10

16 1 0
                                    

Halos magkakasunod na araw na kaming nandun nanonood. Pero nabigla na lang ako nung niyaya niya ako nung hapong yun. Tinanong ko naman kung sino kasama niya pero siya lang raw mag-isa ang pupunta kaya napahinala ako. Baka nga ginusto niya talagang mapag-isa para naman pupunta ako, psh.

Kinumbinsi ko na sina Rina at yung grupo na sumama dahil ayokong pag-usapan pa kami ng mga nakakita na may namamagitan samin kahit wala naman.

Ang lakas lang talaga ng trip namin dahil maspinili pa naming maglakad at tiniis na magpakababad sa araw ng ganitong oras kesa sa sumakay ng tricycle. Kaya mukha namin sabog pagkadating dun.

"Ate! Nandito na pala siya oh!" Sigaw ni Rina dahilan para mapatingin ako sa direksyong tinuturo niya. At dahil sa mala-megaphone na rin yung boses niya, napalingon yung isang taong dahilan kung ba't nandito ako ngayon.

Shekeeee!

"Halika na oy," Tawag sakin ni Rina at dumiretso na sila sa loob sabay umupo sa tabi ni Jayse. Shet, nawalan pa ata ako sa sarili ko eh. Alanganin akong sumunod at napaisip kung saan ako pupwesto pero kaagad naman akong sinabihan ni Rina na umupo sa bakanteng upuan katabi ni... Jayse. Dahil sa ayokong tumayo sa sobrang pagod, umupo na ako sa tabi niya saka nag-iwan ng malaking distansya sa pagitan naming dal'wa. Heh! Di ako FC noh!

Nao-OP ako sa kanila as in. Napaka-awkward din ng sitwasyong meron ako. Hindi ko aakalaing makakatabi ko ulit siya sa lahat ng pagtatampo at maling akalang natamo ko dahil sa kanya nung nakaraan.

Sa mga dumadaang oras, halos gusto ko lang sabunutan tong pinsan ko. Kanina pa kasing picture ng picture samin, kala mo namang mga artista sa wagas kumuha. May ilan pa ngang estudyante ng Malay National daw ang pumasok sa court at panay tingin sa direksyon namin. Malamang, nakita nila ako na kasama yung papi nila ngayon kaya ganyan lang sila makatingin, ugh.

So far, naging maayos din naman araw ko. Ang sakit nga lang sa panga dahil tawa lang ako ng tawa sa mga pinanggagawang kalokohan tong ni Rina. Mabuti nga lang nandito sila kaya kahit papano ay pinagaan din nila ang aura.

Fiesta sa lugar nina Jayse ngayon at inimbitahan niya kami nina Ruby, Vin, Rina, at Ben na kumain sa kanila. Sa una, natatakot pa kami ni Ben na magpaalam kay daddy kasi baka magalit pa siya o ano pero napahinga ako ng maluwag nung pinayagan niya rin kami basta't hindi lang daw hihiwalay sa grupo. Ayon sa plano, doon na lang daw sa paaralan nila kami magkikita-kita since kukunin pa naman nila ang kanilang card.

Kasama ko yung kapatid kong si Ben pumunta dun. Eto na nga rin yung pangalawang beses kong makabalik dun kaya medyo wala na akong nararamdamang hiya kung ikukumpara noon. Hindi nagtagal, namataan namin si Rina na nakatayo sa may hallway. Nakita naman kami ni Ruby pagkatapos kaya ayun, nagtambay na muna kami sa may unahan ng kanilang classroom habang inaantay si Rina na bigla-bigla na lang naglaho.

"Dali! Hanapin natin si kuya Jay-jay." Mabilis akong napatingin kay Ben nung nagsalita ito. Pagsasabihan ko pa sana sila na wag na nilang ituloy yung kanilang balak pero mabilis pa silang kumaripas ng takbo papunta sa ibang lupalop na lugar.

Subukin lang nila papuntahin dito si Jayse at kapag talagang mangyari yun, pag-uuntugin ko talaga yung ulo ng dalawang yun! Hindi ba nila ma-gets na hindi magandang ideyang pagsamahin kami ni Jayse ngayon? Paghalaan pa kaming mag-syota eh! Yun pa naman ang pinakaiiwasan ko sa lahat.

Sinubukan kong ibuhos yung atensyon ko sa paraan ng pag-uusap kay Ruby. Maganda na nga yung kwentuhan namin nun pero bigla yun naputol nang makita kong nandito si Jay— Teka! Nandito siya?!

Tumingin ako sa dal'wa na parang mga inosente at pinandilatan ng mata pero hindi man sila natinag. Mga walang isip talaga. Natatakot na talaga ako sa posibleng mangyarii huhu.

MY FIRSTS'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon