Kinagabihan, hindi ko na talaga alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko sa mga oras na to. Sinasabi niya kasi lahat ng nararamdaman niya eh! Pano pa kaya ako makakasagot dun? Huhu.
"Dun na sana sa may bangin na kita mismong tatanungin kung pwede akong manligaw eh pero di naman ako makaka-timing kasi ang daming tao." Ang sabi niya na nagpahinto sa pagtakbo ng oras.
Bale may plano na pala siyang tanungin ako kanina? Wow.
Tumakbo ako kay mommy para humingi ng tulong. Mabuti nga't hindi natuloy ni Jayse yung balak niya kanina kaya magagawan ko pa ng back-up. Medyo wala pa kasi akong tiwala sa sarili ko lalo na't sa mga sitwasyong tulad nito, kaya kung sakaling magkakamali man ako ng kinilos, alam kong pagsisisihan ko talaga yun sa huli.
"Basta Jayse, kung ako liligawan. Masgusto ko pang nasa bahay lang." Ito yung inutos ni mommy sakin na i-reply ko raw sa kanya. Mabuti nga't sa gabing yun nauwi naman ang pag-uusap namin sa magandang lagay.
Dito na nagsimula ang sunod-sunod na pagdalaw ni Jayse sa'ming bahay. Sa una nga lang ay medyo pa ako nasanay na may mga kasama ako kapag nandyan siya kaya nang sa oras na to na sinolo namin ang isa't-isa, naiilang pa rin ako. Pero habang lumilipas ang mga araw, unti-unti na rin napapalapit ang loob naming dal'wa, pati na rin yung dalawang kapatid kong lalaki ay tinuturing na rin nila siyang kuya. Kaya in short, maayos naman.
Ang hindi ko lang talaga makakalimutan ay nung matapang niyang hinarap si Daddy at pinaalam na liligawan niya ako. Tawang-tawa talaga ako habang pinagmamasdan ko kung paano siya nanliit sa sobrang kahihiyaan. Naabutan pa siya ng gabi nun dahil sa haba ng sinabi ni Daddy sa kanya. Makikinig pa sana ako sa kanilang usapan ngunit ay sinirado naman nila ang sliding door sa may terrace, psh. Pero bago pa man tuluyang sinirado ang pinto, meron pa akong narinig mula kay Daddy.
"Meron ka na bang naka-relasyon noon?" Tanong niya. Nanlaki naman yung mata ko at napatingin kay Daddy. Seryoso naman yung mukha niyang nakatutok kay Jayse.
"Ah wala naman po." Sagot niya dahilan na nagpataas ng kilay ko. Maging si daddy ay hindi rin makapaniwala sa sagot niya pero pinili niya lang na wag na yun pag-usapan pa. Seryoso? Hindi ba't paulit-ulit na sinabi ni mommy sa kanya na ayaw ni Daddy ng sinungaling? Kaya ba't nagsinungaling pa din siya? Alam kong meron na siyang Ex at matagal na yun. Kaya ano namang rason niya at ba't hindi niya inamin?
"Ikaw na lang yung last na tatanungin ko bukas." Chat niya sakin. Nalito naman ako kasi hindi ko gets kung anong mini-mean niya nun, pero na-gets ko rin naman pagkatapos. Ako lang pala ang hindi pa napapayagang ligawan niya ako. Okay, so kelangan talagang sabihin? Walang suspense eh hanubayan. Huhu, hindi na naman ako makakatulog neto.
~
Ta's kinabukasan, nasa may trampoline kaming lahat tumambay. Inantay niyang umalis silang lahat hanggang sa tanging kami na lang dal'wa ang nandun. Nagulat ako nang bigla siyang tumabi sakin na may mga ngiti sa labi. Aba, mukhang ang ganda ng gising ng isang 'to ah. "Tatanungin na kita," Panimula niya.
Napaiwas naman ako ng tingin dahil ang sobrang lapit niya. Napahinga siya ng malalim at mukhang alam ko na kung ano ang sasabihin niya pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan.
"Pwede ba kitang ligawan, Kly?"
Halos nawindang ako at parang nawalan na ako ng kakayahang makapagsalita kahit alam ko namang tatanungin niya talaga to. Alanganin pa akong tumugon ng, "Alangan namang sasabihin kong hindi kung lahat naman sila pumapayag na diba." Mahina kong sagot.
"Ha? Ano ba yun? Hindi ko narinig!"
Pokerface ko lang siya tinignan. Bingi! Kainis. Nape-pressure na nga ako dito eh!
