Part 14

215 1 0
                                    

Jamie's note: Sa mga nagtatanong kung sino si Tonette, siya po ay si Bebe. Kung avid reader ka ng story na 'to, alam mo na Bebe ang tawag ni Shey sa bestfriend niyang si Tonette. So si Bebe at Tonette ay iisa. 😊 Yun lang..

Continuation...

So.. etong babaeng 'to.. siya yung girlfriend ni Bebe? Hala, nung nabanggit saken ni Shey yung about kay Bebe, at nung sinabi niya na may girlfriend din si Bebe, hindi naman ganito yung na-picture kong itsura ng girlfriend niya. Masyadong girly kase kung titingnan 'tong si Tanya. Parang walang bahid ng pagka-bi.

Shey: "Dadating na daw si Bebe. Nasa jeep na. Gustung-gusto ko na nung ma-meet."

Bigla tuloy akong nahiya. Una, dahil masyado kong pinag-isipan agad 'tong si Tanya. Akala ko nung una, medyo malandi. Pangalawa, nakakahiya din kase, kung maganda 'tong si Tanya, hindi malayong maganda din siguro si Bebe, (or si Tonette). Parang ako lang ang pinakapangit sa kanila. Nakakababa ng self-esteem sa totoo lang. Matangkad pa silang dalawa, siguro si Tonette din.

Konting kwentuhan lang kami habang nakaupo sa food court. Nakikitawa lang ako sa kanila, wala naman akong maikwento. Tsaka hindi ko din naman ka-close pa si Tanya, so nakikiride lang ako sa kanila.

After around 15 minutes, dumating na si Tonette. Shet, totoo nga yung kanina ko pang naimagine. Maganda din siya. Matangkad at morena tulad ni Shey, pero medyo mas malaman siya. Hindi siya mataba, hindi rin naman payat. Simple lang din siya manamit. Leggings, shoes, gray V-neck Shirt.

Lumapit siya sa table namin, hinila yung upuan sa tabi no Tanya para makaupo siya. "Hi By," sabi niya, tapos nagkiss sila ni Tanya. 🙈

Tsaka siya napabaling saken.

Tonette: "Hi Jamie!! Mas mganda ka nga sa personal. Puro pictures lang kase nasend saken nitong si Shey. Mag-ingat ka dito sa babaeng 'to ha."

Shey: "Uy baliw 'to! Kakapayag nga lang ni Jamie, baka mabasted ako agad nito! Tumigil ka diyan!"

Nagtawanan sila. Alam kong biruan lang, pero biglang sumagi na naman sa isip ko yung lahat ng sinabi ni Ate kahapon. Tinanggal ko din agad sa isip ko yun, di ba  nga mas gusto kong bigyan ng chance si Shey? Deserved niya naman siguro yun.

Hindi ko din mapigilang mapasulyap paminsan minsan kay Bebe at Tanya, ang sweet kase nila. Bakit parang hindi sila nahihiyang mag-PDA in public? Naka-akbay pa si Bebe kay Tanya, habang nilalaro-laro ni Tanya yung kabilang kamay ni Bebe. Sa kanilang dalawa, parang si Bebe yung mas brusko.

Sana kaya ko din maging sweet kay Shey... Ang cute nilang tingnan. 😍

Nagkasundo sila na pumunta sa bahay nila Tanya. Sa village sa likod ng mall lang pala yung bahay nila. Tambay daw kami dun. Magkaraoke daw kami. Mapapalaban ata ako.

Naglakad lang kami papunta dun. Galing sa labas ng mall, 7-10minutes walk siguro yung bahay nila Tanya. Magkahawak ng kamay yung dalawa habang naglalakad, kaya etong si Shey, nainggit siguro. Hinawakan niya din yung kamay ko. Nagtitinginan yung ilang mga tao na nakakasalubong o nadadaanan namin, pero parang okay lang naman kay Shey. Wala ding pakelam yung dalawa naming kasama.

Pagdating sa bahay nina Tanya, pinagbuksan kami ng gate ng Mama niya. Nakakatuwa kase mukang mabait siya. Nakangiti agad siya saken.

"Hello po Tita," bati agad ni Tonette sa Mama ni Tanya, tapos nag-bless siya. Naggoodafternoon din ako, habang "Hi Tita" naman ang greet ni Shey.

"Hello mga anak," bati nung Mama ni Tanya.

Tanya: "Ma, pwede hiramin yung Karaoke natin? Sa kwarto na lang po sana kami. Baka kasi mag-ingay kami."

"Oo anak, sa ilalim ng TV ko ata nailagay, kunin mo na lang ha. Ano ngang pangalan mo iha?" Saken nakatingin yung Mommy ni Tanya.

Me: "Jamie po Tita."
Tanya's Mama: "Hello Jamie. Wag kang mahiya. Tuloy na kayo. May meryenda pa din diyan, ipaghahanda ko kayo maya-maya."

Dumiretso kami agad sa loob. Hindi ganun kalakihan yung bahay nila, pero malinis, tapos may second floor. Sa taas pa yung room ni Tanya. Sa may hagdan, may mga picture frames na naka-hang. Habang umaakyat kami, tinitingnan ko yung bawat picture. May ilang pictures ng family ni Tanya, tapos the rest pictures na nilang dalawa ni Tonette. Puro sweet pictures... Aww.. legal siguro sila? 🙁 Medyo nainggit tuloy ako...

Diretso na kami sa kwarto ni Tanya, habang ako nagmamasid-masid pa din. Cute yung kwarto niya, mas maraming naka-display at naka-hang na pictures. Nag-isa-isa ako sa pagtingin. May picture ng graduation niya ng elementary, tapos meron din nung highschool. Meron pang class pictures, tapos family pics ulet, sweet pictures nila ni Tonette kung saan-saan.

Sa may mga pictures na kasama yung friends niya, may iba na medyo bata pa siya. High school siguro. Tapos meron din na parang lately na lang kinuha. Tinitigan ko, andun siya sa left side, tapos si Tonette naka-kiss sa kanya, dalawa pang girl couples na magka-hug, tapos sa other side.. si Shey, na may katabing babae... yung pose ni Shey, katulad din ng pose ni Tonette...

He's a SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon