Halos isang buwan na ang nakaraan at medyo hindi ko na inaalala pa si Wendel. Napagtanto ko nang halos imposible nga yung magiging kaibigan ko siya kapag sa paraan ng chat lang. Wala rin kaming halos koneksyon sa mga kaibigan niya kaya anlayo nga talaga. Kaya masmabuti lang sigurong bitawan ko na ang paghanga kong to eh noh?
Sa mga nakaraang araw, sinisiraan ko si Wendel. Pinagtitripan ko yung mukha niya, binabackstab sa kaibigan ko. May isang oras nga nung nag-update siya ng profile, pinagtatawanan ko pa. Ang baliw ko na nga talaga. Baliw na baliw sa kanya, pocha. Ito na rin siguro yung paraan ko sa pagmomove on. Para sakin kasi kapag sinisiraan mo yung isang tao, matuturn off ka kaya medyo effective. Medyo nakakagaan sa loob sa totoo lang, nakakatulong din na andito ako sa Iloilo kaya hindi ko siya makikita. Hanggang sa nasawa na ako sa pinanggagawa kong katangahan, nilibang ko yung sarili kong manood ng mga videos sa facebook. Tapos na yung klase kaya nagpapalipas ako ng oras kakahiga dito sa kwarto.
Nag-uusap kami nun ni Ate Cris nang napansin kong may nag-chat sakin. Wala lang sakin nun kasi akala ko naman kung sino lang. Pero hindi lang pala yun basta-bastang sino kasi siya talaga to!
"Sabihan daw ba akong abnoy." Reply niya. Sinabihan ko kasi siyang Abnoy sa kahuli-hulihan ng pag-chat namin. Sa una, ayaw pa rin mag-sink in sa kokote ko na nag-reply siya sa halos isang buwan na ang nakalipas. Hindi ko tuloy maiwasan na gumulong-gulong sa kama at mapapasigaw ng wala sa oras. KYAHH! Matagal-tagal na rin ako nakaramdam ulit na makilig ng gan'to pagkatapos ng session nun kay Jayse—wow, session talaga? HAHAHA.
Ayun, katulad ng dati, nagreply din ako pero pinatagal ko muna ng halos isang minuto para hindi niya naman aakalaing desperado ako ganun.
"May cellphone ka na pala?" Sabi ko.
"Oo, pero wala akong touch screen. Hiram lang ulit 'to HAHA."
Hindi ko mapigilang ngumiti. Sheez, ba't ganito epekto niya sakin? Pinagmumukha niya akong may sakit sa utak eh! Huhu.
"Wow, mabait naman yung nagpahiram sa'yo. Akalain mong ipapagamit ka niya ng kanyang phone."
"Oo nga pero malapit din yung surrender time kaya mag text na lang."
Napakunot yung dal'wang kilay ko sa reply niya. Mag-text? Napatigil pa ako at napaisip nang nagreply siya muli.
"Bilisan mo naa,"
Ha?
Nagmamadali akong nagtype, "Wala akong number mo, pano ako makakapag-text?"
"Penge ako ng sayo,"
HA?!
Tinitigan ko pa ng mabuti yung reply niya at baka namamalikmata lang ako pero hindi! Hindi ako nagkakamali! Totoo nga to waah!
Nagpanggap pa akong napipilitan, pero wala siyang kaalam-alam na grabe na yung dinulot niyang yun para pasayahin ako. Napahagikgik na lang ako habang tina-type yung number ko.
Awtomatikong meron akong na-receive na message galing sa kanya.
"Ikaw ba 'to?" Kompirma ko sa kanya.
Saglit siyang tumawa saka nag-reply, "Oo."
At dito na nagsimula kung saan kami tuloy-tuloy nag-uusap.
