin ay; "kahit anong mangyari, dapat magiging ayos ka lang kahit mawala pa siya sa'yo. Nabuhay ka nga noon nung hindi pa siya umeksena eh, kung mawala pa kaya siya? Dapat di lang puro puso yung pinapairal kundi utak na rin."
Pati rin sa mga matalik kong kaibigan eh humingi ako ng advice. Sobra pa kasi akong nagdududa sa nararamdaman niya para sakin eh. Parang puro na lang siya salita ngunit hindi niya naman pinapatunayan.
"Pabayaan mo na lang siya. Lalapit yan kung talagang may gusto siya sayo. Masmabuti kung bigyan mo lang siya ng konting panahon para makapag-ipon ng lakas." Yun yung sinabi ni mommy kung kaya't huminahon na lang ako. Ugh.
"Eto na lang Ate," Napatingin ako sa pinsan kong si Rina nung bigla siyang nagsalita. "Hihingi tayo ng sign na kapag magchat si Jayse ngayong gabi o bukas, ibig sabihin may gusto pa rin siya sayo." At ngumiti pa siya na tipong nang-aasar. Kaloka talaga tong babaeng to kahit kelan. Pero hindi na muna ako nag-asa muli.
11:30 na ng gabi at nun lang kami nakauwi ng bahay. Chinarge ko agad yung lowbat kong phone pero napatigil ako nang meron akong natanggap na notification. Kumaripas ako pabalik kung saan naka-charge yung phone ko at nakitang... galing nga yun kay Jayse!
"Bukas na uwi namin Kly😇"
Yan yung sabi.OMY GASH! Meaning... meaning meron pa?!
And ulit, kahit ayaw ko man, naniwala na naman ako.
Hanggang sa nung malapit na ang aming bakasyon, nasa in good terms naman kami ni Jayse. Pero napapansin ko lang na bihira na lang siyang mag-communicate sakin umpisa nung umuwi na siya. Hindi ko na yun inintindi at baka busy lang siya masyado kasi isang buwan talaga siyang hindi naka-attend ng klase dahil nga nasa laro pa siya nun. Marami na ring lessons ang dapat niyang ika-catch up.
Half day lang kami at bukas na yung last day of quarter exams namin kaya lahat kami ay nakahiga sa kanya-kanyang kwarto pero imibis na magpahinga, chat pa rin yung inaatupag ko.
Bigla siyang nag-send ng pic, tiningnan ko yun at... ang pasaway tong lalaking to ah! Chat ng chat sakin pero may klase pala? Nag-selfie pa ang asungot, hay nako.
Dumating ang araw na natapos na ang last day of exams. Freedom! Masayang-masaya kami para sa sarili namin dahil sa wakas na-survive din yung buhay grade 9 kung saan puro drama lang ang nangyayari lalo na pagdating sa mga kaibigan namin na ngayon ay nang-iwan at maspiniling pagtaksilan kami. Wow grabe, pagtaksilan talaga? Pero parang ganun pa rin yun.
Nasa hotel ako nun at feeling ko, medyo nalo-lonely ako dahil wala pa akong natatanggap na message galing sa kanya. Nilibang ko lang muna yung sarili ko sa pag-scroll down ng news feed dun sa fb nang may natuklasan akong hindi kaaya-aya. Parang bigla na lang bumigat yung dibdib ko at di ko halos maalis-alis yung mga mata kong nakatitig sa larawang tumambad sakin.
Ito rin yung picture na ni-my day niya nung isang araw na sinend sakin nung bestfriend ko ngunit binalewala ko lang. Yun din yung oras kung saan pinagbintangan ko siya nun na two-timer at sa oras na yun, dun din ulit ako nagsimulang mag-doubt sa kinikilos niya pero hindi ko lang talaga pinansin dahil patuloy pa naman siyang nag-uusap sakin saka inisip ko na baka kaibigan niya lang...
Pero iba na ngayon eh.
Nakasakay silang dal'wa sa bus, magkatabi at parang masasabi mo talagang close na close sila sa paraan na pagkuha sa kanila.
Naka-move on na ako dito eh... Ba't niya pa ba kailangang klaruhin na may iba na pala siya? At ginawa niya pang profile huh. Ang sabi niya crush niya ako? Kaya bakit? Ano to? Tripping? Tsk.
Siguro nga hanggang crush niya lang ako at siguro yung babaeng yan talaga ang gusto niya. Akalain mong sa mahabang oras na sinayang ko, sa mahabang oras sa panggagastos para lang maka-unli, sa mahabang oras na paghihintay ko, ginawa niya lang akong tanga? Nakakatuwa. Ganun lang pala ang tingin niya sakin? Rebound? Libangan? Eh putcha niya pala eh!
At alam niyo yung masmasakit? ANG DAMI PANG NATANGGAP NIYANG LIKES SA PUTCHANG PROFILE NIYANG YUN!
Aba lang huh, masmasaya niya pang ipinagmamalaki tong profile niyang to sa mga "friends" niya. Nakalagay pa sa caption na "as requested" pero may nalalaman pa siyang emojie na papuso-puso! Pakunwari pang requested eh baka sinadya niya lang talaga! Palibhasa eh ang yabang.
Di ko na napigilang maghikbi. Hindi niya dapat deserve yung mga luha ko eh... kaya tumahan ka na, Kly! Nag-message ako sa isang best friend kong alam yung tungkol samin ni Jayse. Nung tinignan ko kasi kung sino-sino yung mga nag-like dun, nakita ko yung pangalan niya! Walangya nga eh, at best friend ko pa, huhu.
Typing pa lang ako nun nang kaagad niya na ako inunahan.
"So Kly, meron pala siyang iba eh. Mukhang pinag-isahan ka lang niya." Ansabi ni Margaret. Parang maslalo lang talaga uminit yung ulo ko at malakas na nagpindot sa keypad ng phone sa ire-reply ko.
Medyo nahimasmasan naman ako ng konti sa mga advices niya and everything. Ta's nag-suggest siya na kung pwede i-cut off ko raw lahat ng connections naming dal'wa pero hindi ko ginawa. Hindi ko kayang gawin yun. Alam ko, sasaktan ko lang yung sarili ko ngunit... Ako kasi kapag once na alam kong magpapaalam na ako sa taong yun lalo na't naging parte rin siya sa buhay ko, masgugustuhin ko pang ibaon na lang ang mga bagay na minsan ay napagkasunduan naming gawin kahit nakadudulot man ito ng mga masasamang alaala.
