Hinihingi raw ni Jayse yung picture namin.
Okay, eh ano naman? Ba't ngumingiti naman ako? Psh, pero di pa rin naglalaho yung tampo ko sa kanya huh. Hanggang ngayon, hindi niya pa kasi pinapalitan yung DP niya... ganun pa din. Kahit ilang beses niya pang sinasabi kay Rina na ako pa rin yung gusto niya, hindi ko pa din yun pinapaabot sakin.
Maya-maya, nagplano kami ni Rina na utusin siyang palitan yung DP niya for 2 months, hindi ko naman inakalang papayag siya kaagad. Pero bago pa niyang gawin yun, nagpaalam siya sakin na kung pwedeng gawin niyang profile yung pic namin. Hindi naman ako nagpahalatang kami yung nasa likod nito at sinabing ayos lang.
Salo-salo sa bahay nila Ruby kaya dun na kami naghapunan. As in, good mood na good mood ako nun, ngunit naglaho yun nang nagulat ako sa pinakita ni Ruby sakin sa laptop niya.
Ni-profile nga ni Jayse yung pic namin, ngunit hindi ko nagawang maging masaya dahil sa caption niya na talagang umagaw sa atensyon ko. Para kasing ang pinapatama niya rito eh parang ako pa mismo yung humahabol sa kanya tapos pinilit lang talaga siya na gawing profile ito. Bigla tuloy ako nainis at ang lala pa, nalaman pa ng tito at tita ko ang pinagkakaguluhan namin. Nagalit tuloy kaming lahat sa kanya. Seryoso, Kailangan niya pa talagang lagyan ng #pinilit eh noh?!
Pagdating sa bahay, sinalubong kaagad ako ni mommy at sinermonan dahil din dun. Maaari raw kasing makasisira ito sa pangalan namin na pinakaiingatan nila at ang masama pa, pinagmukha pa ako na ako pa yung may gusto sa kanya kaya ayun.
Tinignan ko na rin yun at napanga-nga lang ako sa daming may nag-comment at halos lahat ay galing sa mga kaibigan ko. Dalawang oras pa nga lang ang nakakalipas, madami na yung nag-like. Kung tutuusin, parang nagmukha na rin si Jayse na playboy kasi sa una niyang DP, ibang babae ang nandun tapos ngayon, ako naman. Shocks.
Nakita ko rin na nag-comment yung babaeng kasama niya sa bus at shemay, mukha ngang nagselos.
"Ang bilis noh?" Ito yung ni-comment niya. Nakita kong nagreply si Jayse ng: "requested lang nga." Ta's nagreply din yung babae ng: "Pero requested din yung satin nun ah." At wala nang kasunod dun. So ibig sabihin ayaw niyang ipaalam sa babaeng yun na kagustuhan niya naman ito? Kaya ganun yung reply niya? Ugh.
Sorry siya ng sorry sa gabing yun. Sinabi ko sa kanyang ayos lang basta sa susunod eh pag-isipan na lang muna ng mabuti ang ilalagay na caption. Nagtaka ako nung pinalitan niya yung DP niya at nalaman kong si Rina pala yung nag-utos.
Naka-move on naman kami dun, in-advice nga lang ako ni mommy na wag na lang daw muna ako masyadong magtiwala at baka ako lang yung masasaktan sa huli.
April 6
Merong Liga yung brgy. Poblacion kasi malapit nang piyesta nito. Inaya kami ni Jayse na manood sa laban nila kaya kami-kami nila Rina at Vin yung nandun para manood. Sumama pa nga si mommy nun, siya na rin yung mismong nag drive samin papunta sa court.
Pag-abot namin dun, hindi ko mapigilang mapatawa. Mygad! Eh kasi para siyang batang natatarantang hindi alam kung saan pupunta! Pero uhm... no comment na lang muna ako, hehe. Pero shocks, parang gusto ko talagang umalis sa pwesto ko huhu. Napakaingay ng mga pinsan ko pakshet! Nakakaagaw talaga ng pansin! Dapat nandun na lang kasi ako tumabi kay mommy eh. Nakatutok pa naman lahat ng mga mata samin.
Sigaw ng sigaw sila sa pangalan ni Jayse kaya hiyang hiya talaga ako. Dapat sana lahat na lang ng players ang kanilang chini-cheer para di naman obvious! ugh. Sinuway ko nga sila pero parang di nila ako naririnig huhu.
Tahimik lang akong nanonood nang matuklasan ko yung ex-crush ko na bago lang pinapasok! Whut the. So magka-team pala sila ni Jayse? Wow, parang feeling ko ako yung pinaglalabanan nila ah, haha.
Natapos yung laro at nanlumo talaga kaming lahat. Maging sina Rina at kapatid ko eh napagod na ata mag-cheer. Ang layo na nung agwat nung score ng kalaban, at sina Jayse ay unti-unti na rin nawawalan ng pag-asa. Hindi na kami nagtaka nung natalo sila kasi as expected naman eh. Akala pa nga namin nun lalapitan man lang kami ni Jayse para kamustahin pero ni hindi talaga siya nagpakita.
Nakaka-disappointing.
"Bhe, ba't hindi lang man kayo nilapitan ni Jayse?" Tanong ni mommy pagkaakyat namin ng kotse.
Nakasimangot na lang akong sumagot, "Pabayaan mo na, mhe."
Pagdating namin sa bahay, in-announce kaagad ng kapatid ko na natalo yung team. Napagdesisyon kong tumambay na lang muna sa may trampoline at nakitang nag-message siya.
"Salamat sa pagpunta niyo Kly ah. Ang sarap lang pakinggan ng mga cheers niyo kanina haha. Parang biglang lumakas yung loob ko dahil dun." Sabi niya.
At pagkatapos nun, naging magaan muli yung loob ko.
