15

13 1 0
                                    

Dumating ang araw kung saan nasa Manila na kaming lahat. Ang hirap sobra pero tiniis ko pa rin kahit sa una pa ay tutol na ako sa desisyong lumipat dito.

Mukhang malabo na atang makasama ko pa si Jayse katulad nung dati. Kung iisipin ko kasi, parang wala na atang patutunguhan tong ginagawa namin eh. Balang araw magiging isang Manila-girl na ako at hindi na yung isang babaeng naninirahan sa isang probinsiya. Sa totoo lang pati na rin ako... hindi ko mai-imagine na magiging kami ni Jayse— Oy, hindi naman sa minamaliit ko siya pero ano kasi... nakilala ko na siya eh. Kung anong buhay ang meron ng pamilya niya at kung anong estado siya nabibilang sa buhay. Ni minsan, sumasagi rin sa kokote ko na hindi lang kami bagay. Ewan ko lang kung bakit.

Alam kong sa una pa lang, hindi na kumbinsado sina mommy, daddy, at lalong lalo na yung lola ko sa pamilya nina Jayse dahil sa isa siyang Cañe. Kung baga, yung pamilya kasi namin ay merong past relationship sa pamilyang yun na siyang sumisira kina lola na mismong kapatid niya at dahil sa pinagbibintangan nila itong nang-aagaw ng lupa kahit hindi naman totoo. Hindi pa sila nakuntento, dinamay niya pa sina mommy at daddy. Kaya dala na rin ng sakit, naniniwala sina lola na basta't magkakadugo raw ibig sabihin ay halos pare-pareho lang ng ugali ang meron sila.

Ngunit kahit ganun, tinanggap pa rin nina mommy si Jayse dahil hindi naman sila yung mismong pamilyang Cañe na siyang tinutukoy ko. Sinabi niyang ayaw niyang humadlang sa kung anumang meron ako ngayon dahil parte lang ito sa paglago ko upang ma-experience ko rin ang mga dapat ma-experience ng isang teenager. At dahil na sa umaasa rin siyang hindi naman sila magkasing-ugali, na baka nasa positibong side naman nabilang si Jayse.

Ngunit habang tumatagal, unti-unti na atang lumalaho tong nararamdaman ko sa kanya. Nagsimula siguro yun nung palagi na siyang nilalait ni Ben. Dagdagan pa ni Daddy na kung babanggitin man ang pangalan niya eh naba-badtrip kung kaya naaapektuhan talaga ako. Napapaisip nga ako kung tama pa ba tong ginagawa ko eh. Pero napunta lang talaga ako sa konklusyon na... wala na. Sa una lang naman silang boto sa kanya at dahil sa sumali na siya sa buhay namin, parang gumulo na kami. Kung tutuusin, totoo naman eh. Simula nung nangyari yung tungkol sa messenger, nawala na yung tiwala nilang lahat sa kanya at sa tuwing sinisingit ni Ben si Jayse sa usapan, parati na lang kami nagsasagutan. Parang siya yung dahilan ng gulo.

Kaya nung sa una na siya palagi yung ka-chat ko, sinisimulan ko nang iwasan yun. Wala na talaga kasi akong may nararamdaman ngayon, hindi ganun sa dati na may epek talaga. Ewan, ang hirap lang sakin eh ang dali ko lang talaga magsawa sa isang bagay. Hindi ko lang maintindihan sarili ko. Noon, grabe lang ang pananabik kong makuha lang yung atensyon niya pero nung sa oras na nakuha ko na nga, parang nawawalan na ako ng gana pang ipagpatuloy. Hays. At ngayon, mukhang pinapaasa na naman ako ni Ben sa mga walang katotohanan niyang kwento! As if siya pa yung magaling sa aming dal'wa eh. Ang sabi, meron din daw gusto si Wendel sakin. HA HA HA. Gumigiba na yung mundo saka lang mangyayari yun. Pero siguro kapag magkatotoo nga yun eh masdoble pa ata ang mararamdaman ko sa nararamdaman ko para kay Jayse. Syempre, crush mo yun eh, tapos malalaman mo rin pagkatapos na crush ka rin niya? WAHH! Ang ganda lang talaga ng buhay ang meron ka! Pero psh... sabi ko nga, anlabo. Ni hindi ko nga masabi kung kilala niya ako eh. At parang isang click lang... nahulog na naman yung loob ko kay Wendel dahil sa pag-asang posibleng mangyari.

Alam kong naiirita na sakin si Ben dahil sa paulit-ulit ko lang tinatanong sa kanya kung ano nga ba talaga. Baka kasi nagjo-joke lang siya eh tapos ako lang tong asa ng asa sa wala. Pero kasi meron din sakin na naniniwalang hindi nga siya nagbibiro at totoong may something si Wendel sakin. Humingi pa nga ako ng sign nun kay God na kapag ia-accept niya man yung friend request ko sa mismong birthday ko, ibig sabihin ay totoo nga! At isang himala, in-accept niya naman! Oh diba, sino ba namang tao ang hindi aasa dun?

Hanggang sa opening na ng klase, hindi pa rin napuputol ang komunikasyon ni Jayse sakin. Nagre-reply naman ako pero hindi na ganun kabilis katulad nung dati. Lalo na't ngayon na alam ko na talaga kung sino yung gusto ko. Isa pa, hindi rin nahuhuli sa pang-aasar sina Margaret at Ana. Umiingay lang tuloy yung room nang dahil sa'min, ugh. Pinapaasa ko raw si Jayse! FYI, matagal ko nang ni-klaro sa kanya nun na hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon at naintindihan niya yun. Hindi ko naman siya kinukulong ah. Malaya naman siyang gumawa ng desisyon kung ipagpapatuloy niya yung panliligaw niya sakin o maghihinto dahil kung ako tatanungin eh... parang wala na ata siyang pag-asa pa.



MY FIRSTS'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon