Kampi ako kay Popoy nung sabihin niya kay Basha ang mga katagang "Hindi mo ba alam yung 3-month rule?" Para saken kase, kelangan mo ng at least 3 months para makapagmourn sa past relationship mo at mai-ready yung sarili mo na makipag-date sa iba. After the 3 months, kung mahal niyo pa ang isa't-isa ng ex mo, pwede pa kayong bumalik at i-try kung magwowork out ba.
Kung 2 months pa lang silang break, tama bang nililigawan niya agad ako? Gusto ko tuloy sabihin sa kanya yung parehong dialogue ni Popoy para kay Basha. "Shey, maghihintay ka muna. Tatlong buwan, diba tatlong buwan bago ka maggirlfriend ulit?"
Paano na lang kung marealize niya bigla na mahal pa niya yung ex niya? May 1 month pa eh...
Sa kabilang banda, napaisip din ako. Hindi naman siya magdedecide na umpisahan yung samin, kung hindi pa talaga siya over with that Kylie girl diba?
Tonette: Jamie, kanta ka na dali. Kanina ka pa, nandadaya ka na.
Hindi ko na nadugtungan pa yung tanong ko kay Shey. Kinuha ko yung songbook para hanapin yung song na pumasok sa isip ko: "Love me for a Reason - Boyzone."
Girl when you hold me, how you control me
You bend and you fold me, anyway you please
It must be easy for you, the loving things that you do
But just a pastime for you, I could never beAnd I never know, girl
If I should stay or go
'Cos the games that you play
Keep driving me awayDon't love me for fun, girl
Let me be the one, girl
Love me for a reason
Let the reason be loveDon't love me for fun, girl
Let me be the one, girl
Love me for a reason
Let the reason be loveNung natapos ko yung kanta, nagpalakpakan silang tatlo.
Shey: May singing talent ka pala?
Tanya: Nahihiya ka pa kumanta, dapat nga yata kami yung mahiya.Hindi ako umimik. Parang nawalan na lang ako ng gana na makipag-usap sa kanila. Ngumiti lang ako. Tuloy pa rin sila sa pagkanta.
Me: Shey, uwi na ako, baka madatnan ni Ate na wala ako sa bahay.
Shey: Uuwi ka na agad? Hmm.. O sige, ipagpaalam kita dun sa dalawa.Sa totoo lang, gusto ko lang magkaroon ng time na magkausap kaming dalawa lang, kaya nagpaalam na ako.
Shey: Bebe, Tanya, una na daw si Jamie.
Tonette: Alis ka na agad? Maaga pa naman.
Me: Baka kasi hanapin ako ni Ate, di ako nakapagpaalam sa kanya eh.
Tanya: Sayang naman, sa susunod sama ka ulit sa'min ha? Next week pwede ka ba?
Me: Titingnan ko, di ko pa rin sigurado eh. Basta sabihan nyo lang ako agad.
Tanya: O sige ba, ingat ka pag-uwi.Shey: Hatid ko lang siya ha, balik din ako mamaya.
After ko magpaalam kay Tita Len, inihatid ako ni Shey pabalik sa mall. Naglakad ulit kami. Hinawakan niya yung kamay ko. Gusto kong bawiin pero mahigpit yung pagkahawak niya. Wala pa rin akong imik, hindi rin siya umiimik. Pero sa totoo lang, ang dami kong gustong sabihin sa kanya. Hindi ko lang alam kung paano sisimulan.
Nung halos malapit na kami, finally, nagsalita siya: "May problema ba Jamie?"
Me: "Bakit ka ba ganyan Shey?! Gaano pa ba kadaming bagay ang kelangan kong malaman about sa'yo?! Sino ba talaga si Kylie?! Ha?! At anong koneksyon mo kay Anj at sa Ate Maan ko?! Sabihin mo nga, Shey, kelan ko ba makikilala yung totoong ikaw?! Bakit ba ang dami kong pinagdududahan sayo?! Ayoko ng ganito Shey, ayoko nang mag-isip! Ayoko nang isipin na 2 months pa lang kayo nagbreak ni Kylie pero nililigawan mo na agad ako, at baka rebound mo lang pala ako after ng relasyon niyo! Ngayon pa lang, sabihin mo na sakin lahat!"
Natigilan ako. Hindi ko napansin na napaluha na pala ako...
Tumingin ako kay Shey. Nakatingin lang siya saken, nakatulala.
Teka lang.. Nasabi ko ba talaga lahat ng yun?
To be continued...
BINABASA MO ANG
He's a She
Teen FictionMay standards ba ang love na kelangan sundin bago ka ma-fall? Hindi ba't puso ang tumitingin at hindi ang mata? Kasalanan ko ba kung ang pagmamahal na nararamdaman ko ay hindi ayon sa "tama" na pinaniniwalaan nila? Pamilya o ang taong mahal ko? Kail...