Okay, first kiss.. eto yung first kiss ko... Hindi ko alam ang gagawin ko. Hinayaan ko lang siya, pero iginalaw niya yung labi niya, kaya sumunod lang ako. Wala akong alam sa ganito pero kapag andun ka na pala sa mismong sitwasyon biglang marunong ka na lang.
Hindi ko siya pinigilan, nakipaglaban pa ako sa kiss niya. 🤣 Alam kong parang may mali, pero tamang lahat sa pakiramdam ko. Inangat niya yung lips niya saglit, pero hindi siya umimik. Nakatingin siya saken tapos nihawi niya yung buhok ko... at ki-niss niya ako ulet... Nakaramdam ako ng konting init. Shet, ano bang nangyayari.
Go lang ako sa flow. 2 minutes din siguro bago niya inangat ulit yung labi niya, tapos kiniss niya ako sa forehead. "Goodnight, pahinga ka na din." Sabi niya. Tapos humiga na siya. Sa isip ko, "tapos na ba yun?" 😅 grabe sya... pabitin..
Nakahug pa din siya saken, yung ulo ko nasa braso pa din niya. Ilang minutes lang, parang nakagawa na din siya ng tulog niya. Ako naman hindi pa din makatulog. Nirerecall ko kase yung nangyari saming dalawa 🙈
Bigla kong naalala na itext si Ate Maan. Oo nga pala, baka hanapin ako nun. "Ate, nakitulog na ako dito sa tent ni Shey. See you in the morning." Binaba ko yung phone ko.
Napatingin pa ako kay Shey. Tulog na tulog na siya. Ang cute niya pala matulog. Nagreach out pa ako sa forehead niya pra ikiss siya, tapos inihigpit ko pa yung kamay niya na nakayakap sakin bago ako natulog.
Tsaka ko naisip, "The best 'tong gabing 'to Lord." 😍😍😍

BINABASA MO ANG
He's a She
Teen FictionMay standards ba ang love na kelangan sundin bago ka ma-fall? Hindi ba't puso ang tumitingin at hindi ang mata? Kasalanan ko ba kung ang pagmamahal na nararamdaman ko ay hindi ayon sa "tama" na pinaniniwalaan nila? Pamilya o ang taong mahal ko? Kail...