16

2 1 0
                                    

Hindi dumating yung araw na pinakahihintay ko. Alam mo? Ang sakit lang. Kung iisipin, ilang araw na rin akong naghintay sa sagot niya pero— ugh. Kahit naman kitang-kita kong online siya, inbox zoned lang ako. HA HA, masmasaklap pa pala to kaysa seen eh. Maspipiliin ko pa sigurong ma-seen kaysa ganito.

So oras ko na siguro para mag-move on eh noh? Nakakatawa nga lang kasi paulit-ulit ko naman sinasabing magmo-move on ako pero paulit-ulit pa rin hindi natutuloy. Parang isa siyang magnet na ina-attract yung puso ko—chos! Tingnan mo, nako-korni na ako dahil sa kanya, psh.

Nagso-scroll down ako ng chatbox namin. Nase-stress ako. Ano bang mali sa mga pinagsasabi ko? Natatamad lang ata siyang mag reply kaya ganun. Yun ata... Eh malamang ganun talaga yun kasi in the first place, sino ba naman ako para sa kanya diba? Ang tipid niya ngang magreply... puro tawa lang. Wala lang ata siyang masabi. Ugh. Hindi ko alam, pero naiinis ako. Parang pinagmumukha niya kasi na hindi ako deserving pansinin!

OKAY. Huwag na muna akong masyado mag-isip ng iba. Pero yung sa'kin lang huh. Bakit niya pa kailangan sabihin na hindi niya ako kilala kung nakikita niya naman ako nun? Kinausap ko na rin si Ruby tungkol dito pero pati siya ni hindi makapaniwala... na imposibleng hindi niya ako nakilala. Hays! Masyado lang ata akong feelingera eh. Hindi ko lang siguro kayang tanggapin na hindi nga niya ako kilala... at pinaglalaban ko pa talaga.

Simula ngayon, SINUSUMPA KO NA SIYA SA BUHAY KO!

Isa rin naman to eh. Isa na naman siya sa pagsisira ng modo ko. Kainis. Bakit ba kasing nagustuhan ko pa siya? Ayos naman sakin noon nung wala pa akong crush eh. Kaya ba't pinairal ko pa tong damdaming to sa kanya?

Sa mga nagdaang araw, kino-consider ko na yung sarili kong bigo. Parang lutang na ata ako eh. Wala nga lang akong may mapakinabangan kundi ang gumawa ng tula. Kasama ko pa nun si Margaret habang nasa klase pa kami ng Math. Nag-suggest pa kasi siyang gumawa raw kami ng tula tungkol sa pag-ibig kaya naganahan ako tuloy. Ang dami ko nang pinagdadaanan sa buhay kaya siguro ganun kahit hindi naman sa hilig ko ang magsulat.

Kinuha ko na yung mechanical pen ko at nag-umpisang sumulat habang unti-unti namang naglalaho sa aking pandinig ang walang katapusang pagsasalita ng guro sa harap.

NALILITO

Alam mo? Nalilito talaga ako sa'yo.
Nagpapakita ka ng senyales na gusto mo 'ko,
Subalit ba't pakiramdam ko binibigo mo lang ako?
Heto na naman ako,
Umaasang natandaan mo pa rin,
Ang isang beses na pinagsamahan natin.
Palagi kitang nakikita,
Nagpapakita ka,
Kung kelan may kasama naman akong iba.
Pero gusto kong iparating sa'yo,
Na ikaw 'tong tinitibok ng puso ko.


Kainis ka. Kahit anong beses kong ipilit sa sarili kong kalimutan ka, parati na lang ako binibigo ng tadhana.

Nagpapakita ka nga ng senyales... sa mga galaw mo, sa mga tingin mo sa'kin... Akala ko nga meron eh pero— hanggang assume lang pala ako. Akala ko hanggang ngayon, natatandaan mo pa rin ako. Magkalaro pa nga tayo nun eh kasama yung pinsan mo. Okay lang sana kung nagka-amnesia ka o kung meron kang short term memory loss, maintindihan ko pa yun. Pero ang pakiramdam na kinalimutan ka lang ng basta-basta? HAHA, ano nga ba?

Kaya bakit ako? Bakit natatandaan pa kita?

Palagi ka ngang nagpapakita. Kahit saanman ako magtungo, mukha mo lang ang nakikita ko pero nagkunwari lang ako nun na walang paki sa'yo kahit sa totoo ay apektadong-apektado talaga ako. Nandiyan na nga si Jayse eh. Akala ko maaari na kitang paalisin sa utak ko pero paano mo nagawa yun? Paano mo nagawang talunin siya kahit wala ka namang ni isang ginawa? Ang epal mo sa totoo lang. Ang epal epal mo. Inakala mo pang magkasintahan kami ni Jayse, HAHA. Mabuti nga't natanong mo... kaya naibura ko pa yun sa ideya mo.

Pero alam mo? Ang lahat ng 'to? Napupunta pa rin sa isang konklusiyon:

Ikaw pa rin talaga, hayup ka.





Ang bilis. Grabe, ni hindi nga ako makapaniwalang naisulat ko yun na walang erasures. Iba talaga kapag inspired eh. Di joke HAHA. Sino bang niloloko ko? Hays.

Naisipan ko ring sumulat para kay Jayse. Naaawa nga lang ako sa kanya kasi... parang nasayang lang lahat ng paghihirap na dinanas niya para sa'kin pero ni hindi ko yun napapalitan. Hindi ko lang magawa.

NAGLAHO

Akala ko sa una ikaw na
Akala ko ikaw na si poreber ko,
Ngunit, lahat ay akala lang pala
Dahil ngayon move on na 'ko.
Nasaktan ako? Oo.
Nahulog ako? Oo.
Pero hindi ko lang maintindihan sarili ko
Kung bakit nasasawa na ako
Sa pagmamahal na ibinigay mo.
Siguro, ibang tao yung nagustuhan ko nun,
At sigurado ako, yung dating ikaw yun.

Siguro Jayse... Naglaho na nga talaga. Sa una lang pala lahat ng yun. First time ko kasi eh. At alam naman natin na kapag first time, parang binubuhos mo na kaagad lahat. Kahit alam kong bawal tayo magpakita sa publiko, nakayanan kong gawin yun ng walang pagdadalawang-isip. Hindi kita kinakahiya eh. Ngunit tulad lang kay Wendel, napagkamalan pa tayong mag-syota. Hindi ko pa kasi nalalaman kung ano talaga ang totoong ikaw. Inaamin kong nahulog nga ako, pero sa pakiramdam ko kada galaw mo ay isang palabas para lang ipakitang mabuti ka sa mga mata ko pati na rin kina mommy. Hindi ko na alam kung makakaya pa ba kitang pagkatiwalaan muli kagaya nung dati. Marami na rin kasi yung umiba. Marami na rin yung nagbago. At nakikita kong ikaw yun... hindi lang para sakin, kundi maging sina mommy ay nakapansin na rin, yun nga lang mas nauna lang sila dahil maspinili ko pa na wag silang pakinggan dahil syempre, may tiwala ako sa'yo. Pero inabuso mo lang ata yun eh. At ngayon? Ewan... Wala na akong masabi.

MY FIRSTS'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon