Taong 2017, Mayo, malapit na lang at papasok na muli kami sa aming mga paaralan. Sa Iloilo ang lipad ko kasi dun na ako nag-aaral simula nung freshman pa lang samantalang sina insan at mga kapatid ko naman ay nandito. Birthday ng lolo ko ngayon which is papa ng pinsan kong si Ruby kaya sama-sama kaming magpamilya yung mismong nagse-celebrate dito sa Tuburan Resort. Ito yung napili nilang lugar kasi maliban sa bagong gawa lang 'to, marami pa yung dumadayo. Wala talaga ako sa mood nun mag-swimming dahil ewan ko nga, di ko lang bet ngayon eh... kahit na nakapang-swimming attire naman ako. Parang hindi ko lang kasi feel. Nandun lang talaga ako nakatambay sa cottage kung saan panay bigay sila ng ice cream sakin. Syempre, di ko naman matatanggian kasi naniniwala ako sa pamahiing masamang tumanggi sa grasya kaya ayun, sinusunod ko.
Andaming tao as in. Pero medyo ko namang natutukoy na karamihan sa kanila ay halos sa Malay National nag-aaral. Siguro outing lang talaga nila ngayon kaya andame nila. Di nagtagal, medyo naaantok na ako sa kakanood sa kanila. Niyaya ako ni Ruby na maligo at napapayag niya naman ako kaagad saka kami tumalon sa tubig. Wala talagang kapayapaan ang nasa paligid ko. merong kumakanta sa videoke sa may malaking cottage sa tapat ng cottage namin, may naghaharutan naman sa kilid ko, at meron din namang nagko-contest sa pabilisang paglangoy kaya ang resulta, para talagang squaters ang peg.
Heheks! Pero nakita ko naman yung crush ko! Nandito rin pala siya!
Namalayan ko lang nung lumingon ako sa gilid eh nakita ko siya pero di ko na yun pinatagal. Ayoko kasing may nakakahalata pa sa lihim ko, hehe. Besides, wala na rin naman akong paki, alam kong kahit kelan ay hindi niya na ako mapapansin.
Umahon na ako ng tubig at bumalik sa cottage namin. Naiirita na rin ako dahil sa talagang pinipilit ako ni mommy kumanta doon sa videoke sa may tapat. I mean, nakakahiya kaya! Karamihan pa naman dun ay puro mga lalaking kaedad ko nakatambay.
"Bhe! Kahit isa lang. Sige ka, Uuwi tayo kung hindi ka kakanta." Pamimilit ni mommy sabay pinandilatan ako ng mata. What the—seryoso?!
Tiningnan ko ulit siya, baka sakaling binibiro niya lang ako pero... hayst.
"Fine, fine... kakanta na nga." Matamlay kong sagot. "Basta ah! Samahan nyo po ako dun!"
At ayun, napapunta nga ako ni mommy sa ayaw man at sa gusto ko. Kaagad niya ako tinanong kung anong kanta ang gusto ko pero ang sagot ko lang ay, "Wait lang, nag-iisip pa ako." Kaya siya na ang humawak nung songbook at naghanap-hanap. Sa totoo lang, meron nang isang kanta ang pumasok sa kokote ko eh at yun ay "Sparks Fly" pero nagdadalawang-isip pa ako kasi ang panget ng quality ng tunog nun kapag nasa videoke kaya wag na lang. Ngunit nagulat na lang ako nung napatingin si mommy sabay nagsalita, "Sparks Fly na lang kaya? Nagustuhan kaya ni daddy mo yun nung kinanta mo yun last time."
Napabuntong hininga na lang ako habang tini-type na ni mommy sa videoke yung number nung kanta.
Merong grupo ng mga lalaki sa kabilang dulo habang kaming dalwa ni mommy naman ay sa kabila. Isa sa kanila ang kumakanta ng Your Love pero di ko na nabigyan pa yun ng pansin kasi mas pokus pa ako sa kanta ko na hindi mo malalaman kung kelan tutugtog.~intro Sparks Fly🎶
Napatingala ako sa screen.
SHEMAY! AKO NA PALA?
May lalaking umabot kay mommy ng mic at saka rin inabot ni mommy yun sakin.
~The way you move is like a full on rainstorm🎶
And I'm a house of cards🎶Natapos na ang kanta, bigla na lang ako nawalan ng gana. Naiinis ako kasi si mommy, hindi niya man lang binigyang atensyon yung pagkanta ko, panay lang siya sa pagse-cellphone buong oras. At nung pagkatapos nung kanta, walang imik yung mga tao... feel ko tuloy, napahiya talaga ako. Napasimangot ako at tumayo saka bumalik dun kina Ruby, nagbabasakaling mawala lang yung pakiramdam nato.
