14

2 1 0
                                    

Tumakas kami ni mommy mula kay daddy. Akalain niyo yun? HAHA!

Napagdesisyon namin na mag attend ng isa pang event, nakalimutan ko yung pangalan basta isang event, na like may tutugtog na banda at may gaganapin na sayawan.

Magaan lang sa pakiramdam. In good terms na naman muli sina Jayse at Rina. Kainis nga, parati na lang ako yung kumikilos. Tingnan mo, nang dahil lang naman sakin kung kaya nagkabati na silang dal'wa eh. Kung alam niya lang talaga yung pinagdaanan ko... Kung alam niya lang yung paghihirap ko para lang baguhin yung negatibong pananaw ni Rina sa kanya! Hindi ko nga alam kung ba't bigla na lang ako nun napaiyak habang pilit kong kinukumbinsi si Rina na patawarin si Jayse. Ayoko kasi na kapag ako ay bibigyan ng pagkakataong sumaya, meron mang tututol. Gusto ko lahat peace na!

Nung tumambay ako sa Balusbos, parang yung tanging ipinunta ko lang dun ay ipagmukha sa kanya na karapat-dapat talaga si Jayse ng second chance. Ang bigo ko ngang tingnan nun na tilang lutang sa paligid HAHA.

Ganito kasi yun.

Unang una, papunta kami nun ni Rina ng fishball-an para magfood trip nang hindi ko inasahang maabutan pa namin yung crush ko dati na kasalukuyang bumibili rin sa tindahan. Pero hindi ko lang maintindihan sarili ko sa araw na yun eh. Kahit sa palagi ko sinasabi sa sarili ko na hindi ko na siya gusto, paulit ulit pa rin bumabalik tong feeling na ang hirap ma-explain. Nainis ako dahil dun. Sabi ko nga sa sarili ko na move on na ako eh kaya ba't nararamdaman ko pa yun? Psh, May problema pa nga ako, nakisali pa siya.

Anyway, humakbang na siya papalayo at hindi ko maiwasang sundan pa siya ng tingin. Tapos nung tuluyan na siyang naglaho, dun na ulit ako bumalik sa reyalidad at pinagdadabog na si Rina pero mukhang pinagtitripan niya lang ata ako na makitang ganito eh. Na nakasimangot at malapit nang maiyak sa sobrang inis. Hindi niya kasi nun sineseryoso lahat.

Nakatingin lang ako sa kalsada dahil nasawa na ako sa pagmumukha ng babaeng yun. Pocha nya. Ayoko nang dagdagan ang pagkamainitin ng ulo ko nun at baka di ko na kayang makontrol pa. Pero ang sunod na pangyayari ang hindi ko talaga inasahan.

Ang gulo ng tadhana noh?

Kung kelan na siya pa yung mismong topic namin nun, dun din siya bigla-bigla na lang sumusulpot.

Parehong nanlaki yung mga mata naming dal'wa sa oras na tumama yung mga tingin namin. Sakay niya yung bike niya papunta sa kabilang direksyon pero hindi ko lang alam kung ba't huminto pa siya na tipong nagdadalawang-isip pero nag U-turn at dumiretso rin pagkatapos. Psh! Dahil siguro sa nakita niya si Rina kaya napagdesisyon niyang lumayo na lang eh noh? Pocha niya rin.


Okay, back to reality.

Ayun nga, so nakatayo kami ni Jayse dito sa harap ng mga taong nagsasayawan. Minsan, nakikita ko yung mga kaklase ko sa dating school ko na dumadaan sa harap namin dahilan para mailang ako sa the fact na makita niya kaming magkasama. Alam kong hindi ko dapat to maramdaman dahil wala namang may namamagitan samin pero sadyang di ko lang talaga maiwasan. Saka isa pa, ewan ko ba pero parati ko na lang nakikita yung ex-crush ko! Kung saan nga nagmo-move on na ako sa kanya, dun pa siya nagpapakita. Kasama niya yung mga ibang altar servers habang palakad-lakad sila sa may unahan. Meron pa ngang oras nung nakaupo kaming tatlo ni Rina at Jayse sa may kilid, dumaan pa talaga sila sa harapan namin kaya napatitig ulit ako sa kanya kahit nasa tabi ko lang naman si Jayse.


May 1

Fiesta na ngayon sa Poblacion! Pero kainis talaga si mommy. Sabi ko nga na ayaw kong isuot tong ni-suggest niyang damit eh pero pilit naman ng pilit hanubayan! Kaya sa takot kong mapagalitan ulit, sumunod na lang ako sa kagustuhan niya pagkatapos at nagtungo na kami sa plaza.



MY FIRSTS'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon