Part 8

236 3 0
                                    

Nung nakita ko yung pangalan nung nagtext, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Dapat ko ba siyang tanungin kung sino yun? Teka, may karapatan ba akong magtanong o malaman yun? Kakapayag ko pa nga lang sa kanya na manligaw siya saken.

Napaisip ako, baka naman OA lang ako. Baka may ibang ibig sabihin yung "B💕👩‍❤️‍👩Y"? Bakit ko ba siya pinagdududahan agad? Nagiguilty tuloy ako, hindi pa man din kami pero ganito na ako makapag-isip sa kanya.

Hinintay ko siyang magising tsaka ko sinabi sa kanya. Tiningnan niya yung phone niya, tapos, "Ah.. Si Bebe. Nagkukwento ako sa kanya kanina na pumayag ka nang magpaligaw. Nabanggit kase kita sa kanya kahapon nung katext ko siya."

Bebe? 😳 Tama ba yung narinig ko?

Nakita niya yata yung pagkabigla sa muka ko, kaya umimik ulit siya. Medyo natatawa siya.

Shey: "Si Bebe, bestfriend ko yun. Pag nagkachance sana mameet mo siya, para mapakilala ko siya sayo. Kalog din yun."
Me: "Ba't ka nageexplain? Okay lang naman saken. Baliw neto."
Shey: "Yung muka mo kase diyan. Baka kung ano iniisip mo."
Me: "Hindi noh. Di naman ako ganun."

Pero sa totoo lang kanina ko pa siyang gustong iinterrogate eh. Kung sino yun at bakit Bebe ang tawag niya. 😒 Pero feeling ko wala pa ako sa lugar para gawin. Wala pa ako sa lugar para magselos.

Bumangon si Shey mula sa pagkahiga niya dun sa hita ko. Umupo siya ng ayos sa tabi ko, tapos inakbayan ako ng mahigpit, piningot niya yung ilong ko.

Shey: "Ikaw 'tong baliw. Syempre kelangan kong magexplain sayo. Gusto ko din naman na maging open sayo eh. Basta bestfriend ko yung si Bebe, Tonette talaga yung pangalan niya. Bebe yung tawag ko sa kanya kase mas matanda ako ng isang taon sa kanya. Sa school ko din siya pumapasok."
Me: "Nagexplain talaga? Hindi naman na nga kase kelangan."
Shey: "Eh humahaba na kase yang nguso mo. Cute ka pala magselos? Uyyy.. Wag kang mag-alala, may girlfriend din yun!" Pinisil niya na naman yung ilong ko. Tapos ginulo niya yung buhok ko. 😑
Me: "Hindi ako nagseselos!" Pero sa totoo lang, medyo nakampante ako. At least hindi na ako mag-iisip about dun sa Tonette. Ang iniisip ko na lang eh kung kelan ko siya mamimeet, para ma-sure ko na mabuting tao nga yun.

Shey: "Sabi lang niya sa text, magpaburger na daw ako, kase napapayag daw kita na ligawan ko."

Napasilip ako dun sa phone niya, pinapakita niya kase saken. Nakita ko nga na totoo naman.

Me: "Tama na nga ang explain kase. Okay na nga."
Shey: "Rereply lang ako sa kanya: 'Sige.. next time kita libre... Wag ka na magtext, nagseselos yung girlfriend ko..'"

Girlfriend?! Kakapayag ko pa nga lang na manligaw siya kanina diba? May sapak na talaga siya.

Me: "Girlfriend talaga?! Confident ka pa hah. Tingnan natin kung papasa ka."

Medyo natawa siya. Pasalamat na din ako kase nagexplain siya kahit paano. Hindi kase ako yung tipo ng tao na magtatanong sa kaniya. At least nalinawan na ako about kay "Bebe."

Habang nagkukulitan kami, napasulyap ako dun sa may tent namin. Andun si Ate, kumuha ng damit nila ni Anj. Magbabanlaw na yata sila. Napansin ko din na nakatingin siya samin ni Shey. Hindi ko alam kung matagal na siyang andun at pinagmamasdan kami, pero walang reaction sa muka ni Ate Maan. Tumalikod at umalis siya nang mapatingin ako sa kanya.

Teka, galit ba siya o ano?

He's a SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon