13

3 1 0
                                    

Pagmulat ng mga mata ko, ang bigat sa pakiramdam. Parang timatamad na akong bumangon, di tulad nung dati na palaging may inaantay at excited.

Tinitigan ko yung phone ko. Hayss, wala na akong nakikita pang dahilan para buksan to. Dahil lang naman sa kanya kaya ko ginagamit to eh, pero ngayon na wala na... may gana pa ba ako?

Pero hindi! Hindi na dapat ako magkakaganito! Mananalo lang siya kapag ganun. Dapat akong magpakatatag at ipakita sa kanya na kaya ko pa ring tumayo mag-isa kahit wala man siya.

Nagliligo ako nun nang bigla na lang sumigaw si Ben sa labas na papunta na raw si Jayse dito kaya napasigaw ako sa gulat.

"ANO?!"

"Oo nga ate! Gusto niya atang mag-explain." Sagot ni Ben. Sheteng palaka. Bakit—paano, ugh! Kaagad kong ni-times 2 ang pagsasabon sa katawan ko. Potcha, ano na naman ang gagawin niya dito?! Wala na akong mukhang ihaharap sa kanya! Ugh, nasaniban ba siya o ano? Paano niya naman mai-explain kung hindi niya naman alam kung anong problema diba? Unless...

"Hoy! Alam kong may kinalaman ka sa pagpunta niya dito!" Sabi ko kay Ben pagkalabas na pagkalabas ko ng CR. "Pahiram ng phone mo,"

Naging masunurin naman siya. Binigay niya yung phone niya kaya kaagad kong binuksan yung chat nila ni Jayse. At pagkakita ko nun...

Tiningnan ko lang siya ng masama.

Kaya naman pala. Kaya naman pala confident talagang pumunta ni Jayse dito sa pamamahay namin eh yung asungot, tinanong sa kanya kung totoo yung tungkol dun sa messages! Kainissss! Ansabing wag na ngang mag-chat eh pero ang tigas ng ulo!

Ah Basta! Kahit anong mangyari, hinding-hindi ko siya haharapin.



"Anak, pakinggan mo na siya dun. Walang magagawa yang pagtatago mo. Masmabuti pa din na prangkahin mo na lang siya para matigil na." Seryosong sabi ni mommy. Napatitig pa ako sa kanya, umasang mag-change mind siya pero hayy... napabuntong hininga na lang ako at lumabas patungong terrace kung saan nakita ko siya mag-isang umuupo.

Huminga ako ng malalim. Kaya mo to Kly... Sabihin mo lang sa kanya na hindi ka pa ready sa kung ano mang meron at yung maspina-priotize mo lang sa ngayon ay yung studies mo, okay? OKAY.

Pagkaupong-pagkaupo ko pa lang sa upuan katabi niya, parang gusto ko nang tumakbo palayo. Parang hindi ko kaya to eh! As in hindi talaga ako nababagay sa mga seryosong usapan kasi baka matatawa lang ako! Kundi isipin niya pang isang biro lang to lahat. Huhu, help me!

Diretso lang yung tingin ko ngunit alam kong nakatingin siya. Nagsimula na siyang magsalita at in-explain sakin yung tungkol dun sa mga messages. Nag-sorry na siya at lahat pero para sakin hindi naman yun umepekto. Hindi pa rin niya nagawang palitan ang negatibong pananaw ko sa kanya. Pansin kong nanginginig na yung boses niya habang nagsasalita at sadyang nakakahawa lang talaga. Hindi ko na ata kakayanin kung tatagal pa to kasi sa tingin ko eh, tutulo na rin maya-maya yung mga luhang to na buong kinaya kong inaawat. Hinding-hindi ako iiyak sa harap niya. Hindi. Hindi ko gustong nakikita niyang apektado rin ako. Ganun ako ka-selfish.

Parang wala ako sa sarili pagdaan ng ilang gabi. Kung minsan ay madali na ako mainis kahit sa konting pagtutukso lang nila sakin basta tungkol sa kanya. Siguro ay isang napaka-sensitibong topic na yun para sakin kaya palagi na lang kami nag-aaway ni Ben dahil kay Jayse. May isang oras nga na sa sobrang inis ko ay hindi ko na talaga napigilang umiyak... at sa harapan pa nila yun lahat. Nakakahiya sa lagay ko pero hindi rin nila ako masisisi eh. Ang sakit lang kasi pagsabihan ka nilang niloko ka. Pakiramdam ko, parang kapalit-palit lang ako.

Tinulungan ako ni mommy at pinagbigyan niya ako na uminom ng alak ng isang gabi. Nalasing ako kinagabihan at natakot ata si Ben sakin kaya siguro hindi niya ako pinapansin. Sa totoo lang para na rin akong baliw nun, kung ano-ano na lang yung lumalabas sa bunganga ko.

Sa loob ng tatlong araw, puro lang talaga bukambibig namin si Jayse. Hindi pa rin kasi umaalis tong panghihinayang nararamdaman ko. Parang gusto ko kasi ng closure at kasiguraduhan kung ano nga ba talaga yung totoo, wag yung ganito na umiiwas pero hindi naman alam kung bakit. Maskumplikado kapag yun.

Sa loob ng tatlong araw, humihingi ako ng solusyon sa mga kaibigan ko at kay Ate Ema. Hindi rin kumulang sa pang-rereport sina Ruby at Maeriel tungkol kay Jayse. Ni-screenshot nila ang conversation nila sa kanya at pinabasa yun lahat sakin. Ang sabi niya dun, hindi niya rin daw sinasadyang magsinungaling samin  lalo na kay daddy dahil sa isip niya ay wala rin naman kuwenta kung sasabihin niyang oo kasi pinaglaruan lang naman siya nun. At yung tungkol sa DP niya sa bus, talagang sapilitan lang talaga siya pumayag dahil biktima siya sa pangbubully ng mga groupmates niya kaya wala rin siyang magagawa kundi bumigay. Saka sinabi rin ni Ate Ema, baka nga malay mo umiba na yung tao since halos ilang buwan na yung nakalipas at tipong nag-aasaran lang talaga sila sa mga oras na yun at kami lang tong grabe humusga kaya nauwi lang sa hindi pagkakaintindihan. Sa totoo lang, parang unti-unti na rin umiiba yung tingin ko sa kanya eh. Siguro nga isang misunderstanding lang talaga ang nangyari at totoong nagbago talaga siya mula nang makilala niya ako.

Sa una pa lang man eh naiintindihan ko na talaga siya, yun nga lang marami yung humihila sakin upang pigilan ako sa anumang balak kong gawin. Natatakot akong ma-disappoint sina mommy at daddy sakin kaya nga maspinili ko pang maniwala sa kanila kesa sa bigyan pa siya ng pag-asa.

Gusto kong walang tampuhan ang magaganap, gusto kong maayos na to. Kinikilala pa nga lang namin ang isa't isa eh. Wala namang thrill yung summer ko kung tatapusin na namin to kaagad. Isa pa, gusto ko pa ngang maexperience ligawan  eh hehe.

Nagtungo ako kay mommy at dun ko binuhos lahat-lahat. Yung opinyon ko, yung dahilan niya... lahat. Ang hirap kumbinsihin si mommy kaya halos hindi ko na magawang pigilan yung pagngiti ko nung gumana yun sa kanya lahat. Inako niya rin na sumobra lang talaga siya sa pagpoprotekta sakin at medyo nadala lang kaya ganun, basta't super ingat lang talaga ako sa susunod. Naintindihan na rin ni mommy si Jayse at ni-unblock niya na ito. Mabilis namang tumugon si Jayse nung kinamusta siya ni mommy. Dinaldal niya na naging mabigat yung mga araw na hindi siya nakakapag-usap sakin dahil sa pag-block ko sa kanya. Tatlong araw daw niya kinulong yung sarili  sa kwarto at tahimik na binuhos ang sama ng loob dun kasi sa ayaw niyang mag-alala pa yung mama niya. Napatawa lang talaga kami ni mommy. Ang feeling na kanina pa ay nagtatampuhan pa kaming dal'wa dahil kay Jayse tapos ngayon, tatawa-tawa lang kami na tipong walang nangyari. Parang isang biro lang talaga ang naganap.

Pero psh! Humanda talaga yung Jayse na yun. Ang dami niya nang atraso sakin. Pasalamat talaga siya nakumbinsi ko pa si mommy. Well, maliban nga lang kina daddy, grace at Ben pero kahit na. Akala ko pa naman papatunayan niya kung talagang seryoso siya sakin pero ni hindi ko man nakita, ako lang ang kumilos. Hmph!

Sabagay, sinabi ko na rin sa kanya nun na bigyan niya lang ako ng panahong makapag-isip so siguro nirespeto niya lang desisyon ko. Kaya ayun.

"Hindi mo pa ba siya i-uunblock?" Tanong sakin ni mommy habang nakangisi.

"Bukas na lang," sagot ko.

"Pakipot talaga to," at tumawa na lang kaming dal'wa.



Bukas ng gabi, may event sa may court na tinatawag nilang Kabataan's Night. Bale bukas ito para sa lahat ng edad. Wala si daddy at Ben kasi nandun sila sa Boracay kaya kami lang ni Mommy yung pumunta dun at saka na sinundo sina Maeriel, Rina, at Dwin sa Balusbos. Nandun din si Jayse kasi pinaalam niya rin yun kay mommy na pupunta siya.

"Hula ko, black yung suot ngayon ni Jayse." Singit ni mommy sa usapan. Pero hinula ko na baka dark blue yung suot niya mamaya kasi yun din naman yung palagi niyang sinusuot.

Pagdating namin dun, nakita kaagad namin siya sa may tapat. Saglit kaming nagkatinginan ni mommy at binigyan niya ako ng, "told-you-so" look sabay pinakita ang ngiting tagumpay. Psh! Porket tama lang yung hula niya eh makapag-asta naman parang nanalo talaga sa loto.

Medyo awkward. Isa, medyo hindi pa nagkakaayos sina Rina at Jayse. Pangalawa, parang nalilito pa ako kung tama ba tong desisyon kong kausapin siya sa ngayon. At pangatlo, ang daming mata. Shet. Talagang binabantayan kami nina Tito at Tita kahit pagkilos, huhu.

MY FIRSTS'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon