Bukas ng umaga, Sira na't lahat ang summer ko, di ko inaasahang meron pa pala siyang lakas na loob na mag-good morning sakin. So ano ako, bulag para hindi makita yung post nyang yun? Psh!
"Astig ng DP mo ah, girlfriend mo?" Di ko na napigilang magtanong saka nilagyan ng smiley na emojie. Ayokong mahalata niyang affected ako.
Dineny niya kaagad yun at in-explain na best friend niya lang daw sa WVRAA si gurl at ni-request lang naman nung pinsan niya na i-profile niya raw. Napataas yung kaliwang kilay ko. Aba? Pwede naman niyang itanggi yun ah, pero ginawa niya pa rin.
Eh di wow.
Hindi ko na lang ginawa pa tong issue at baka isipin niya pang nagseselos ako kahit totoo naman—ah este, hindi. Bakit naman ako magseselos diba? Wala akong dapat ikaselos, kaya kahit ganun, kinakausap ko pa rin siya para hindi niya iisiping naapektuhan ako sa ginawa niya... sinadya pa yun o hindi.
Tuwing dumadaan kami sa bahay nila, parati na lang akong kinakabahan at umaasang makita niya ako, pero hindi naman nangyayari. Tapos every time na papunta at pauwi kami galing simbahan, tinatanaw ko yung bahay nila, nagbabasakaling makikita ko siya muli ngunit, sad to say, hindi lang talaga naaayon ang panahon sakin. Psh, bakit ko naman kasi siya hinahanap? Bahala nga siya kung ayaw niya magpakita.
Pumunta pa nga ako nun sa paaralan nila eh. Isinama ako ng pinsan ko, akala ko makikita ko siya dun pero wala rin. Pero nung dumating na kami kasama ng pinsan ko sa Balusbos para tumambay, dun pa talaga namin siya makikita. Napatalikod talaga ako nun pero may dumating na malas at pinagpipilitan ako ng aking kapatid na bumili ng halo-halo. Ayaw ko nga noh! Eh nandun nga sila nakatambay ngayon tas isasama niya pa ako? Tanga lang ang gagawa nun.
Pero sa hindi ko nalamang pagkakataon, nakita niya ako... Nakita nga ako ni Jayse ngunit ni hindi niya man lang yun pinahalagahan.
Semana Santa kaya karamihan ay dapat magsimba sa pagkamatay ni Hesus. Papasok na kami ng simbahan nun kasama ng kapatid ko nang nakita na naman namin sina Jayse. Ewan ko nga pero naiinis ako. Para kasing nagiging cold na ang pakikitungo niya sakin sa mga nakaraang araw, di ko man alam kung bakit.
Dumaan kami sa tapat nila at alam kong nakita niya talaga kami nun. Ini-expect ko na sana ay pansinin niya man kami o ano pero wala. WALA. Kaya parang na-bad trip na din ako ng tuluyan dun.
April 4 at nagpumilit si Rina na mag-attend daw kami ng graduation ng Malay National. Bale ang nandun lang ay yung mga estudyanteng merong award. Si Vin, Rina at si France ay dun din nag-aaral kaso lang wala silang may natanggap so hindi sila kasali dun. Pero ewan ko ba kung ba't gusto talaga nilang manood. Pumayag na lang ako kasi unang-una, nandun si Ruby at nakatanggap siya ng high awards kaya siya lang ang tanging dahilan na pupunta ako dun at wala nang iba! WALA! Kahit graduation man ngayon nung Jayse na yun kasi grade 10 siya at meron siyang award ayon kay Rina, si Ruby lang ang rason kung kaya ako a-attend!
Nakarating na nga kami dun at whoo! Nag-uumpisa na namang umandar yung kaba ko. Baka malay mo, diyan lang pala siya sa tabi-tabi at makita pa ako, iisipin niya pang pumunta ako dito para lang sa kanya, psh! Ang feeler niya naman ata pag ganun. Ang masama pa, alam niyang pupunta kami dito.
Nagpupumilit kaming dal'wa ni Rina na dito lang ako sa likod kasi nga nakita ko SIYA! Sabi pa nga eh. Huhu. Sobra man ang pagkumbinsi nila sakin na wala rin naman yan pero ayaw ko talaga. Marami pang estudyante yung nakatingin sakin sa mga oras na yun simula nung papasok pa lang kami ng court, ewan ko nga kung bakit eh.
Todo tago yung ginawa ko para lang hindi niya ako makita at sa huli nakita ko yung tito kong nag-attend din. Nandun siya malapit sa may babaan ng stage kaya pumunta na lang kami at dun na pumwesto.
Kinulbit ako ng isa ko pang pinsan na si Dwin at nagbulong na kanina pa raw tumitingin si Jayse sakin. Napa-ows naman ako at di sana maniwala ngunit nag-agree rin si Rina kay Dwin. Kanina ko na rin napapansing palagi na lang si Jayse yung pumupunta sa harap ng stage at kumukuha ng picture sa mga kasamahan niya tuwing aakyat sila eh. Hmp, baka sinasadya niya talaga yun para makita ko, psh! Tapos teka, nakipagpalitan ba siya ng upuan? Bakit sa may bandang gilid na siya ngayon eh nasa kalagitnaan naman siyang nakaupo nun. Hayst, kitang-kita ko pa siya tuloy at ganun din siya samin.
Kinukulit ko si Rina nun na magpa-picture siya sa kanyang crush. Tinulungan ko na lang kasi kanina pa tong di mapakali dahil gustong-gusto talaga nitong magpa-picture kasama dun. Ako na yung nagsilbing photographer para sa kanila. Haha, Inasar ko pa siya pagkatapos. Pero napahinto ako nung sinabi niya sakin na babawi daw siya at pa-picture din daw kami ni Jayse. Psh! Ayoko nga noh! As if totohanin niya talaga yun.
Sa oras na tinawag na yung pangalan niya at umakyat na siya ng stage, parang bigla na lang ako naging hindi komportable. Para kasing may epekto pa rin yung pangalan niya pagdating sakin. Nagpaka-busy na lang ako sa paglalaro ng phone ko nang nakita kong lumapit si Rina sa may exit nung stage kung saan sila bumababa!
WHAT THE?!
ANO SA TINGIN NIYA ANG GINAGAWA NIYA?!
Kaagad kong binigyan si Rina ng 'anong-ginagawa-mo' look pero sumenyas lang siya na magpicture daw kami. Waaah! Hindi niya ba naisip na nasa harapan kami kung saan yung buong levels ay talagang makakakita samin?! Rina naman eh!
Napabaling ako kay Jayse na ngayon ay halatang hiyang-hiya na pumunta sa pwesto namin. Walang reaction ko siyang tinignan pero matipid niya akong nginingitian. Huhu, kahit hindi pa ako lilingon, halatang nasa amin na ngayon ang atensyon nilang lahat eh! Lalo na't sa mga babaeng may gusto sa kanya!
Sapilitan na ako bumaba kasi ayaw ko nang patagalin pa ito. Pinakiusapan ko si Rina na kung pwedeng bilisan na niya kaming picturan para matapos na tong kahihiyaang to, huhu.
"Lumapit ka pa ng konti, Ate. Para atang lumalayo ka sa kanya eh." Reklamo ni Rina. Wala na akong magawa kundi sumunod at umangal. Wala na akong pake kung magmumukha na akong ewan dun dahil sapilitan lang ako ngumiti.
Pagkatapos na pagkatapos naming mag-picture, mabilis pa ako sa kidlat na umalis dun at dumaan sa likod.
"Kainis ka talaga Rina, alam mo yun? Sinabi ko na ngang ayoko, pero inabangan mo pa talaga siya dun!" Pabulong kong sigaw pero parang wala lang siya may narinig.
"Ang dami talagang nakatitig sa inyo kanina, Ate haha. Nagseselos na ata mga yun." Ngumiti pa siya. Nag-flash back na naman yung pangyayaring yun sa isip ko at napataklob na lamang ako ng mukha.
UGHHHHH.
