Part 18

426 4 1
                                    


Napakahiwaga ni Kylie. Medyo naiinis na ako. Ang kaya ko lang i-conclude sa ngayon ay konektado si Kylie kay Shey, pero sino ba kasi siya?

Hindi ako nasagot agad ni Tita Len.

Me: Kaibigan din po ba siya nina Tanya?

Tita Len: Ah, oo, naging kabarkada din nila si Kylie, dahil kay Shey. Akala ko kakilala mo din siya since ate mo pala si Maan.

Me: Ah, sino po pala yung Kylie, Tita?

Tita Len: Mas mabuti pa si Shey na lang ang magkwento sa'yo. Hindi pa yata niya nabanggit sa'yo eh. Pasensya na iha.

Me: Okay lang po Tita.

Hindi na ako nagpumilit kay Tita. Umakyat na ako. Si Shey na lang ang kakausapin ko about dito.

Pagpasok ko sa kwarto ni Tanya, pinipilit na agad ako ni Tonette na hawakan yung microphone. Sabi ko kakausapin ko muna si Shey, may kailangan akong itanong.

Umupo ako sa couch na inuupuan namin kanina, katabi ni Shey. Hinawakan niya agad yung kamay ko.

Me: Shey, sino yung Kylie?

Agad-agad na akong nagtanong. Iba kase ang pakiramdam ko sa Kylie na yun. Napatingin samin yung dalawa ni Tonette at Tanya, narinig nila yung pangalan ni Kylie eh, pero hindi sila umimik, bumalik lang sila sa ginagawa nilang pagtingin sa songbook para humanap ng kanta.

Shey: Paano mo nakilala si Kylie?

Me: Nabanggit kase ni Tita sakin sa baba. Medyo nagkakwentuhan kami ng konti eh.

Shey: Hmm. Si Kylie... siya yung huling girlfriend ko.

Me: Ahh. Okay...

Hindi ko alam kung paano ko dudugtungan. So, ex niya pala si Kylie? Bigla akong kinabahan. Napatigil lang ako, pinisil ni Shey yung kamay ko.

Shey: Jamie? Uy.. baket? Okay ka lang? Wala na kami nun ni Kylie... galit ka ba?

Me: Noo. Hindi ako galit. Natanong ko lang naman kasi nasabi saken ni Tita.

Sa totoo lang, hindi ako okay. Ex na niya yung si Kylie, pero bakit parang naging threat siya para saken? Hindi ko pa man siya nakikilala, pero alam kong may something dito kay Kylie na dapat kong katakutan. Ex should be ex nga, at hindi naman siguro ako liligawan ni Shey kung meron pa din Kylie di ba?

Shey: May gusto ka bang itanong saken?

Madami.. napakarami kong gusto itanong kay Shey. Pero hindi ito yung perfect time. Gusto ko kaming dalawa lang yung magkausap at magkasama. Irereserba ko na lang lahat yun pag nagkaroon kami ng pagkakataon. Pero nakahugot pa rin ako ng huling hirit na tanong.

Me: Kelan kayo nag-break ni Kylie?

She paused a bit.

Shey: 2 months ago yata, nung February.

Oops. Danger.

-see you on Part 19 😊

He's a SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon