On the way to Iloilo sila, on the way to Malay naman ako. February 11 at birthday nun ng dalawa kong kapatid na si Simon at Cassy kaya kinakailangan ko talagang umuwi para mag-offer ng kanta (kagustuhan ni daddy).
Nandito kami sa Caticlan para asikasuhin yung arrangements nung party ngunit, heto ako, kausap pa rin si Jayse.
"Ano nga ulit school mo, Kly?" Tanong niya saken sa chat.
"Assumption nga."
"Ahh ok. Sa elementary school raw kami mag-hahousing ayon kay Coach."
"Ohh... saang elementary ba yan?"
Di na ako umasa pa na magkikita pa kami dun. Parang imposible naman kasi kung tutuusin.
"Ewan ko nga eh, hindi na lang ako nagtanong pa kasi wala din naman akong kaalam-alam dito." So nakarating na pala sila, ambilis ah. Di tulad saken na pitong oras pa ang aantayin. "Nandito nga kami sa St. Paul's, eh... Gumagala."
Napahinto ako. St. Paul's? Eh nasa kabila lang yun ng school namin ah?
Tinanong ko siya kung sa'ng St. Paul's yung tinutukoy niya kasi malay ko ring nasa ibang lugar pala yun. Inutusan ko pa siyang lumabas saglit at tignan kung anong nasa kabila nito pero sinabi niyang papagalitan daw siya nung coach.
Merong elementary din sa kabilang kalsada nung school namin (ICES) at nung St. Paul's. Kulay green yung motif nun, kaya tinanong ko talaga kung anong kulay nung elementary na hina-housingan nila.
"Parang green eh," Sagot niya na parang hindi pa siya sigurado. 'Wag mo talagang sabihing—
"Teka, sisilipin ko." Ulit niya. Saglit naman akong napatigil sa paghinga habang naghihintay sa sagot niya. Pero hindi naman nagtagal yun kasi narinig ko ulit yung boses niya, "Ah oo, green nga."OMYGAHD! So nasa tapat ko lang pala siya?!
Nanatili na muna ako sa upuan ko ng ilang minuto, tulala at hawak-hawak ang phone ko. Seryoso ba to? Sa dinami-dami ng lugar na maaari nilang tirhan, nasa kabilang kalsada lang pala? Wag mong sabihing destiny to kasi di ako masyadong naniniwala dun. Hindi ako makapaniwala.
Pinaalam ko na sa kanya na magkakatapat lang ang paaralan namin sa paaralang titirhan nila. Nabigla rin siya nung sinabi ko yun pero mukhang ang saya niya ata nung nalaman niya? Ewan.
~
Balik na 'ko ng Iloilo. Nasa Passi na ako nun nang panay siya tanong ng tanong kung saang banda na raw ako ta's sasabihin ko lang daw kung nakarating na akong terminal. Sabi ko nga, wagas maka-tatay to.
"Bakit mo tinatanong?" Reply ko.
"Wala lang, pero pwede naman na ako susundo sa'yo pagdating mo dito."
What the.
Tinakpan ko ng panyo yung bibig ko upang maiwasang tumawa. Kilig ba tong nararamdaman ko?
Napansin kong napalingon pa sakin yung katabi kong babae sa bus, psh... nawi-weirduhan na ata siya sakin."Oy, wag na lang! Kaya ko naman sarili ko noh. Isa lang naman dala ko." Sagot ko naman. Hindi ko pa kasi talaga kayang makita siya.
"Sure yan?" Um-oo na lang ako.
Pasakay na akong jeep at kanina pa akong di mapakali sa kinauupuan ko. Kung ano-ano na tuloy ang pumasok sa isip ko na like baka surpresahin niya ako sa pagbaba ko ng jeep na merong magbibigay ng bulaklak isa-isa tapos pagdating sa dulo, siya na yung bibigay ng rose. Mga kalokohang ganun, pero ew! Ang korni naman kung kaya't dapat wag lang yun mangyari.
Nung papalapit na ako sa school, pabilis nang pabilis na rin yung tibok ng puso ko sa kaba. Hindi ko nga alam kung ba't grabe akong kabahan eh. Ugh.
At pagdating ko... wala.
Wow, so nag-eexpect akong ganun ang mangyayari katulad sa imahinasyon ko? Gahd, mas ayaw ko pa nga yun eh.
Pasimple akong pumasok sa loob ng gate at sinabi sa kanyang nakarating na ako. Parang ang lungkot nga nung reply niya nun, parang nakonsensya tuloy ako. Siguro nananabik na rin siyang makita ako kaya sinabi ko sa kanya na kakaway na lang ako sa may gate at pumayag naman siya. Whew. Okay, so hindi ko na talaga alam kung anong ginagawa ko.
Lumabas na ako at sumilip sa may gate nung elementary.
"Saan ka ba? Nandito na ako sa may gate. Bilisan mo, excited pa naman ako ehh." Message niya. Napatawa naman ako at pumwesto sa may overpass. Sa di kalayuan, may napansin akong kumakaway patungo sa direksyon ko. Meron siyang kasama na nakayukong nagse-cellphone. Pero napatingala siya at kumaway rin. Alam kong siya na 'to dahil nakita kong naka-jersey siyang violet na noon pa man niya sinusuot. Nakita ko lang habang inii-stalk ko siya sa fb, hehe.
Di rin nagtagal, sumenyas na ako na mauuna na ako sa loob kasi gumagabi na.
"Sa wakas nagkita na rin tayo."
Napangiti na lang ako sa nabasa ko.
