6

10 1 0
                                    

Umuwi ako samin nung weekends. Kahit tatlong taon na ako dun sa Iloilo, hindi ko pa rin maiwasang hindi ma-home sick. Sa totoo lang, masmasaya pa kapag kasama ko yung mga pinsan ko kasi makakagawa ako ng kahit anong feel ko saka makakapagkuwentuhan pa kesa dun sa dorm na buong magdamag nakahiga lang at nakaharap lang sa phone ko. Kaya katulad lang ngayong gabi, apat kaming magkasama nina Rina, Maeriel, at Dwin. Kasalakuyan kaming nagtatambay sa ilalim ng puno ng mangga at tinuturing namin iyong haven naming magpinsan. Bale dito sa puwestong ito ang palagi naming ginugugol ang aming oras. Yung topic namin? Syempre si Jayse. Sa una pa lang, hindi ko inaakalang ganyan pala kakilala si Jayse sa school nila. Mapa grade 7 to 10, kilala raw. Napataas yung kilay ko. Palibhasa, mukhang sa sports lang siya nadevelop eh kaya maraming nakakilala sa kanya. Ang kuwento pa nga samin ni Rina eh, kada magjo-jogging na lang 'tong si Jayse sa larong sinasalihan niya at dadaan sila sa classroom ni Rina, si Rina pa raw ang pinagsasabunutan at pinaghahampas ng mga kaklase niya sa 'di maawat na kilig tuwing napapatingin si Jayse sa kanila. Sus. Maniwala. Na-over lang ata siya sa pag-eexaggerate diyan eh.

~

Sa pangalawang pagkakataon, nagkita ulit kami sa 7/11 pagkabalik ko ng Iloilo. Galing ako nun sa Atrium at ewan ko sa kanya kung bakit bigla-bigla niya lang pinaalam sakin na nasa 7/11 daw siya mag-isang nagpapalipas ng oras. Share niya lang? Hindi naman ako nagtatanong ah.

Anyway, pinapapunta niya pala ako kaya nagdadalawang isip pa ako kung dadaan pa ba ako o dideretso na lang sa dorm. Pero ewan ko nga sa sarili ko kung bakit huminto pa ako at nagtangkang sumilip sa loob. Parang tanga lang eh haha

SHOCKS. Nandun nga siya!

Napailang hakbang akong paatras sabay pilit na pinapakalma ang sarili. Eto na naman ako sa kaba ko eh. Traydor talaga ugh. Ngunit hindi na ako magsisinungaling pa sa sarili ko kasi maging ako ay gusto rin siyang makita—ah! Ano? Ano ba tong pinagsasabi ko. Ako? Gusto? Pfft! Wag ka nga Kly!

Kinulit ko siya sa chat. Sinabihan kong tumingin siya sa labas, sumunod naman siya pero natawa ako kasi imbis na sa kanan kung saan ako nakatayo eh sa kaliwa siya tumingin. Sinabi kong tumingin siya ulit pero nabigo siya ulit. Hahaha! Ansaya lang talagang mantrip, sorry na!

Siguro, naiinip na siya sa pangtutukso ko sa kanya kaya sinabi niyang violet yung damit niya kahit alam ko rin naman. Napagtanto kong baka matatagalan pa kami dito kung kaya't tumambad na ko sa tapat ng bintana. Timing naman dahil napalingon siya sa pwesto ko upang tumama yung mga mata namin. Kusa siyang napangiti na parang nahihiya sa oras na nakita niya ako. Pumipintig ang puso ko habang unti-unti naman akong naglakad sa loob papunta sa kinauupuan niya.

Tiniis kong mag-open up kahit sa pakiramdam ko walang kwenta yung mga lumalabas sa bibig ko. Nahahalata kong nahihiya pa siya non kaya ako na yung unang nagsasalita sa'min.

Hindi ko napansing may dumadating na teachers na mga taga-school nila Jayse at papasok ng 7/11. Alam kong kilala ako ng isa sa mga yun kaya tumayo ako, lumayo at nagkunwaring pumipili ng mga inuming nakadisplay. Ngunit, nagulat ako nung may tumawag sakin ng pasigaw. Napalingon ako at sinasabi ko na nga ba eh! Nakita nga ako ni Sir Kel, ugh. Sa lakas ng sigaw niya, halos pati cashier ay nakatingin na rin sakin. Hindi nagtagal eh lumabas naman sila at bumalik. Ngeh? So nagpunta lang talaga sila dito para gumawa ng eksena at magpalibre? Hay ewan.

Bumalik na rin kami nang makulimlim na. Tatawid na sana ako pero pinigilan ako ni Jayse at sinabing baka masagasaan pa ako ganun at masmabuting sa overpass na lang. Nagpout naman ako at nagreklamo pero sumunod na lang.

"Libre ko ah?" Ngiti kong sambit.

"Oo na." Sagot niya naman at hindi ko na inakalang yun na pala yung huli naming pagkikita.

Pagkarating ko ng dorm. Ang lutang ko. Naiisip ko kasi yung kanina. Parang hindi ata ako masaya dahil nakasama ko ulit siya. Hindi ko maiwasang wag isipin na baka ang boring kong kausap kaya hindi tumatagal yung usapan namin. Nag-eexpect nga siguro ako nun na maging close na kami sa isa't isa sa pangalawang beses naming pagkita pero mukhang nagkamali ako ng hinala. Ang bigat tuloy ng pakiramdam ko dahil dun. Ayoko talaga kasi nun yung sa chat lang magaling pero pagdating sa personal, waley lang. Para kasing wala nang silbi kung magcha-chat pa kami kung ganun lang din naman ang pakikitungo namin sa isat isa pag harap-harapan. Gusto ko kasi maging normal na kung mag-usap-usap man kami pero hindi eh. Ewan, pero parang nagtampo ako sa kanya.

Gabi na't nag-aaral ako nun. Nagcha-chat pa nga kami eh, nakakatawa lang pero wala ako sa modo. Nakasanayan ko na ring magkausap kami tuwing gabi kaya kung sakaling di niya nagawang makapag-chat sa mga ganitong oras, di ko talaga maiwasan na magtaka at maging paranoid na baka tinamad na siya ganun tapos mababad trip na lang ako pagkatapos. Ganun ako eh.

Kaya nung sa ipinasok niya yung topic na kung kelan yung kapatid ko nun, pilit daw siya tinatanong kung crush niya ba ako... Sabi ko nga sa isip ko, bakit ngayon niya lang to sinabi na pwede naman kanina? Pero pinabayaan ko na lang. Sa totoo lang, alam ko na yung tungkol dyan kasi dati pa yun ikinuwento ng kapatid ko, nagpanggap lang akong walang alam para naman merong thrill. Ang sagot niya man lang dun ay puro "maybe" eh, hanggang sa hindi niya na nasagot yung tanong. Kaya nagtaka ako kung bakit gusto niya pang pag-usapan to na kung dati ay iniiwasan naman niya. Nakakapagtaka lang.

"Tinreathen niya pa nga ako na kung hindi daw ako magsasabi ng totoo, ibo-block niya ako😅." Sabi niya. Tumawa na lang ako.

"Oy, di ka pa ba matutulog? 8:00 na ah." Suway ko. Naghihintay lang ako sa sagot niya pero shocks! Di ko ineexpect ang sunod niyang sinabi.

"Pero sa totoo lang, crush naman talaga kita."

WHOOOOOO!

Napatayo ako ng mabilis dahilan para umingay yung upuan na inuupuan ko kaya kaagad akong sinuway ni Ate Cris na sa tabi kong nag-aaral. Humingi ako ng pasensya at naglakad-lakad na lang. Tinitigan ko yung repleksyon ko sa salamin nung nasa tapat na ako nito at kinausap yung sarili. Baliw na talaga ako.

DAEP. Ano bang meron sakin na nagustuhan niya ha? Hindi talaga ako mapakali waah!

Nung sa tingin ko ay matino na ako, ni-klaro ko sa kanya kung totoo nga ba. Mahirap na't baka umasa pa 'tong si ako.

"Totoo?" Reply ko.

"Totoo nga." Sagot niya naman. Hindi ko maiwasang mapakagat sa labi.

"Kelan pa?"

"Matagal na."

Napaisip ako dahil dito at naalala ko na naman ang about dun sa simbahan.

"Nung nakita mo ako nung simbang gabi? Nung akala mo, ikaw yung nginitian ko? Kaya tinanong mo pagkatapos sa kaklase ko kung ano pangalan ko?" Dire-diretso kong type.

"Oo. Hahahaha"

Ano ba to. Kanina, mainit yung ulo ko sa nangyari sa 7/11, pero ba't bigla na lang yun napawi? Andaya lang eh. kainis! aasa na naman ako nito.

Natatawa akong nagreply, "Oh? Napano ka? Ba't puro ka lang tawa?"

"Wala... kilig lang 😊"

Haaayst... Hello eyebags huhu.

MY FIRSTS'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon